Chapter 21
Third person's POV
Natapos nang sauluhin ni Marjorie ang kanyang lines at ngayon ay pinapractice na lamang nya ito.
"Denise!" Tawag nya sa kanyang p.a.
"Bakit po?"
"Ikuha mo ako ng tubig. Bilis!"
Agad na tumakbo ang kanyang p.a. at pagbalik nito ay may dala na agad itong baso na may lamang tubig.
"Eto po mam." Kinuha nya iyon at ininom.
"Okay! Magready na kayo!" Sigaw ng isang mentor.
Inayos ni Marjorie ang kanyang sarili. Umakyat na din sa stage ang gaganap sa role ni Krishna.
Nakatalikod pa si Marjorie kaya hindi nya alam kung anong itsura ng babaeng nakuhang kontrabida.
Inabot na ni Marjorie ang papel at baso sa kanyang p.a.
"Ready! 3..2..1..Action!"
----
Marjorie's POV
Dahan-dahan akong humarap.
Nang makita ko ng kabuuan ang muka ni Krishna ay laking gulat ko.
Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.
Isa na naman ba itong panaginip?!
Kung isa nga itong panaginip, pwes hindi ito nakakatuwa dahil para sakin ay isa itong matinding bangungot.
"Kumusta ka naman?" Nakangiti ngunit mataray nyang sinabi. Yun kasi ang pinakauna nyang sasabihin.
"P-pa...pa.." Hindi ako makapagsalita ng maayos. Nakafocus kasi ang atensyon ko sa kanya.
"Anong nangyayari?"
"Hindi ko alam. Hindi naman yun ang nakalagay sa dialogue nya eh."
BINABASA MO ANG
My Kontrabida Love [editing]
Teen Fiction[book 2 of 'Ang Manyak kong Asawa'] Noon pa lamang sa pag-ibig, ako na ang KONTRABIDA. Ngayong panibagong buhay na naman ang tatahakin ko at isa na namang pag-ibig ang papasukin ko, magiging kontrabida pa rin kaya ako? Hindi ko na ba mararanasan na...