V

1.7K 57 3
                                    

"Blood transfusion was a success, pati na rin ang operation. All we have to do now is to wait for the patient to wake up." tinapik-tapik ng doktor ang balikat ni Charles bago magalang na nagpaalam.

Habang si Czarina naman ay tila nabunutan ng kung anong mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib. Nakaramdam siya ng pagkahilo kaya naman muntik pa siyang matumba, mabuti na lamang ay mabilis na nakatakbo si Charles sa kanyang tabi.

"Czari... Dapat siguro umuwi ka muna at magpahinga. Okay na naman daw si Harry eh, ako na magbabantay sa kanya. Tatawagan na lang kita pag nagising na siya." inalalayan siya ng lalaki upang makaupo sa mga hilera ng upuan na nasa labas ng emergency room na nagsisilbing hintayan para sa mga kamag-anak ng pasyente.

"N-no! Ayos lang ako. Gusto kong ako ang unang makita ni Harry pag gising niya."

"Ano bang ayos? Eh kahapon ka pa di kumakain ng maayod, ni hindi ka man lang umidlip. Kung di pa nga kita pinilit na ipagamot yang sugat mo sa noo, hahayaan mo lang yan eh! Czari... look at you? You look wasted and spent! Gusto mo bang yan ang makita ni Harry pag gising niya? He needs you to be strong for him! And besides, kailangan mo talagang magpalakas, hindi lang para sa anak mo kundi para na din s-sagutin ang magiging mga tanong ni H-harland.."

Natigilan si Czarina. Paanong nawala yun sa kanyang isip? Now that the secret that they've been keeping for almost 5 yrs. is now out in the open -- sigurado siya na lilikha din yun ng maraming katanungan, lalo mula kay Harland. And she knows that she'll be on the receiving end of his infamous temper.

Bigla ay ang pagkirot ng kanyang ulo. She grab her hair tightly as if it can help relieve the pain that she's feeling. Tama si Charles, hindi ngayon ang tamang panahon para maging mahina. Mas ngayon niya kailangan maging malakas, may palagay siya na dahil sa ginawa niya pagmamakaawa sa lalaki upang iligtas ang kanyang anak, their lives will change.

****
"Babe, how are you? You look pale! May nangyari ba sa Santillan?" puno ng pag-aalala na salubong sa kanya ni Shane na agad siyang niyakap. Tinanguan niya ang sekretarya na mabilis na nag-iwas ng tingin at nagmamadali na din nagpaalam. Kanina habang pabalik sila sa Maynila ay nasabihan na niya ito na wag sabihin kanino man ang mga nangyari sa ospital. Most especially not to his fiancee and his Auntie Lorie. Ayaw niyang madamay pa ang mga ito sa nalaman. He is intending to know the truth on his own. Sisiguraduhin niya na malalaman niya ang katotohanan. At kung malaman niya na pinaglaruan lang siya ng babaeng yun  na ina ng bata na sinasabi nitong anak niya -- pagbabayarin niya ito. He is Harland Forto! Oo nga't wala siyang halos matandaan sa buong buhay niya maliban sa nakalipas na anim na taon, pero isa ang sigurado niya -- his name should still give a scare even to the demon. Kaya di siya makapapayag na paglaruan ng babaeng yun.

"I'm okay! Medyo napagod lang ako sa biyahe." pahapo siyang naupo sa sofa. Kanina pa niya pilit inaalaa kung saan at paano sila nagkakilaa ng babaeng yun, pero other than some unclear pictures and shallow voices -- wala talaga siyang malinaw na makita na magsasabi na kilala niya ang babaeng nagpakilalang ina ng batang kanyang sinagip.

"Are you sure? You want me to spend the night here?" pilyang ngiti naman sa kanya ni Shane, at ubod pa ng lambing na pinulupot ang mga bisig sa kanyang leeg.

Kung sa ordinaryong araw lang, they would quickly ended up in bed. This is his way of "relief". Dahil na rin sa ginagawa at naibibigay sa kanya ng fiancee, hindi na niya masyadong pinipilit ang sarili na alalahanin ang mga nakaraan na dinadalaw siya gabi-gabi.

Pero not today. Something that also surprised him. How could his fiancee's sexy body don't impress him tonight? In fact, kung magiging totoo siya -- ang mukha ng babaeng nasa ospital ang nakapaskil sa kanyang utak. Her small, heart-shaped face. Those innocent eyes na kahit pa halata ang pagod at mahabang pag-iyak ay nakitaan pa din niya ng ibang ningning habang nakatingin sa kanya. Her eyes were full of pain, longing at kung hindi siya nagkakamali -- love! Pero para kanino? Para sa kanya?

"Babe? What's wrong with you? Salita ako ng salita dito pero di ka naman pala nakikinig." inis na tinig ni Shane ang nagpabalik sa diwa ng binata na abala sa pag-alala sa babae na nasa ospital kanina.

"S-sorry, Babe! P-pagod lang talaga ako! I think much better kung uuwi ka muna sa inyo. Kita na lang tayo tomorrow, ok?"

"What? Are you sure?" puno ng pagtatakaga na tanong ng dalaga.

"Y-yes! Gusto ko sanang magpahinga tonight! M-medyo ang sakit ng ulo ko eh."

"Oh okay! Sige, you should rest na lang nga talaga! But call me or text me if your headache still continues ha! Bye" ubod ng tamis na ngiti ng fiancee, at mabilis siyang hinalikan sa kanyang mga labi.

"B-bye!" nakaramdam tuloy ang binata ng di maipaliwanag na guilt. Pero guilt para saan? Para sa di niya pagsasabi dito ng totoong nanyari sa pagpunta niya sa Santillan. O, ang katotohanan na kanina pa ay ibang mukha ng babae ang gumugulo sa kanyang utak?

****
"Czari, buti't gising ka na! Ikaw nga kumausap sa Tiyuhin mo at kanina pa ayaw kumain. Basta parang may tinuturo lang na kung ano na hindi naman namin maintindihan. Eh wala naman dito si Charles, yung batang yun lang din ang kayang magpatahimik diyan sa tito mo, bukod sa'yo." bungad sa kanya ni Aling Milagring na siyang pinakiusapan niyang magbantay sa lalaki na nakaupo sa de gulong na silya.

"Ganon ho ba? Sige po't ako na ang bahala sa kanya! Pupuntahan ko na lang po kayo ulit sa bahay nyo pag babalik na ho ako sa ospital" mabilis na pinusod ng dalaga ang kanyang mahabang buhok. Kaagad na din naman nagpaalam ang matandang babae sa kanya dahil kailangan din daw nitong asikasuhin ang mga bulaklak na pananim.

Ngunit di pa man nasasarado ni Czarina ang pinto ay isang malakas na kalabog na agad ang kanyang narinig. Nagmamadali niyang tinakbo ang silid ng lalaki. Naabutan niyang nakadapa ito sa lapag, at pilit na bumabangon kahit pa putol ang kaliwang binti.

"Uhhhhhhhh uhhhhhhh" daing ng lalaki na hindi rin nakakapagsalita. Basta nakatulala lang ito, at paminsan-minsan ay bigla na lang gagawa ng ingay na tila may kinatatakutan o may nais ituro sa kanila. Marami nga ang medyo natatakot sa inaasal nito, pero hindi si Czarina. The guy, during his strong years, has always been kind to her. Mabilis niyang dinaluhan ang lalaki. She can feel his body shaking na talagang tila takot na takot. But when she gave him a hug, parang unti-unti naman itong kumalma.

"Sshhh! Tama na! Wag kang matakot. Nandito lang kami ni Charles at lahat ng mga kababaryo natin para sa'yo. Wag kang mag-alala, Luigi!"

Pretend Wife II: Somewhere In My Past (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon