X

4.5K 118 85
                                    

"Mga kababaryo, makinig muna kayo! Sana'y lawakan nyo ang pag-iisip nyo. Di ba't ang gusto natin ay maayos ang lahat sa tahimik na pamamaraan? Kaya sana hinihingi ko ang kooperasyon nyo." nagkaingay muli ang mga tao. Ang ilan ay tinapunan ng pang-uuyam na tingin si Harland na kalmado lang na nakaupo sa isang tabi.

"P-pero paano natin pagkakatiwalaan ang salita niyan? Binigay na niya sa atin ang mga lupain, biglang gusto nilang bawiin. Nitong kelan lang nalagay pa sa alanganin ang buhay ni Harry dahil sa mga tauhan na kasama ng abogado niyan." galit na tanong ng isa sa mga magsasaka na sinegundahan pa ng nakakarami.

Harland can't believe what he is hearing. Tama talaga siguro ang kanyang Auntie Lorie, pag masyado mong binigyan ng karapatan ang mga mahihirap na ito, time will come lalabanan ka din nila. Tatayo sana siya upang magsalita ngunit narinig niyang muli si Mang Gaspar.

"Kung hindi nyo siya kayang pagkatiwalaan -- ako, mga kababaryo, pagkatiwalaan nyo ang pagkakakilala ko kay Sir Harland. Alam naman natin ang k-kanyang pinagdaanan. W-wala siyang natatandaan sa napagkasunduan natin, maging sa kanyang nakaraan. Hindi ko man kilala ang Harland na nasa harap natin ngayon, nanalig ako na nakakalimot man ang isip -- pero hindi kung ano ang nasa puso. Alam kong hindi nawala yung Harland na kilala natin noon. Nariyan pa rin siya! Kaya kung may pag-aalinlangan kayo, sana'y pagkatiwalaan nyo ang salita kong 'to!" isang mahabang katahimikan ang naging tugon ng mga tao sa pahayag ni Mang Gaspar.

Si Harland naman ay nakaramdam ng pagkailang sa kanyang kinauupuan. Oo nga't sanay siya na laging pinupuri, pero ang mga sinabi ng matanda -- naramdaman niya ang sinseridad sa bawat salita nito. Pero baket hindi niya makita ang Harland na nilarawan nito? Why the Harland that he sees in front of the mirror everyday for the last 6 years ay ang Harland na ginagalang, kinatatakutan, pinangingilagan ng marami? Deep in his heart, nararamdaman niya ang kagustuhan na makilala ang Harland na nakilala ni Mang Gaspar.

****
"Sige, I'll give you a call! Basta i-ready mo na yung nga documents na papapirmahan ni Attorney sa mga tao dito. Ok! Bye!" nahahapong inilapag ni Harland ang cellphone. Wala siyang plano na ibigay sa mga tao dito ang lupa. He's planning to convince them na ipagbili na lang muli sa kanila ang bawat shares ng mga ito. That way, hindi na kailangan magkagulo katulad ng nangyari noong nakaraan. Sa perang ibabayad niya, maaring makapagsimula muli ang mga ito sa ibang lugar. He thinks it's only a fair compromise!

"Pssssttt!!"

Harland almost jumped. Ang buong akala niya ay nag-iisa lamang siya sa silid na iyon sa bahay ni Mang Gaspar na pansamantala niyang tinutuluyan. Kanina kasi ay nagpaalam ang matanda na aayusin daw ang hinandang salu-salo para sa kanya. Sinabi na niya dito na hindi na kailangan ang ano pa mang salu-salo, but he insisted. Ganon daw kasi ang tradisyon sa kanilang baryo kapag may mga bisita. He had no choice but to just let them prepare that get together. Nang masigurado na niyang mag-isa na lamang siya ay doon niya tinawagan ang sekretarya. Kaya naman ganun na lang ang gulat niya ng mapagtantong may iba pa palang tao bukod sa kanya sa bahay na iyon.

"Psssttt! Nandito ako o!" nakahinga ng maluwag ang lalaki ng ang batang si Harry ang kanyang nakita. It could be worst kung mas nakakatanda dito ang nakarinig sa usapan nila ng kanyang sekretarya.

"Hi! Baket ka nandito?" he forced a smile. 

"Pinuntahan lang kita! Pero wag mong sabihin kay Czarina ha! Sabi niya kasi sa akin wag daw akong lalapit sa'yo." paliwanag ng bata sa kanya na tila isang matanda. Hindi tuloy naiwasan ni Harland na mapangiti. 

"Ganon ba? Eh bat nagpunta ka pa din dito. Baka magalit sa'yo ang Mama mo." 

"Haay, wag mo na lang pansinin si Czarina. Iki-kiss ko lang yun, di na siya magagalit sa akin." 

Pretend Wife II: Somewhere In My Past (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon