I

5.9K 74 14
                                    

"Wala talagang puso yang Harland Forto na yan. Akala ko nagbago na, pero..."

Napatigil ang lalaki sa pagsasalita ng makarinig ng pagtikhim mula sa kanilang likuran. Napansin din nito ang pananahimik ng ibang kapitbahay.

"You can keep your opinions about me to yourself, dahil whether you agree or not -- you have to leave this place once the eviction notice from the court already come out." his deep, masculine voice is enough to give fear to everyone that can hear. Not to mention, his name, Harland Forto, is formidable in the business world.

"P-pero sana man lang maging fair kayo sa amin. Dito na kami tumanda, dito na kami nagkapamilya, at..."

"Fair? We own this land! Alam nyo na hindi sa inyo ang lupa na ito, yet you still chose to built your houses here." putol ni Harland sa iba pang sasabihin ng babae na siyang tumatayong leader ng pamayanan na iyon. He doesn't want to hear anymore argument. Halos dalawang buwan nang nakikipag-diyalogo ang legal department ng kanilang kumpanya sa mga ito. So, hearing another excuses from these people are now so very tiring for him.

"Mr. Forto, sana po bigyan nyo man lang kami ng sapat na panahon para makahanap..."

"No! We already gave you all so many years na tumira sa lupa na pagmamay-ari naman namin. You should've anticipated na sooner or later, kukuhanin din ng totoong may-ari ang lupa na ito."

Nagkaingay ang mga tao sa narinig. Mabilis naman na kumilos ang mga pulis para harangan at protektahan si Harland.

"Wala ka talagang puso! Ano itatapon nyo na lang kami ng basta basta na parang mga hayop? Sana man lang bigyan nyo kami ng maayos na malilipatan, o sapat na halaga para makapag-simula man lang." muling sigaw ng babae na ngayon ay sobrang emosyonal na.

Naiiling na inalis ni Harland ang suot na shades. Naglakad siya papalapit sa mga mamayan. "Why would we do that? Baket namin kayo bibigyan ng malilipatan? We're not the government! Private sector ho kami. Besides, you've all been an illegal settlers for so many years. Sa inyo na nga galing, dito na kayo tumanda at nagkapamilya. So, we don't owe you anything. As a matter of fact, kayo pa nga ang dapat na may bayaran sa amin. You've been living here all these years free of charge. Ang kakapal naman yata ng mga mukha nyo na humingi pa ng kapalit instead of being grateful. So, if I were you, magbalot-balot na kayo. As much as possible, we want this eviction to go through smoothly, but I am warning you, hindi kami mangingiming gumamit ng dahas pag nagpumilit pa kayong lumaban." yun lang at tinalikuran na ng lalaki ang lahat. He could hear their anger, their frustrations, and yes, even their cries. Napahinto si Harland! Tears.... May kung anong humaplos sa kanyang puso. Something telling him to go back. Nakaramdam siya ng pananakit ng ulo. An unbearable pain. Napaupo ang lalaki while holding firm to his head. Parang binabarena ang ulo niya, sobrang sakit. Hanggang sa nararamdaman niya ang pag-ikot ng kanyang paningin. Para siyang nauupos, at unti-unti nawalan ng malay ang lalaki.

****

Nang muling magmulat ng mata si Harland, hindi niya maiwasang mapangiti ng ang babaeng kanyang pinakamamahal ang mamulatan. Bahagya itong nakatungo, but enough for him to see her lovely face. Napakaganda talaga ng babae. She is breathtaking! And seeing her this close, Harland feels like the luckiest guy alive for having this girl by his side.

Bahagyang gumalaw ang babae, at unti-unting nagmulat ng mga mata. Nang makita nito na gising na siya ay agad nitong inayos ang pagkakaupo.

"Thank God gising ka na!" her voice is full of relief. Napangiti muli si Harland, lalo ng yakapin siya nito.

"Hey, beautiful, I'm sorry if pinagalala kita kita!" marahan niyang hinimas ang mahaba at malambot nitong buhok. Umalis naman ito sa pagkakayakap sa kanya. The woman gives him her sweetest smile.

"Well, it's all fine now. Nandito ka na. I'm just happy na ako ang una nilang tinawagan nung sinugod ka nila dito. Wait, I'm sure gutom ka na. I'll prefer lang the foods ha! Initin ko lang sa microwave kasi kanina pa--" maagap na pinigilan ni Harland ang kamay ng fiancee, at dinala iyon sa kanyang bibig. He kisses her hand. This woman has always been the wind beneath his wings. He couldn't have imagine kung ano na lang ang nangyari sa kanya kung hindi ito dumating?

"Have I told you how I feel blessed to have you in my life?" pagkuway sabi niya sa babae. Marahan itong humagikgik, at hinarap siya. She cupped his face.

"Ano bang nangyari sa'yo? Nauntog ba ang ulo mo?" she sweetly ask him, and give him a kiss in the lips. Tinugon naman yun ng binata ng mas mainit na halik.

"I am just telling the truth! I love you so much, my future wife. I love you, Shane..."



Pretend Wife II: Somewhere In My Past (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon