Chapter 31
"Okay ka na ba? Kapag umiyak ka pa, tatalon ako sa bangin." Natawa sya sa sinabi ko. Kararating lang kasi namin sa bahay nya.
"Wag naman. Edi lalo akong umiyak kapag ganun."
Nginitian ko sya. "Matulog ka na. May shooting ka pa bukas."
Tumango sya. "Sige. Goodnight."
"Goodnight." Pagkatapos nun ay pumasok na sya sa kwarto nya at ganun din ako.
----
Marjorie's POV
"Cut! 15 minutes break!" Sigaw ni direk. Umupo muna ako saka lumapit sakin ang p.a. ko. Binigyan nya ko ng tubig at ininom ko 'yon.
"Loko ka! Hahaha!" Narinig ko ang boses ni Grizelle kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko syang nakikipagtawanan kay Sazer. May sasabihin sa kanya si Sazer then hahampasin nya ito sa braso tapos magtatawanan na naman sila. Napaarko ang kilay ko dahil sa nakita ko. At dahil doon, lumapit ako sa kanila.
"Mukang masaya kayo ah?" Ngumiti ako ng plastic.
"Ah oo. Eto kasing si Sazer, nagkukwento ng mga embarassing moments nya nung bata sya. Eh hindi ko namang mapigilang--pffft--hahaha--mapatawa!"
"Pwede ba akong sumali sa inyo? Mukang nag-eenjoy kasi kayo eh." Tumingin ako kay Sazer.
"Uhmm..Uhh.. Oo nga pala, how's your mother?" Tanong sakin ni Sazer. Nainis ako sa tinanong nya. Naiinggit ako sa kanila kasi nagtatawanan sila kanina tapos ngayon ang serious ng tanong nya.
"Uhh.. She's fine for now." Yeah right. Tss.
"Bakit? Ano bang nangyari sa mommy mo Marjorie?" Grizelle asked.
"May cancer kasi sya eh." I lower down my voice.
"Oh..Sorry."
I smiled. "It's okay."
Tumingin sya kay Sazer ng may halong pag-aalala. "Bisitahin natin yung mommy nya mamaya."
"Hmm.." Then si Sazer namang ang tumingin sakin. "Wala na sya sa ospital diba kasi sabi mo sakin last month, ayaw ng mommy mo kaya dun na lang sya tumigil sa bahay nya."
"A-ah oo." Napaiwas ako ng tingin. Bakit ba napunta sa topic na 'to?! Bwisit ka talaga Grizelle.
"Pwede mo ba kaming samahan mamaya?"
"M-mamaya? Uhh.. Ayaw kasi ni mommy t-tumanggap ng visitors eh." I tried my best to smile.
BINABASA MO ANG
My Kontrabida Love [editing]
Novela Juvenil[book 2 of 'Ang Manyak kong Asawa'] Noon pa lamang sa pag-ibig, ako na ang KONTRABIDA. Ngayong panibagong buhay na naman ang tatahakin ko at isa na namang pag-ibig ang papasukin ko, magiging kontrabida pa rin kaya ako? Hindi ko na ba mararanasan na...