Chapter 3
Malan's POV
Nasa living room ako ngayon at nakatunganga lang. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung tinimpla kong kape kanina kay Sei. Natatawa pa rin ako hahaha!
"Aray!" Nagulat ako nang sumigaw s'ya. Dinig ko pa rin yung boses n'ya kahit nasa malayo ako.
Nakita kong papunta sa kinaroroonan ni Sei ang mga katulong para siguro alamin kung ano ang nangyari. Nagpasya akong lumapit sa kanila. "Ako na pong bahala."
"Pero po ma'am---"
"Please?"
Tumango lang sila at umalis. Pumunta na ako sa kitchen. Dun kasi nanggaling yung boses n'ya eh. I wonder kung anong nangyari.
Bakit ba kasi ang haba ng kailangang lakarin bago makarating dun?
Pagkadating ko dun ay nakita ko s'yang nakahawak sa daliri n'ya.
"Oy, anong nangyari?" Nilapitan ko s'ya at tinapik sa balikat. Ayos eh noh? Parang lalaki lang ang peg.
Gulat s'yang napatingin at automatic na tinago n'ya ang kamay n'ya sa likod n'ya. Tss, ano bang tinatago nito? "H-ha? Wala, naghuhugas lang ako ng pinagkainan natin."
ANO DAAWW?!
"Ano kamo?!"
"Ang bingi mo naman. Sabi ko, naghuhugas ako ng pinggan. Ibig sabihin, hinuhugasan ko yung pinagkainan natin. Kuha mo na?"
Nanlaki ang mga magaganda kong mata. Chos! Haha! "Ikaw?! Bakit ikaw ang gumagawa n'yan?!"
"Diba sabi mo kanina, ako ang maghugas kasi ako lang naman ang kakain." Poker n'yang sinabi. Ang kyot n'ya!!!
"Seryoso?"
"Ay hindi." Sabi ko nga mamimilosopo na naman 'yan eh. "Nagjo-joke lang ako!" Sarkastiko n'yang sinabi at natawa lang ako.
"Hahahaha!"
"Bakit ka natawa d'yan?"
"Bakit mo sineryoso yung sinabi ko? Haha! Edi pag sinabi kong kumain ka ng tae, kakain ka? Hahaha!"
"Joke ba 'yun? Tatawa na ba ako?"
"Haha! Serious na nga." Pikon agad s'ya eh haha. "Ano bang nangyari d'yan sa kamay mo?" Lumapit ako sa kanya at sinubukang kuhanin ang kamay n'ya pero nilayo n'ya lang.
"Wala 'to."
"Sus. Patingin na nga kasi." Sa wakas ay nahawakan ko din ang kamay n'ya at nakita kong may dugo yung isang daliri n'ya. "Hala! Anong nangyari?!"
BINABASA MO ANG
My Kontrabida Love [editing]
Roman pour Adolescents[book 2 of 'Ang Manyak kong Asawa'] Noon pa lamang sa pag-ibig, ako na ang KONTRABIDA. Ngayong panibagong buhay na naman ang tatahakin ko at isa na namang pag-ibig ang papasukin ko, magiging kontrabida pa rin kaya ako? Hindi ko na ba mararanasan na...