III

1.9K 48 3
                                    

*Santillan*

"Di pa rin talaga sumusuko ang mga Forto. Ang masakit nito, si Harland pa ang siyang nangunguna na paalis tayo sa lugar na 'to." mahinahon ngunit mababanaag ang galit, hinanakit, at sakit sa tinig ni Mang Gaspar. Ito ang tumatayong Village leader sa kanila lugar. Pinatawag nito ang lahat ng kababaryo upang ipaalam sa mga ito ang dumating na kasulatan mula sa mga Forto. Ayon dito, nais nang bawiin ni Harland ang lupain na pinagkaloob nito sa kanila. And they are also willing to compensate them properly.

"Ganid talaga! Pero ang di ko maintindihan, baket gustong bawiin muli ni Harland Forto ang lupain na siya mismo ang nagkaloob?" tanong ng isa sa mga mamayan. Saglit na natigilan si Mang Gaspar. Pasimple nitong sinulyapan ang lalaki na nasa kanyang tabi -- si Charles. Tila nakakaintindi naman ang binata na maagap na sinalo ang matandang lalaki.

"Kung ano man ang dahilan nila, wala na tayong pakelam dun. Ang kailangan natin gawin ngayon at protektahan ang ating mga lupa laban mga gustong kumamkam nito. Our residency here is legal, kaya wala silang karapatan na paalisin tayo dito." nagtanguan ang kanilang mga kabaranggay. Isa din si Charles sa ginagalang at pinapakinggan sa lugar na iyon kahit pa sabihin pa na mas bata ito kaysa sa karamihan. Pero tanging ilan lamang ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ng binata -- isa na nga dun si Mang Gaspar. Charles opted to use his mother's name surname. For the people of Santillan, he is Charles Fulgar. Madali naman iyong pinaniwalaan ng lahat, dahil dati pa man ay tago na ang kanyang pagkatao. That he is actually Harland Forto's half brother.

"Tama si Charles! Kaya namin kayo ipinatawag ay upang siguraduhin ang inyong kooperasyon at pakikiisa. Sana kahit gaano kalaking pera ang ialok sa inyo ng mga F-forto, sana ay wag nyong ipagbili ang parte nyo sa lupa. Mas malaki daw ang laban natin kung wala isa man sa atin ang magpapakita ng interes na ibenta ang parte natin. Makakaasa ho ba kami?" tanong ni Mang Gaspar sa lahat na sinagot naman ng nagkakaisang ingay ng lahat. Nasisiyahang sinulyapan ng matandang lalaki si Charles, na bahagya namang tumango sa kanya.

****

Ngunit apat na araw pagkatapos na pagpupulong na iyon, nagising na lamang ang mga mamayan sa sa ingay na tila galing sa mga naglalakihang sasakyan. Halos lahat ay nagulat ng dalawang malalaking buldozer, pison at halos aabot sa singkwenta katao ang handa na silang sapilitang paalisin sa lugar na iyon.

"Hindi nyo kami mapipilit kahit pa takutin nyo kami. Legal ang pananatili namin dito." tigas na pahayag ni Mang Gaspar sa sheriff at maging sa abogado na ayon dito ay ipinadala ni Harland Forto.

"Tanda, wala nang bisa ang mga dokumento na hawak nyo. Naglabas na nang court order para paalisin kayo dito." aroganteng sigaw ng abogado. Ngumisi pa ito na tila nakakaloko. "Kaya kung ako sa inyo, magbalot na kayo. Dahil sa ayaw at gusto nyo, you have to leave this place." sinenyasan nito ang mga kalalakihan na gumalaw. Agad naman sumunod ang mga ito na tila mga robot. Pero bago pa nakalapit ang isa sa pinakamalaki sa mga lalaki ay isang malakas na suntok na galing kay Charles ang nagpahinto dito. Sukat sa ginawa ng binata ay tila tumapang ang iba pang mga mamayan. Isa-isa silang dumampot ng kahoy, pala o kahit ano na pwedeng ipanglaban sa mga taong kasama ng sheriff at abogado.

"Nasaan ang court order? Ipakita mo sa amin!" tanong ni Charles na unti-unti na lumapit sa abogado. Mababanaag naman sa mukha ng huli ang takot, lalo't nakikita niya sa mata ng lalaki ang galit.

"B-baket? M-marunong ka bang magbasa?" patuyang tanong ng abogado na pilit na pinatitigas ang kanyang boses upang hindi mahalata ang takot na nararamdaman.

Charles smirk. "Subukan natin! Amin na yung court order. Bilis!" utos niya dito. Nakita niyang nanginginig ang mga kamay nito na parang may hinahanap sa bag na hawak nito. Pagkaraan ng ilang sandali ay inilabas nito sa bag ang isang folder at inabot sa binata. Binuksan ni Charles ang folder at binasa. Hindi niya tuloy napansin ang pagsenyas ng abogado sa tao na nasa loob ng isa sa mga bulldozer. Bago pa napigilan ng malaking sasakyan ay nahagip na nang nguso nito ang arko na nasa harapan ng kanilang lugar, dahilan upang masira at umuga ang pinaka-pundasyon nito. Wala pa sana itong tumigil kung hindi mabilis na sinuggaban ni Charles ang abogao. Kinuha niya ang isang pala at inamba sa ulo ng lalaki.

"Patigilin mo mga tauhan mo, Attorney! Alam nating illegal itong ginagawa nyo. Peke 'tong court order na 'to! Anong akala nyo sa amin dito? Mga walang utak! Patigilin nyo yang mga kundi kakalat utak mo dito." pagbabanta ng binata sa abogado.

"Hinto nyo yan!! Atras kayo, kundi papatayin ako nito." mabilis naman na utos nito sa mga tauhan. From the look of this guy's face, sigurado siya na gagawin talaga nito ang sinasabi. At higit sa lahat, totoo ang sinasabi nito na peke ang hawak nilang court order.

Ang bulldozer naman ay agad umatras, maging ang mga pison. Ang mga kalalakihan naman na kasama nila ay agad din na tumalima. Doon pa lang binitiwan ni Charles ang abogado.

"Makakarating 'to kay Harland! Ang lalakas ng loob nyong kalabanin ang mga Forto ha!" kunwa ay matapang na pagbabanta nito sa lahat kahit pa kita naman ang panginginig nito.

"Iparating mo hindi kami natatakot. Lumaban kayo ng patas." mariing sagot ni Charles. Ang abogado ng mga Forto ay mabilis ng pumasok sa sasakyan nito ng makita na papalapit na naman ang lalaki sa kanya at iba pang mamayan.

Palakpakan ang lahat ng isa-isang nag-alisan ang mga tauhan ng Forto. Ang iba pa nga ay nagyakapan. Si Mang Gaspar naman ay tinapik-tapik ang balikat ni Charles.

"Eeeeeeeeeeeeeeee! Si Harry, si Harry... Diyos ko poooo! Tulonngggg.." sigaw ng matandang babae na siyang may-ari ng sari-sari store sa kanilang pamayanan. Sukat sa narinig ay mabilis pa sa kidlat na natakbo ni Charles ang kinaroroonan ng mga ito.

Isang batang lalaki ang nakahandusay sa lupa. The little boy is in pain, hawak nito ang kanang hita. Mabilis na inangat ni Charles ang nakadagan sa bata. Isa yon sa parte ng kanilang arko. Nang tuluyang maalis na binata ang nakadagan sa bata, doon pa lang nila nakita ang isang matulis na bakal na nakatusok sa hita nito. Binuhat ni Charles ang batang lalaki na ngayon ay nawalan na nang malay.

"Tulungan nyo kami!! Si Harry. Dalhin natin siya sa ospital." natatarantang sigaw ni Charles







Pretend Wife II: Somewhere In My Past (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon