IV

1.8K 64 8
                                    

"Czarina...." 

Natigilan si Harland sa paglalakad. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig, pero sa dami ng tao sa pampublikong ospital ng Santillan kung nasaan siya naroroon ngayon, di na niya masigurado kung kaninong tinig iyon, o kung talaga bang may narinig siya. 

He shook his head. Isa na naman ba 'to sa mga guni-guni niya na may pakiramdam siya na narinig na niya ang pangalan na iyon? 

"Czarina..." ulit niya sa pangalan na kanyang narinig. Why even the sound of that name seems so familiar? Nakaramdam ng pananakit ng kanyang ulo ang binata na madalas na nangyayari kapag may pilit siyang inaalala. Naiiling na lamang na pilit inalis ni Harland ang pangalan na iyon sa kanyang utak. For all he knows, di naman yun importanteng tao sa kanyang buhay. Baka isa lang sa kanyang maraming kakilala bago ang kanyang operasyon. He is sure that his Auntie Lorie and Shane would introduced him to people that matters. 

Inayos niya ang sarili. He knows he should try to ignore these flashes, lalo't hindi niya sinasabi ito kahit kanino. He kept it to his self, thinking that he can figure everything out alone. Ayaw na niyang bigyan pa ng alalahanin ang kayang Tiyahin, maging ang kanyang fiancee. They've been through a lot for him, this is the least he can do. To face his own battle alone. 

Gaya ngayon, he personally travel from Manila to Batangas na makarating sa kanya ang kaguluhan na nangyari sa huling pamayanan na tigas ang pagtanggi na lisanin ang kanilang lupain. Halos masaktan niya si Atty. Villagracia ng ipaalam nito sa kanya ang ginawa. Sinabi nito na ang kanyang Auntie Lorie ang may idea ng pekeng court order, at pag gamit ng intimidation. His Aunt thought that the Village people would easily buy that bluff since most of them are just farmers. Pero seems like she underestimated the "farmers". Nalaman ng mga ito na peke ang hawak na court orders ng abogado, which resulted to commotion. Napagalaman din niya na may malubhang nasaktan dahil sa pangyayari na iyon. 

Kaya napagpasiyahan niya na siya na ang kusang humarap sa pamilya ng nasaktan bago pa muling ang kanyang tiyahin ang gumalaw para sa kanya. That kind of fiasco could've been avoided kung matagal na siyang kusang nakipag-diyalogo sa mga mamayan. Somehow, he feels responsible for that unfortunate accident. 

Nakita niyang pabalik na ang kanyang secretary at iginiya na siya papasok sa opisina ng direktor ng ospital. 


****

Hindi niya alam kung paano niya narating ang ospital. Nang makatanggap siya ng tawag mula kay Charles ay halos liparin na niya ang kinaroroonan ng mga ito. Dahil pa nga sa kanyang pagmamadali ay nadapa siya na naging dahilan ng pagtama ng kanyang noo sa isang matulis na bagay. Ngunit kahit nakaramdam pa siya ng pagkahilo, at sa kabila ng pagdudugo ng kanyang tuhod at noo ay hindi niya iyon inalintana. She should be there. Kailangan siya ng anak niya. 

"C-czarina!!" muli ang pagbuhos ng kanyang luha ng makita si Charles. Punong-puno ng dugo ang suot nitong tshirt, maging ang katabi nito na si Mang Gaspar. 

"Charles, nasan si Harry? Nasan ang anak ko?" histerekal niyang tanong sa lalaki. Patakbo sana siyang papasok sa pinto na may nakasulat na operating room, ngunit maagap siyang napigilan ni Charles. 

"Sandali lang, Czari! Kumalma ka muna. Nasa loob pa si Harry, sabi ng mga doktor maghintay na lang daw tayo dito. Teka, anong nangyari diyan sa noo mo? Bakit may dugo?" akmang hahawakan sana ng lalaki ang kanyang noo ngunit mabilis na hinawi ni Czarina ang kamay nito. She couldn't care less kung ano ang nangyari sa kanya, mas gusto niyang malaman kung ano ang lagay ng kanyang anak. 

"Ayos lang ako!" muli syang naglakad sa harap ng pinto ng emergency room. Pakiramdam niya ay hindi tumitigil ang pagtibok ng kanyang puso sa sobrang kaba at takot na nararamdaman. She can only pray na sana'y walang mangyaring masama sa kanyang anak. 

Pretend Wife II: Somewhere In My Past (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon