Hanggang sa library si mokong pa rin ang nakikita ko. Naunahan pa ko sa paborito kong lugar. Habang abala ako sa pamimili ng libro na gusto kong basahin para sa gagawin naming bookreport. Nakaupo lang si Luke na mukhang nagpaproblem solving na naman. Dala niya ang laptop niya at mukhang abala siya. Mukhang tao naman pala siya. Actually medyo close na kami ako lang talaga ang nagpupush away mokong nga kasi siya. Tatabi na lang ako sa kanya after ko kunin yung libro kaso nasa mataas na bahagi ito kaya kinailangan ko pang tumingkayad para makuha ito Kaso hindi ko pa rin makuha. Tinalon talon ko na hanggang sa abutin ito ni Luke. Ang tangkad niya katamtaman ang pangagatawan at ang bango pa. Agad naman niya itong inabot sakin at sinabing
"Ms rank two."
Imbis magpasalamat hinampas ko siya at pinaalalang may pangalan ako tumawa lang ito sa harapan ko. Tuwang tuwa siya kapag mainit ang dugo ko sa kanya.
Nang matapos na namin ang aming ginagawa ay sabay na kaming lumabas ni Luke para umuwi. Nadaanan naman namin ang nagkakabiruang sina Purple, Hanna at Christian.
"Pre, sama kayo samin mag Quantum tayo." - Christian
"Girl, tara maaga pa naman para gumanda naman ang araw mo". - Hanna.
Umokay lang kami ni Luke para makapag enjoy matapos ang lahat ng gawaing pang eskwela.
Nakarating na kami sa lugar kung saan kami mag eenjoy. Nagkwentuhan, nagtawanan at nagkakaasaran. Mas lalong naming nakilala ang isa't isa lalo na si Luke. Tahimik lang talaga siya pero ngisi naman sila ng ngisi ni Christian. Birds with the same feather flies together. Napansin ko din ang madalas niyang pagtingin sakin, nakakailang kaya. Biniro ko na lang siya na buti hindi nakakatunaw ang tingin niya halatang nahiya ito at kumain na lang.
BINABASA MO ANG
Love at first fight (Ongoing)
RomanceSi Krisha kilalang campus girl at top student ng St Therese Academy. Hanggang sa makilala niya si Luke ang transferee na naging kaaway niya .Magclick pa rin kaya ang dalawa o mas lalong tumindi ang kompetisyon sa pagitan nila ?