VII

1.6K 63 4
                                    

Nagising si Czarina sa malakas na pagtawa ng kanyang anak mula sa sala. She checked the time, alas-otso pa lang ng umaga.

"Ang aga yata ni Charles ngayon?" Bulong niya sa isip. She quickly put her hair on a messy ponytail. Di na din siya nag-abalang maghilamos o magmugmog muna. Sanay na naman siya kay Charles, at ganun din ito sa kanya.

Nang muli niyang marinig ang pagtawa ng anak ay di na niya napigilan ang mapangiti. May ilang araw na din ng makalabas sila sa ospital. Mabuti nga't kahit papaano ay nakakalakad-lakad na din si Harry. Nakahinga na din siya ng maluwag na sinabi ng doktor na ligtas na ito totally sa peligro.

"Aba! Ang saya nyo yata ha! Baket di nyo man lang ako hinintay na..." she freezes ng mapagsino ang kasama ng anak. Ang kanina ay siglang nararamdaman ay napalitan ng halo-halong pakiramdam. Bakit hindi? Ang lalaking kasama ng kanyang anak ay walang iba kundi si Harland Forto. Nakakandong si Harry sa kandungan ng huli, habang hawak ng bata ang isang robot.

"Hi! I hope you don't mind kung pumasok na ako kasi --"

"Harry, halika dito!! Bilis!!" agad niyang hila sa anak ng makabawi buhat sa pagkakabigla. Kung may isa siyang kayang pangalanan sa mga sari't-saring emosyon na kanyang nararamdaman, yun ay takot! Pero di ba dapat inasahan na niya ito? That's how Harland Forto moves. Feels like a calm before the storm!

"Mommy, tingnan o! Bigay sa akin ng mama na yan!" parang balewala lang naman kay Harry ang kanyang reaksiyon. The kid is obviously fascinated sa lalaking nasa harap niya. Pinakita pa nga ng bata sa kanya ang bigay nitong laruan.

"Ibalik mo yan! Ano ang Dela Cruz rule number 2?"

Maang na nagpalipat-lipat naman ng tingin si Harland sa mag-ina. She obviously didn't appreciate his presence there. Ang bata naman ay nakita niya na tila naiiyak habang tinititigan ang hawak na robot na ibinigay niya kanina.

Few days after niya mahatid sa airport ang fiancee, inayos niya ang ibang importanteng trabaho sa opisina, bago niya napagpasiyahan na bumiyahe sa Batangas. Ang pagkakaalam ng kanyang Auntie Lorie ay bibiyahe siya sa America for a series of business meeting. Sinabi niya na kulang-kulang 4 weeks siyang mawawala. Kinailangan niyang magsinungaling sa tiyahin, dahil alam niya na hindi ito papayag sa balak gawin, bukod sa ayaw din niya na mag-alala pa ito. Sa tingin ng binata ay sapat na panahon na iyon para malaman kung ano ang motibo ng babae. In 1 week time, lalabas na din ang resulta ng DNA test na pinagawa niya gamit ang sample ng dugo na nakuha nila sa ospital. Kapag nalaman niyang niloloko lamang siya ng babaeng ito, matitikman nito ang galit niya.

"Pero gusto ko talaga 'to..." ang tinig ng bata ang pumutol sa pag-iisip ni Harland. Muli niyang ibinaling ang tingin sa dalawa.

"Harry, wag matigas ang ulo mo!! Ano nga ang Dela Cruz rule number 2?"

"Don't talk to strangers! Wag tatangap ng bagay sa hindi mo kakilala. Wag sasama basta-basta bukod kila Mama Czarina, Taytay, at Lolo Gaspi." Pinagmasdan muli ng bata ang hawak na robot bago lumapit sa kanya. "Thank you po sa gift nyo! Pero di ko po pwedeng tanggapin yan kasi di ko po kayo kilala." 

Nangingiti naman na lumuhod si Harland sa harap ng bata. The boy is obviously smart! At kung totoo ang lukso ng dugo, pakiramdam ng binata ay nararamdaman niya yun. Kung tititigan mo ito, he is a spitting image of his mother. Magkamukhang-magkamukha ang dalawa. Pero ang mga mata ng bata, he thinks katulad ng sa kanya.

"Problema ba yun? Eh di magpapakilala ako sa'yo! I am Harland Forto! Ikaw anong name mo?" ginulo-gulo niya ang buhok ng bata na napansin niya ang biglang panlalaki ng mata.

"Harland din ang pangalan mo? Harland din ang pangalan ko! Pero Harry po ang tawag nila sa akin. Hmm, teka..." inilagay nito sa ibaba ng baba ang daliri na tila nag-iisip, pagkatapos ay hinarap ang ina. "Czarina, di ba sabi mo sa akin, Harland ang pangalan ng Daddy Alien ko? Siya ba ang Daddy Alien ko? Bumalik na ba siya dito sa planet natin?"

Kung sa nonormal na araw lang ay napagalitan na niya ang anak sa pagtawag nito sa pangalan niya. Ginagaya kasi nito si Charles -- ganito siya tawagin ng kaibigan pag papagalitan o sasawayin siya nito. Pero paano niyang magagawa yun kung pakiramdam niya ay nagririgodon ang kanyang puso, sikmura, atay at kung anu-ano pa sa sobrang kaba.

"H-hindi siya ang a-alien daddy mo! P-pumasok ka nga muna sa kwarto mo bilisan mo!!"

"Pero Czarina.."

"Wag mo akong ma-Czari Czarina diyan. Nanay mo ko! Limang taon ka pa lang matigas na ulo mo? Pasok!"

Kung hindi lamang nagulat si Harland sa nalaman na parehas sila ng pangalan nang bata ay baka natawa na siya sa usapan ng mag-ina at mas lalo sa reaksiyon ng mukha nang batang lalaki.

"H-harland din ang pangalan niya?" Daig pa ng tinuka ng ahas si Czarina sa tanong na iyon na narinig sa lalaki. Paano niya ngayon ipapaliwanag dito ang pagkakatulad ng pangalan ng mga ito? Bahala na! Sabi niya sa kanyang isip.

"E, e a-ano n-naman? P-pwede naman mangyari yun ha? S-saka b-baket ka ba n-nandito?" pilit niyang pinalakas ang loob kahit pa di niya alam kung paanong may lumabas na salita sa kanyang bibig. Deep insider her, nagpa-panic na siya! And damn! She hates that feeling. Dahil alam niya na nagpapanic siya hindi lang dahil sa nalaman ng lalaki ang pagkakatulad ng pangalan nito sa anak, kundi dahil na rin sa pagkakalapit niya muli kay Harland. At para pang nang-aasar na lalong naglakad papalapit ito sa kanya.

"Alam mo, you're not good on lying! You should try harder, Czarina." Harland smirk. He can sense the panic in her. Na parang hindi ito kumportable sa pagkakalapit nilang iyon, so he thought to come closer. He wanted to tease her, pero nang tuluyan siyang mapalapit sa babae, at matitigan ang mukha lalo ang mga mata nito -- si Harland naman ang nakaramdam ng di maipaliwanag na pakiramdam. He see some flashes, pero iba lang ngayon -- gising siya! Flashes from his past usually occurs when he is sleeping, pero baket ng mapalapit siya kay Czarina, the flashes became real time?

Napaupo ang binata hawak ng mariin ang kanyang ulo. Pain, unexplainable pain ang bigla niyang naramdaman!

"Hala! Hoy, anong nangyayari sa'yo? Ayus ka lang ba? H-harland..."

Muling natigilan ang lalaki ng marinig ang kanyang sariling pangalan from her own lips. Ngayon lang niya narinig na tinawag siya nito sa kanyang pangalan. Baket ganito ang kanyang nararamdaman? Baket ang may kung anong masarap na pakiramdam sa kanyang puso just by hearing her say his name?

"C-czarina..."

She then again freezes! Guni-guni lang ba niya, o talagang tinawag siya ni Harland sa pangalan niya just like before? Nakikilala na ba siya nito?

Pretend Wife II: Somewhere In My Past (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon