Weekends

6 0 0
                                    

Normally masaya si Krisha kapag weekends pero ito ang kakaiba sa lahat ng weekend niya dahil kailangan niyang magpunta sa bahay ng hambog niyang kaaway upang gumawa ng report. Sila ang naging magpartner sa gagawin nilang reporting.
Bagot na bagot si Krisha habang naghahanda sa pagpunta sa bahay ni Luke.
Nakamaong shorts, Plain sando with blazer at doll shoes lang ang pormahan niya. Simple lang pero madadala ka pa rin sa karisma niya.
Pagkarating niya sa bahay ni Luke bumungad naman sa kanya ang kagigising lang na hambog agad naman nitong inayos ang sarili niya na nakawhite tshirt lang at maong pants. Makalipas ang ilang minuto nagpaalam muna ito upang maghanda ng makakain para may makain sila habang ginagawa ang report nila.
Nagmasid si Krisha sa palagid simple lang pero madetalye ang desenyo sa bahay ni Luke. Nasa trabaho pareho ang magulang nito at namili naman ng mga kailangan sa bahay ang maid nito kaya si Luke lang ang nadatnan niya.
"Okay na yung pagkain siguro naman hindi ka magreklamo na ginugutom kita dito sa sarili kong teritoryo"- Luke.
"Dapat lang, tara na para matapos na natin ito bawal ako gabihin." - Krisha.
Sinimulan na nila ang paggawa ng drafts ng report. Sa mga sandaling iyon nagkaroon sila ng small talk ng hindi nag aaway at peaceful na conversation regarding sa mga buhay buhay nila. Dumating na rin ang maid nila Luke at naghanda ulit ito para kay Krisha. Inakala pa nito na girlfriend siya ni Luke na agad namang tinaggi ng dalawa at bumalik ang LQ mode sa kanilang dalawa. Habang abala si Krisha sa pagtapos ng final drafts lumapit sa kanya si Luke ng pagapang ang ginawa naman ni krisha ay tinaas niya ang dalawang paa at nakakaapak ito sa mukha ni Luke para hindi makalapit pa. Tatanggalin lang naman ni Luke ang dumi sa mukha nito pero dahil sa conscious si Krisha nagawa niya yung ganung bagay.
Natapos nila ang kalahati ng final draft at nagdecide na umuwi na si Krisha. Tinanggihan niya ang offer ni Luke na ihatid siya. Dahil madaling kausap si Luke hindi niya na ito pinilit pa.

Love at first fight (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon