Chapter Two: Pizza

20.3K 442 5
                                    

"Ano na naman bang nakain mo at tulala 'tong si Serenity?" Tanong ni Adam habang kumakain silang magkakaibigan. "Hoy, be, para kang namaligno. Magkwento naman kayo. Kauuwi ko lang, wala man lang ba kayong ishe-share?"

Natatawang hinampas naman ni MC ang braso ng binata. "Hindi na engkanto, A! Nakakita ng lalaki kaya ganyan!"

Binato niya ng tissue ang kaibigan. Hindi naman na siya kumibo dahil may halong katotohanan kahit paano ang sinabi nito. Hindi pa rin kasi siya nakaka-move on sa nakita niya sa mismong opisina ng boss niya at hanggang ngayon ay ginugulo pa rin ang isipan niya ng mga abs nito. Hindi naman kasi talaga niya inaaasahang makita 'yun!

"Dahil lang sa lalaki? Nice! Dalaga na ang bunso!" Tumatawang sabi ng binata sa kanya kaya napairap na lang siya.

Maliban kay Maria Clara ay meron pang isa sa buhay niya. Si Adam Davis. Kagaya ni MC ay kaibigan na niya ang binata noon pa. Hindi na yata sila naghiwalay na tatlo simula noong elementary sila. Maliban na lang noong highschool sila dahil sa isang all boys school ipinasok ang binata. Pero noong mag-kolehiyo naman na ay pare-pareho na sila ng kurso sa iisang university. May sariling unit din ito pero mas pinipili lang talaga nitong makitulog sa kanila.

Isang modelo sa ibang bansa ang binata kaya naman hindi rin ito madalas sa Pilipinas. Uuwi lang ito, gaya ngayon, tuwing pahinga o bakasyon. Kaya naman mas pipiliin talaga nitong sumama na lang sa kanilang dalawa. Si MC naman ay secretary ng big boss sa isang malaking casino. Mas madalas na maagang umuwi ang dalaga kesa sa kanya.

Napailing na lang siya at uminom ng juice. "Matagal na akong dalaga tsaka wala akong pana-panahon sa mga lalaking 'yan."

"Aba, aba! Nagsalita na naman ang bunso. Mas bagay yata sayo na magmadre." Pang-aalaska ni Adam sa kanya. "Pero sa wakas hindi na lang ako ang lalaki sa mga mata mo!"

Dahil na nga rin matatalik silang magkakaibigan at sa iisang unit lang naman sila tumitira, wala ng malisya ang bawat galaw nila. Ilang beses na nilang nakitang walang damit pang-itaas ang binata na madalas nitong gawin tuwing nasa bahay lang. Wala naman silang mairereklamo dahil may ipinaglalaban nga ang katawan nitong modelong-modelo. At isa pa, wala namang malisya sa kanila iyon.

"Bakit hindi mo rin ikwento, be, na hindi na virgin 'yang mata mo at ibang katawan naman ang nakita mo!" Kilig na kilig pang sabi ni MC.

"What?!" Gulat namang tanong ni Adam.

Wala na nga siyang ibang nagawa kundi ikwento na naman ang lahat ng nangyari. Pagkauwing-pagkauwi niya kasi kanina ay wala naman siyang ibang nagawa kundi ang ikwento ang bawat nangyari. Tuwang-tuwa si MC dahil nga natupad ang gusto nito. Isa pang nakadagdag sa tuwa nilang pareho ay noong tumawag si Adam para magpasundo sa airport. Kauuwi lang nito galing Korea.

"Kaya naman pala! Kauuwi ko lang tapos hindi na virgin ang mga mata ni bunso!" Naaaliw na turan ng binata at inakbayan na siya. "Sabi ko na nga ba dalagang-dalaga ka na bunso!"

Hindi na lang niya pinansin ang mga pang-aalaska ng mga kaibigan niya. Besides, mas namiss niya ang ganitong buo silang tatlo. Kakalimutan muna niya ang nagmumurang abs ng boss niya.

* * * * * * * * * *

"You're leaving already? Don't you think it's too early?"

Napangiti si Genesis at nagsimula nang magbihis. "Yes, I have to. May pupuntahan pa ako, Mich."

Hindi na niya pinansin ang pang-aakit ng dalaga sa kanya. Yes—it was really a great fuck. Pero hanggang doon na lang naman iyon. He can't stay long. Lalo na at hinihintay na siya ng mga pinsan niya. Matapos niyang magbihis ay binigyan niya ng huling halik ang dalaga.

Submitted to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon