My Girlfriend

9 1 0
                                    

Nauna akong dumating kay Krisha sa tagpuan ilang minuto naman ay siya naman ang dumating nakadress ito na carnation pink at may clip na rose pink sa buhok. Simple pero ang elegante niyang tignan. Maniniwalang girlfriend ko nga ang ipapakilala ko. No choice naman ako marami pa akong gustong gawin kaya ito lang ang naisip ko na paraan buti na lang at naintindihan naman ni Krisha ang side ko at pumayag. Kapag siya ang may kailangan ng tulong gagawin ko ang lahat.
"Hi, Krisha ang ganda mo. Mukhang mapapaniwala natin niyan si Mom."-Christian.
"Ayos ba ? Sana pasado sa taste ng mom mo. Nagpatulong lang ako kay mommy na hanapan ako ng damit para sa araw na to."
Nag apir na lang kaming dalawa at nagtawanan.
"Pero hindi muna tayo pupunta agad kay mommy, need natin magdate bago pumunta sa kanya para makita niya na happy and true couple tayo, Mahirap na mamaya pinasundan ako nun, mabisto agad tayo." - Christian.
" Fight! Go. Ikaw na bahala para sa ikakasuccess ng mission na to."- Krisha.
"Salamat ha, may mga plano na akong ginawa, magpicture din tayo bilang katibayan at ipakita natin sa kanya pagdating natin mamaya sa office niya." - Christian.
Nagsimula na ang fake dating namin ni Krisha k7ng titignan mo hindi talaga kami couple yung trato namin sa isa't isa. Para kaming magbarkada kaya kapag nagpicture taking lang kami mukhang sweet pero behind the scene hindi kami sweet. Ang hirap talaga magpanggap. Naglaro kami ng basketball at natalo niya ako. Nag ice cream at may selfie kami na parang nagloloveshot. Nagrent din kami ng bike at nagpapicture habang nakaangkas sakin si Krisha. Naglaro din kami ng dart kung saan nanalo siya ng mga prizes na chocolates na kinain naman naming dalawa. Nagtatawanan na lang kami dahil sa mga ginagawa naming pang abnormal couple.
"Bakit hindi si Purple ang inalok mo na magpanggap, malay mo mas may progress kayo at mas hindi kayo mabisto."-Krisha
"Baka iflying kick lang ako ng friend mo at mukhang hindi makikisakay sakin yun." - Christian "Oo nga para kasi kayong mga aso't pusa".- Krisha

Sa mga oras na iyon nagdecide na kami ni Krisha na pumunta sa office ng mom ko para maipakilala ko na siya at matapos na ito. Sinabihan rin ako ni Krisha na tingin naman niya kung magiging honest ako sa nararamdaman ko at ipaalam sa mom ko tingin naman daw niya ay maiintindihan ako nito. Sa pagpunta namin ng office naghihintay na nga siya.

"Mom, pasensiya ka na hinapon na kami may date din kasi kami ngayong araw, ito ang mga selfie namin." - Christian Inilahad ko sa desk niya ang mga picture na kinuha namin ni Krisha kanina. "Mom, siya nga po pala si Krisha, girlfriend ko at isa sa mga top student sa academy na pareho naming pinapasukan." - Christian. Inakbayan at nagyakap kami para maconvince namin ni mom na couple kami.

"Hello po madam, Magandang hapon po, Ako nga po pala si Krisha Sanchez," Halatang kabado siya sa pagpapakilalang ginawa niya..

"Maganda siya at matalino, swerte ka anak." Ngumiti ito na parang may nais pang ipunto sa susunod nitong sasabihin.

"Gusto ko mag kiss kayo sa harapan ko ipakita niyo sakin ang sweetness niyo. Gusto kong Makita if nag grown up ka na Christian."

"K I S S !!! " sabay naming sabi ni Krisha. Halatang duda pa si mom. Binulungan ako ni Krisha na okay lang daw. Nung maglalapat na ang aming mga labi iniiwas ko na ang ulo ko palayo kay Krisha. Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko at mainvolve si Krisha sa gulo ko. Hinawakan niya ako at tinitigan na parang sinasabi niya na anong problema ko at okay lang sa kanya. Konting katahimikan ang nangyari at nagsalita na ako.

"Mom sorry! Hindi po talaga kami real life couple ni Krisha. Wala rin po siyang kasalanan dahil pinilit ko lang po siya na gawin ang pabor na ito para sa akin.Ayoko po talagang matali muna. Gusto ko po na enjoyin at alamin yung mga bagay bagay para makatulong sa sarili kong pag unlad. Kaya mom sorry po." Christian.

Nakikinig lang si mom sa paliwanag ko at si Krisha naman ay hindi inaasahan ang pag amin ko sa totoong status naming dalawa. Bigla na lang tumawa ng malakas si mom.

"Alam ko Christian, anak kita kaya alam ko kung gumagawa ka lang ng show o hindi. Buti naman at naging honest ka sa sarili mo at nasabi mo sakin ang gusto mo talagang mangyari. O siya sige umuwi na kayo hindi ko na itutuloy ang plano ko para sayo. Sa ngayon mag-aral ka ng mabuti at pangalagaan ang mga nasa paligid mo."

Nagpasalamat kaming pareho ni Krisha at humingi ng tawad ulit kay mom. Tama nga si Krisha maging honest lang ako sa sarili ko at may mga bagay na posibleng mangyari. Nagpasalamat ako kay Krisha sa tulong niya sa akin. Napakabuti niyang kaibigan. Ihahatid ko na sana siya ng may huminto na pulang kotse sa harapan naming dalawa at lumabas si Luke na may kakaibang tingin.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at first fight (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon