Assessment day ngayon dito nakasalalay yung possible na fit namin na course pag pasok ng college. Pinaghandaan ko ang araw na ito upang maging maganda ang maging resulta kahit medyo hindi ko pa alam ano ba talaga ang gusto ko na kurso. Makakatulong sakin itong examination para magkaroon ako ng idea para sa future ko.
Masaya akong nagpunta kay Purple at Hanna para ibalita ang naging resulta ng Assessment. Alam ko namang nasa canteen na naman ang dalawa na yun at kumakain. Si Purple at Hanna ay pareho kong kaibigan simula middle school. Nagdecide kami na pareho na papasukan ng high school at luckily parepareho kaming nasa St Therese Academy hanggang ngayon. Si Purple ay Top 3 at Top 4 naman si Hanna sa school. Katulad ko gusto nilang mapanatili ang magandang marka para sa parents nila. Gusto nilang patunayan na kahit mayaman sila at hindi na kailangan magtrabaho, kailangan pa rin nilang pagbutihan ang pag aaral nila para sa parents nila.
"Purple! Hanna! " Sa wakas nakita ko din sila at kinawayan.
"Krisha, mukhang ngiting tagumpay ka ha." - Purple
"Naku! mga girl. Tagumpay talaga. Dahil less than 30 minutes ko lang nasagutan ang assessment exam binigyan ako ng additional 5 points sa score ni Sir." - Krisha
"Wow so mas mataas ka na kay Luke niyan. We're proud of you." - Hanna
Sabay sabay kaming nagtawanan at nagcelebrate ng inaakala kong tagumpay. Nang biglang sumulpot sa gilid namin si Luke at Christian.
" Ms rank 2. Masyado kang masaya ipapaalam ko lang sayo na less than 20 minutes kong nasagutan ang assessment exam kaya binigyan ako ng additional 10 points ni Sir." - Luke
Sabay abot ni Luke ng resulta ng exam kay Krisha.
"Tinik ka talaga tinik! Matatalo din kita! bleh! - krisha. Sabay alis ng dalaga ng hindi na naman hinihintay ang isasagot nito.
Sa pagkakataong ito sumunod si Luke kay Krisha na patungong library. Naiwan sina Christian ,Purple at Hanna sa canteen. Dahil sa magkakakilala naman sila sabay sabay na silang kumain at hinayaan yung dalawa.
BINABASA MO ANG
Love at first fight (Ongoing)
RomanceSi Krisha kilalang campus girl at top student ng St Therese Academy. Hanggang sa makilala niya si Luke ang transferee na naging kaaway niya .Magclick pa rin kaya ang dalawa o mas lalong tumindi ang kompetisyon sa pagitan nila ?