Chapter 19
"Waah! Ang ganda dito!" Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko. Marami na kaming napuntahang ibat-ibang bansa pero ganito pa rin ang reaksyon ko kapag nakakakita ng magandang lugar. Nandito kasi kami ngayon ni Rency sa Elaborate Victorian Garden. Marami ditong magagandang bulaklak syempre, obvious naman sa pangalan eh.
"You like it?"
"Oo naman! Ang ganda kaya!" Sagot ko habang nakangiti. Nakatingin pa rin ako sa mga bulaklak. Suot-suot ko ngayon ang aking summer hat kahit hindi naman summer ang season.
Nakarinig ako ng click ng camera at ayun, kinuhanan pala ako ng litrato ni Rency.
"Hoy! Ikaw ha!"
"Ang ganda mo kaya."
"Patingin nga!" Lumapit siya sa'kin at pinakita niya yung picture. Stolen shot yung picture ko dun. Ang galing talaga nitong kumuha, para talagang professional. "Wow! Ang galing mo talaga!"
"Hindi ako magaling, maganda lang kasi yung nasa picture." Nagblush ako sa sinabi niya tapos tumawa lang siya. Napakabolero talaga ng lalaking 'to.
After a few hours ng paggagala, kumain muna kami sa isang cake shop.
"Anong gusto mo?" Tanong niya sa'kin. Ayos talaga ako dito, lagi akong libre.
"Treat mo ako?"
"Hindi ah."
Aba! Ang daya nito ah! "Hala! Wala akong dalang pera eh!"
"Edi bahala ka." Tinawanan lang ako.
"Bwisit ka!" Nagpout ako, gusto ko ng kumain.
Narinig ko na naman ang isang tunog ng click sa camera niya. Kinuhanan na naman ako!
"Di ka ba nagsasawa ha?!"
Tinawanan niya ako. "Hindi, Order na nga tayo, treat ko."
Napangiti ako at isinabit ko ang braso ko sa kanya. "Ayun gusto ko, cheesecake."
"Okay." Humarap siya dun sa babaeng nasa 30+ ang edad. Wow, blonde. "Cheesecake for two please."
"Okay." Umalis sandali yung babae at pagbalik niya ay inabot niya agad ang cheesecake namin. Umorder na rin si Rency ng drinks at pagkatapos ay napagpasyahan naming sa labas na lang kumain.
"Ang sarap talaga ng buhay ko." Binuksan ko na sa lalagyan ang cheesecake ko at nagsimulang kumain.
Ganun din ang ginawa niya, kinain niya na din ang cheesecake niya habang naglalakad kami. Masarap kasing maglibot dito, presko at hindi ganun kainit ang sikat ng araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/5264598-288-k503413.jpg)
BINABASA MO ANG
My Kontrabida Love [editing]
Novela Juvenil[book 2 of 'Ang Manyak kong Asawa'] Noon pa lamang sa pag-ibig, ako na ang KONTRABIDA. Ngayong panibagong buhay na naman ang tatahakin ko at isa na namang pag-ibig ang papasukin ko, magiging kontrabida pa rin kaya ako? Hindi ko na ba mararanasan na...