Mula sa examination board result dali dali akong nagpunta sa gym para maghilamos nang mahimasmasan naman ang pagkadismaya ko sa naging performance ko. Kailangang hindi mawala ang pagkaproud sa akin ng parents ko. Pagbubutihan ko pa sa lahat ng bagay. Habang naghihilamos at nag iisip ako may bigla na lang nagsalita.
"Ms rank 2!" Nagpantig ang tainga ko at hinarap ang taong nagsambit ng mga salitang yun.
"Hoy! Wag mo kong tatawagin na ms rank 2 dahil may pangalan ako!" -krisha
Itinaas niya ang kamay niya na parang sumusuko at kita sa expression niya ang mukhang hindi niya inaasahan ang mga sinabi ko.
"Masyado namang mainit ang ulo mo ganyan ka ba talaga kapag nagugulat?" - Luke.
"Hindi ako ganto kapag nagugulat hindi ko lang gusto ang ginawa mong approach"- Krisha.
Inirapan ko siya at tumalikod at tinapos ang ginagawa ko. Akala ko ba tahimik at walang pakialam sa paligid itong si Luke pero kung mang asar two words lang tagos agad. Oh Lord!
"So, ako nga pala si Luke Valdez, Ms Krisha Sanchez." - Luke.
Itinaas niya ang kamay niya para makipagshake hands pero naghalukipkip lang ako at sinabing
"Alam mo naman pala pangalan ko kung ano pa ang sinabi mo" -krisha.
"Big deal ? - luke.
At ngumiti siya na nakakaasar.
"Rank 1 ka ngayon pero magsaya ka na matatalo din kita Luke Valdez. Isa kang tinik sa lalamunan ko"-krisha.
Pagtapos kong sambitin yun umalis na ako at hindi na hinintay pa ang sasabihin nung mokong na yun..
BINABASA MO ANG
Love at first fight (Ongoing)
RomanceSi Krisha kilalang campus girl at top student ng St Therese Academy. Hanggang sa makilala niya si Luke ang transferee na naging kaaway niya .Magclick pa rin kaya ang dalawa o mas lalong tumindi ang kompetisyon sa pagitan nila ?