"Hindi gentleman, hindi man lang ako pinilit na ihatid. Ano pa nga ba aasahan ko sa Luke na yun. Puro hangin kasi. Hay nako."
Habang palakad papuntang train terminal si Krisha napansin niya ng may sumusunod sa kanya. Agad naman siyang kinabahan kaya naglihis lihis siya ng daan at mas hinabol siya ng mga sumusunod sa kanya. Iniisip niya na kasalanan ito ni Luke dahil hindi siya hinatid alam naman nitong bago lang siya sa lugar ng may biglang humatak sa kanya kung saan at tinakpan ang bibig niya.
"Shhhss, Si Luke ito. Wag kang maingay baka marinig ka nila."
Nangiyak na lang si Krisha at yumakap kay Luke.
Nagulat naman ang binata at napagtanto na takot na takot siguro ang dalaga. Nakita niya na may side pala si Krisha na ganito. Akala niya unbreakable wall ito. Sa puntong iyon naisip ni Luke na gusto niya ,gusto niyang protektahan ito.
Agad namang natapos ang pagdedaydream ni Luke ng batukan siya ni Krisha.
"Dapat kanina mo pa ko sinamahan alam mo namang hindi ako pamilyar sa lugar na to." - Krisha.
"Kaya nga sumunod pa rin ako kahit ayaw mo."-Luke
"Salamat." - Krisha
Agad naman itong tumalikod kay Luke at nangiti na lang si Luke. Hinatid niya ito hanggang sa sakayan.
BINABASA MO ANG
Love at first fight (Ongoing)
RomanceSi Krisha kilalang campus girl at top student ng St Therese Academy. Hanggang sa makilala niya si Luke ang transferee na naging kaaway niya .Magclick pa rin kaya ang dalawa o mas lalong tumindi ang kompetisyon sa pagitan nila ?