All i ever wanted was to reach out
And touch another human being
Not just with my hands,
but with my heart...
Gising ako.. Nakahiga ako sa malaki at napakalambot na kama... Kanina pa ko nakahilata at nakikipagtitigan sa kisame.... Wala man lang butiki sa bahay nato? Wala ring sapot at agiw.? Tsk Tsk Tsk.. Kawawang bahay... Abnormal kasi yung may ari eh..tsk...
[ TOK! TOK! TOK! ] ....>>>>> katok po yan sa pinto...ahihihi
May pumasok na maid at sinabihan ako na nakahanda na ang agahan...Yun lang at aalis na sana yung maid pero pinigilan ko... " Sandali, " yan ang sinabi ko... Gusto ko sanang tanungin si Chase pero nagdadalawang isip ako... Ilang araw ko na syang hindi nakikita... Well, there are times na nagkakasalubong kami sa hallway lalo na sa umaga..dahil nga ilang pinto lang ang layo ng kwarto namin.. Pero, ni lingunin ako, hindi niya ginagawa..
Ano ba ang ginawa kong mali? Ako nga tong dapat na nagda-drama diba? Kasi sa lahat ng mga nangyare at sa sitwasyong to, nasa'kin na ang lahat para maging emo...
"Ano po yun ma'am? " tanong nung maid sakin....
" Aahh, eh wala... Sige susunod nako...." Umalis na yung maid at ako naman , bumangon na mula sa napakalaking kama at dumiretso na sa napakalaking banyo... Ilang minutes lang ay tapos nakong maligo sa napakalaking banyo at tumuloy naman ako sa napakalaking walk in closet...
SA DINING AREA
Pagdating ko sa dining area, nandun na si Tom at nakatayo na sa gilid ng mesa... Tatlong araw na ako dito at kahit minsan hindi ko nakasabay si Chase na kumain... Huh?? Pero bakit ngayong umaga bat may nakahain ding pagkain sa kabilang dulo ng mahabang dining table? At bakit ganito na naman ang agahan ko???! Ngumiwi ako.. Omelet, Bacon strips, orange juice at tinapay! Mabubusog ba ko dito? :(( Anak ng! ...tss! Nagtitipid ba kayooooo???!!!!!
" Ma'am." magalang na tawag ni Tom sakin at ipinaghila ako ng upuan... Gutom narin naman na ko kaya pagtyatyagaan ko nato.. Enweyss, bawal iignore ang grasya baka lumipad.. Lalo na at obvious na may makakasabay pakong kumain. Kelangan ko nang simulang lumamon dahil mamaya baka mahirapan nakong lununin ang nginunguya ko..... Sino kaya? Well???? Hindi lang naman kasi si Chase ang pagala-gala sa bahay nato... Kahapon lang, bigla nalang lumitaw ang isang maliit na babae at sinabing two weeks na syang tumitira dito....Kung sino siya? Aba. Ano'ng alam ko?? Tanungin niyo si Chase! Wag ako....
Tumingin ako sa kabilang dulo ng mesa na nasa harapan ko... Tss! Mukhang makakasabay ko yata yung dwendeng yon... Minamalas ka nga naman... (-_-)) Asan na nga ako?.. Ahhh, oo sa paglamon... Sinimulan ko na nga ang paglafang... At, masarap naman ang food... Yun nga lang hindi talaga ako sanay sa mga pagkaing pangmayaman... Nasanay ako sa kanin at ulam.. At ayoko na ngang isipin eh.. Pero namimiss ko nang kumain ng sinangag at tinapa at pulang itlog na may kamatis..!
Serah! Tumigil ka na! Huwag mo nang iispin ulit kung gano kasarap at kabango ang sinangag lalo na kapag ginisa sa maraming bawang, at kung gano kasarap isawsaw sa bagoong na may kalamansi ang tinapa..at kung gano kasarap uminom ng mainit at mabangong 3 in 1 na kape pagkatapos kumain..!!!! ..WAG!
I stared at my plate.... Malungkot akong bumuntong hininga saka tumusok ng isang bacon strip at sinubo yon... Atleast may tinapay...Kulang nalang kape...Para sawsawan...I sighed unhappily again... Kahit 3 in 1 coffee, wala sila.... ( T.T)~~~~~
" Good morning sir..." sabay sabay na bati ng tatlong maid na nakatayo sa gilid....Biglang tinambol na parang drum ang dibdib ko..." Good morning young master.." si Tom...Nanatili lang akong nakayuko...Narinig ko ang paghila ng upuan..Tapos ang tunog naman ng baso na ipinatong sa mesa....
BINABASA MO ANG
100 Days With Her [ SLOW UPDATE ]
RomanceHI.. I'm Chase Blackwell..mayaman ako. I'm a soon-to-be heir of an empire.. I have cars...the perks of a rich kid..i have girls always roaming around me..my buddies..my Mom..and my trust-fund baby!!!. In short, I have a --- like my dad calls it...