Chapter 46
Sazer's POV
"H-hindi ka uuwi ngayon? Bakit?" Nagtataka kong tinanong si Loves habang hawak-hawak ko ang cellphone ko. Tinawagan n'ya kasi ako at sinabi n'yang hindi s'ya uuwi, medyo naguguluhan nga ako sa boses n'ya eh. Para kasing garalgal na ewan.
("A-ano...uhh...")
"Anong-ano?"
("N-nakalimutan ko kasi, may gagawin pa pala ako.")
"Nasaan ka nga kasi ngayon? Sasamahan na lang kita d'yan." Kanina ko pa s'ya kinukulit kung nasaan s'ya pero ayaw n'ya talagang sabihin. It feels like...may tinatago s'ya sa'kin pero meron naman akong tiwala sa kanya.
("Basta nasa mall ako!") Irita n'yang sinigaw pero parang narinig kong pumiyok s'ya. Umiiyak ba s'ya?
"A-are you crying?"
("Hindi ah! Sige na, bye na!")
"Sigurado ka bang bukas ka na talaga..." In-end n'ya na ang call. "...uuwi?" Hindi ko tuloy s'ya natanong ng maayos. Ano kayang problema ng babaeng 'yun? Ang gulo n'ya talaga lagi. Siguro lalo s'yang gugulo kapag nagkaanak na kami. Hahaha.
Napakaboring! Ano kayang pwedeng gawin ngayon? Hmm..kung pumunta kaya ako sa mansion? Ang tagal ko na ring hindi nabibisita 'yon eh.
Ni-lock ko muna ang mga bintana at pati na rin ang pinto bago ako lumabas. Pumunta ako sa garage at kinuha ko ang kotse ko. Pinatakbo ko ito papunta doon. Pagkarating ko ay agad akong bumaba at pumasok sa loob.
"Sir kayo po ba 'yan? Bakit ngayon lang po kayo napabisita?" Gulat na tanong ng isang guard na nagbabantay sa gate.
"Ngayon lang ako nagkaroon ng time eh. Medyo busy kasi."
"Saan po ba kayo pumupunta?"
"Nagtatrabaho lang naman." Bago pa s'ya magtanong muli ay dumiretso na agad ako.
"Sir!" Sabay-sabay na sigaw ng mga katulong ko.
"Sir saan kayo galing? Na-miss namin kayo!" Sabi n'ya sa'kin na kung hindi ako nagkakamali ay si Rachel.
"May trabaho kasi ako kaya hindi na ako nakakapunta." Nginitian ko lang sila. "Nga pala, wala bang bumibisita dito?"
"Ay meron po sir! Actually, once a week po s'ya pumupunta dito!"
Napakunot ang noo ko. "Sino?"
"Kaibigan n'yo daw po, si Fuentes."
"Fuentes?" Sandali akong nag-isip. "Ah! Si Ace Alliane?"
BINABASA MO ANG
My Kontrabida Love [editing]
Fiksi Remaja[book 2 of 'Ang Manyak kong Asawa'] Noon pa lamang sa pag-ibig, ako na ang KONTRABIDA. Ngayong panibagong buhay na naman ang tatahakin ko at isa na namang pag-ibig ang papasukin ko, magiging kontrabida pa rin kaya ako? Hindi ko na ba mararanasan na...