VIII

1.9K 57 6
                                    

"H-hindi ko talaga matandaan k-kung sino ka sa buhay ko. B-but the sound of your name whenever I say it, i-it f-feels soo right!"

Nakahinga ng maluwag si Czarina sa narinig. Ang buong akala niya ay nakikilala na siya ng lalaki dahil sa pagsakit ng ulo nito kanina lang. Kung nangyari iyon ay hindi niya alam ang gagawin at sasabihin. How could she explain the last 6 yrs na wala siya sa buhay nito? Pinagmasdan niya muli ang gwapong mukha ng lalaki. Sa edad nito ngayon, parang walang nagbago sa itsura ng kaharap. He still has "it". The good looks, the body, the aura that commands attention even without trying; eto pa rin ang Harland Forto na una niyang nakilala when she was 24 yrs old kung pisikal na katangian ang pagbabasehan.

Pero alam ni Czarina ang totoo. That for Harland, she never existed! Nakaramdam ang babae ng ibayong sakit sa kanyang damdamin na mabilis din naman niyang pinalis.

"No regrets, Czarina! Ayus lang yan! Ang importante, he survived!" bulong niya sa sarili. Kunwa ay tumalikod siya mula dito upang itago ang nagbabadyang pagtulo ng kanyang luha. She forced a smile bago muling humarap, pero ganun na lamang ang gulat niya ng makitang nasa likod na niya ang lalaki -- too close that she can already smell him. Her heart, damn, her heart became unstable as if trying to catch some air.

"Why do I have this feeling that what we shared before were something so deep? Baket sa tuwing titingnan kita -- hindi ka man matandaan ng isip ko, eto..." itinuro ni Harland ang dibdib "eto... Parang kilalang-kilala ka! Parang sa tuwing maririnig neto ang pangalan mo, parang may kung anong lugar ka dito na walang nakatibag -- k-kahit pa ang pagkawala ng alaala ko. As if your name has always been etched here. Ang daya! Ang daya daya! Hindi ko alam kung sino ka, pero ang puso ko -- parang magka-konekta kayo. Tell me, sino ka ba talaga, Czarina?" Harland's voice suddenly become deep and husky. Bagay na lalong nagpabilis sa pagtibok ng puso ni Czarina.

Sasabihin ba niya na parehas sila ng nararamdaman? Na pilit man niyang pakalmahin ang kanyang utak, hindi naman niya ito magawa sa kanyang puso? That the moment they met again -- her heart suddenly became restless -- longing for something that she knows she can never have again!

Napaatras si Czarina ng muling tawirin ng lalaki ang katiting na pagitan nila. Ayaw niyang mapalapit dito dahil natatakot siya na ipagkanulo ng kanyang puso ang tunay nitong nararamdaman. That after all these time, wala siyang minahal na katulad ng pagmamahal niya kay Harland.

She snapped. Hindi siya dapat magpatalo sa kanyang damdamin. Oo, eto ang lalaki na una at sa tingin niya ay huli niyang mamahalin -- pero alam din niya na kahit pa man bumalik ang alaala nito -- wala na silang babalikan na nakaraan. She knows that Harland hated her, and will continue hating her. Parang tukso na bumalik ang isang tagpo ng nakaraan.

*6 yrs. ago*

"Czarina, Czarina!!!" nagulat ang dalaga ng makita si Harland na hinahabol ang van kung saan lulan siya at si Charles. Nakasuot pa ito ng hospital gown, at may benda din sa ulo.

May ilan-ilan na ding mga tao na natawag ang pansin dahil sa itsura ng lalaki -- dagdag pa ang pagsirit ng dugo sa kanang kamay nito. But Harland couldn't care less! He has to go after his Retard. Hindi siya makakapayag na iwan siya nito! Ngayon sana ang alis nila papunta ng America para sa kanyang operasyon. Halos magda-dalawang buwan na din ng mawalan siya ng malay habang nasa isang malaking business meeting. Everyone thought it was due to over fatigue, but after all the tests that he'd been through, nalaman na may bukol siya sa loob ng kanyang ulo na patuloy na lumalaki. Ayon sa doktor, 5 cm na daw ang sukat nun ngayon. Kailangan alisin agad habang hindi pa ganun kalala ang epekto. He went through some therapy, at lagi na si Czarina ang kanyang nasa tabi. Eto ang umaalalay sa kanya, naglilinis ng kanyang suka, nagpapalit ng kanyang diaper sa tuwing hindi talaga niya kaya pang tumayo.

Pretend Wife II: Somewhere In My Past (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon