Win or Lose

8 0 0
                                    

Kinaumagahan, nagpalitan kami ng salitang Good Morning. Mukhang okay naman siya kaya magiging mabuti pa rin naman trato ko sa kanya huwag niya lang talaga uumpisahan ang apoy at pauulanan ko din siya ng apoy.
"Physical education tayo ngayong umaga hindi ba? " tanong sakin ni Luke.
"Oo at bakit?"-Krisha
"May naiisip lang ako na magandang paraan."-Luke
"Ano naman yun?.-krisha
"Kapag ako ang nanguna sa swimming class natin idedate mo ko bukas."-Luke
Nagulat ako sa sinabi niya at dahil nakarinig ako ng kompetisyon syempre hindi ko siya aatrasan.
" Date ? Deal. Pero kapag ako ang nanalo magcocommunity service ka." - Krisha
"Iyon lang ba ? Tignan na lang natin Ms rank 2." Tumakbo na ito palayo sakin at disidido na magwarm up. Samantalang ako atat na atat ng matalo ang matindi kong karibal. Dahil kaming dalawa ang representative ng boys at girls na maglalaban sa final round sa swimming class kanya kanyang cheer naman ang magkabilang panig.
Nag umpisa na ang pinakahihintay naming dalawa.Nauna akong tumalon kay Luke kaya naman naunahan ko siya. Hanggang sa magkapantay na kami. Malapit na kami sa finish line ng magkapantay pa rin. Tinodo ko na ang lakas ko ngunit sa huling sandali si Luke pa rin ang nanguna at pangalawa pa rin ako.




Love at first fight (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon