Chapter 22

11.3K 201 39
                                    

Chapter 22

Grizelle's POV

Naglalakad ako pabalik sa kotse. Ano ba 'tong nararamdaman ko?

"Babe!" Napatingin ako kay Rency. Teka? Bakit ang layo nya?! "Napasobra ka ng lakad!"

Lumapit ako sa kanya. Pinagbuksan nya ko ng pinto ng kotse at pagkatapos kong sumakay ay pumasok na din sya sa loob. Inalis nya yung panyo ko sa muka.

"What happened?" Tanong nya.

Bakit nga ba nagkaganito ako? Ewan ko ba pero nang makita ko ang itsura ni Sei, naawa ako. Namayat na kasi sya at ang putla nya. Tapos napansin ko ding mugto ang mga mata nya. Ang laki ng pinagbago ng itsura nya..

At tsaka nang mahawakan nya ang kamay ko, napatigil ako bigla kanina.

"Hey babe."

Napakurap ako ng tatlong beses. "B-bakit?"

"Tinatanong kita kung anong nangyari? Nakita mo ba si Renny?"

"O-oo. Nakita ko sya."

Umayos na sya ng upo at ini-start ang engine. "If you have a problem, you can tell me."

Para tuloy akong nakonsensya bigla. Wala naman akong ginagawang kasalanan pero pakiramdam ko nangangaliwa ako.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at hinawakan ko ang kamay nya. "Nagkita kami.."

"Anong ginawa mo? Nakilala ka ba nya?"

"Hindi. Sabi ko binibisita ko lang yung kaibigan ko tapos...nung paalis na ako, hinawakan nya ang kamay ko."

"And? What did you do?"

Sasabihin ko pa ba natigilan ako? Wag na.. Wala naman ibang ibig sabihin yun eh. Nagulat lang siguro ako kaya natigilan ako.

"He let go of my hand tapos nagsorry sya and after that, umalis na ko."

He sighed. "Mukang malakas ang pakiramdam nyang ikaw ang kaharap nya kanina." Lumayo sya at tumingin ng diretso sa mga mata ko. "Do you still love him?"

Katahimikan..

After a few minutes, he smiled pero alam kong malungkot ang ngiting yon.

My Kontrabida Love [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon