Epilogue
"Babe..." Naramdaman kong may humaplos sa pisngi ko kaya nagising ako. "Babe..."
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nung una ay malabo pa ang paningin ko pero nakita ko siya. "Rency?" Tumingin ako sa paligid ko. Nasa kotse kami? Saan 'to papunta?
"Kanina ka pa tulog. Almost 20 minutes. Malapit na tayo sa destination natin."
"A-anong ginagawa ko?" Bakit ba ako nandito?
"Babe kasi---"
"Lumayo ka sa'kin!!!" Bigla kong naalala kung ano ang ginawa niya. Pinainom niya ako ng pampatulog! "Lumayo ka sabi eh!!!" Tiningnan ko ang suot ko at napahinga ako ng maluwag nang makita kong suot ko pa ang wedding dress.
Wedding? Kasal namin ni Sei ngayon!!!
"T-teka, b-bakit nakatali ako?!" Pinilit kong alisin ang tali sa kamay ko pero walang nangyari. Mahigpit ang pagkakatali, siguradong hindi ako makakawala.
"Hahaha!"
"A-anong tinatawa-tawa mo d'yan?!" Patuloy pa rin siya sa pagtawa. "Ano bang nangyayari sa'yo?! Ikaw ba ang may gawa nito?! Pakawalan mo nga ako!"
Natakot ako nang biglang sumeryoso ang mukha niya. "Hindi, magpapakasal ka sa'kin ngayon."
Nagsalubong lalo ang kilay ko. "Ano bang sinasabi mo?! Alisin mo na nga 'tong tali!"
"Ayoko kasi alam kong tatakas ka. Hindi kita hahayaan na mangyari 'yon. Kailangan pa kitang magibg asawa."
Napatigil ako dahil sa sinabi niya. "Bakit?! Akala ko ba pinakawalan mo na ako?! Akala ko ba okay na tayo?!"
Ngumisi siya. "Akala mo lang 'yun."
Naiinis na talaga ako ah! "Rency, kung nagjo-joke ka man, hindi ito nakakatuwa! Kaya please lang, alisin mo na itong tali ko dahil baka ma-late na ako sa kasal namin!"
"Mukha ba akong nagbibiro?" Totoo nga, napaka-seryoso talaga ng mukha niya. I-ibig sabihin, kinidnap niya talaga ako?!
"H-hindi, hindi mo 'to magagawa. Kilala kita Rency, hindi mo 'to kayang gawin sa'kin."
Lumapit siya sa'kin at pinaglaruan ang ilang strands ng buhok ko. "Nagkakamali ka, hindi mo pa ako lubusang kilala."
Napailing-iling ako. "B-bakit? Bakit kailangan mo 'tong gawin?"
"Hindi mo pa ba alam?" Ngumiti siya. "Simple lang, dahil mahal pa kita."
"Pero hindi na kita mahal!" Ilang taon na ang lumipas! Bakit hindi pa rin siya nagmo-move on?!
BINABASA MO ANG
My Kontrabida Love [editing]
Fiksi Remaja[book 2 of 'Ang Manyak kong Asawa'] Noon pa lamang sa pag-ibig, ako na ang KONTRABIDA. Ngayong panibagong buhay na naman ang tatahakin ko at isa na namang pag-ibig ang papasukin ko, magiging kontrabida pa rin kaya ako? Hindi ko na ba mararanasan na...