Chapter 41
Natulala ako ng ilang saglit ngunit agad ding nagbawi. Ngumisi ako sa kanya. Masyado na yatang nangangarap itong babaeng 'to! "Assuming much Grizelle?"
Nilagay n'ya ang buhok n'ya sa likod. "I don't care if you don't believe in me. It's up to you naman eh atsaka mamaya naman siguro, makikita mo na sweet kami."
Napakuyom ang kamao ko pero pinipilit ko pa ding ngumiti sa kanya. Hindi pwedeng mawala ang poise ko. "Eh ano naman kung girlfriend ka n'ya? I know naman na he wouldn't take you seriously."
Tumayo s'ya at pumunta sa likuran ko. Naramdaman kong pinaglaruan n'ya ang buhok ko. "I'm sorry Marjorie pero I believe na hindi n'ya ako itutulad sa'yo." Tinabig ko ang kamay n'ya at tumayo ako upang maging kapantay s'ya. "Woah, pikon ka na?" Naging mapang-asar ang ngiti n'ya.
"Ano bang gusto mo Grizelle ha?" I'm starting to get annoyed.
Nag-isip s'ya sandali. "Ang gusto ko?" Saka n'ya unti-unting inilapit sa tenga ko ang bibig n'ya. "Gusto kong bumagsak ka Marjorie. Gusto kong kunin ang lahat ng sa'yo. Gusto kong agawin sa'yo si Sazer." Itutulak ko pa lang sana ulit s'ya pero nahawakan n'ya na agad ang kamay ko. "Not too fast."
"Walanghiya ka talaga!"
"Kung walanghiya ako, ano ka pa?" Ako naman ang tinulak n'ya ngayon ng malakas kaya napasubsob ako sa sahig. Buti na lang ay nakalock ang pinto at sound proof itong kwarto kaya hindi kami maririnig nila Sazer. Tumayo agad ako at sinabunutan ko s'ya. This time ay sinabunutan n'ya na rin ako.
"Hayop ka!!! Mang-aagaw!!!" Sigaw ko sa kanya. Nagpagulong-gulong kami sa sahig.
"Mas hayop ka!!!"
Hindi ko masyadong makita ang mukha n'ya dahil sobra n'ya akong sinasabunutan. "Mamatay ka na Grizelle! Masyado kang malandi!"
"Hindi ako ang malandi! Ikaw!"
Mga tatlong beses pa kaming gumulong, wala talagang nagpapaawat. Nasasaktan na din ako dahil sa sobrang pagsabunot n'ya sa'kin.
"Bakit ba sumulpot ka pa dito ha?!"
"Para guluhin ka. Ano pa bang inaasahan mo?!"
"Tss!" Ngayon ay ako ang nasa ibabaw kaya mas lugi s'ya sa pagsabunot.
"Let go of me!" Binitawan n'ya ako at pinipigilan n'ya ngayon ang kamay ko na kasalukuyang sumasabunot sa buhok n'ya.
"Iyan ang bagay sa'yo!!!"
"Bitawan mo ako sabi! Ano ba?!!!"
"Hindi kita---" Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kevin at Sazer. Hawak-hawak ni Kevin ang susi. Oh no.
![](https://img.wattpad.com/cover/5264598-288-k503413.jpg)
BINABASA MO ANG
My Kontrabida Love [editing]
Teen Fiction[book 2 of 'Ang Manyak kong Asawa'] Noon pa lamang sa pag-ibig, ako na ang KONTRABIDA. Ngayong panibagong buhay na naman ang tatahakin ko at isa na namang pag-ibig ang papasukin ko, magiging kontrabida pa rin kaya ako? Hindi ko na ba mararanasan na...