Chapter Six: Deal

12.4K 327 4
                                    

Abala si Genesis sa pag-aayos ng mga nabasa na niyang papeles. Karamihan doon ay report ni Serenity kaya hindi iyon nakatulong sa kanya. Paano niya maayos ang sarili kung maaalala niyang ang dalaga ang gumawa ng mga kaharap niya?

"Sir, kape mo." Nakataas ang kilay ni Lynn nang iabot ang tasa sa kanya. "What the fuck is that face?" Naupo ang dalaga at naghalukipkip pa ng mga braso. "Tell me you idiot what happened."

Hindi siya sigurado kung dapat niya bang sabihin ang nangyari. Pero kanino pa nga ba siya hihingi ng opinyon? Dito lang din naman. Napailing siya at ibinaba muna ang hawak na tasa.

"Mich and I had sex."

Napangiwi si Lynn na para bang iyon ang pinakanakakadiring balitang narinig nito. "May bago pa ba doon?"

Natawa tuloy siya. "Don't give me that look, woman. I needed some distraction and diversion so I thought of sex."

"Putangina. Kapag talaga ikaw nalibugan!" Inis na asik ng dalaga at binato siya ng ballpen.

"Chill!" Tumatawa pa rin niyang awat at buti na nga lang ay nailagan niya ang binato nito. "Trust me when I tell you that it wasn't just lust that I needed to satisfy. Kailangan ko nang mapagbabalingan ko ng atensyon at naisip ko siya."

Nagliwanag ng muli ang mukha ng dalaga. "Si Serenity ang dahilan?"

Tumango siya. Ang dalaga lang naman nagiging laman ng isip niya. Wala na siyang kontrol sa bagay na iyon.

"So what happened? You had sex with Mich. What's so new about it? Naging virgin ba siya ulit at sumikip ang lagusan ng babaeng iyon?"

Hindi na lang niya pinansin ang side comment ng dalaga at bumuntong hininga. "Instead of diverting myself into something else, siya ang nakita ko. I even heard her voice moaning for more."

Napangiwi siyang bigla. That sounded gay. Unang beses nangyari ito at na-weird-uhan siya. Why in the hell is this happening to him?

"Holy crap, Genesis Liam!" Para bang nabasa ng dalaga ang nasa isip niya kaya napangisi ito. "You've been like that since the first time she came. It bothers the heck out of me at first but then I really like Serenity. Baka naman--"

"No." Putol niya sa sasabihin nito. "Don't even go there, Gaialynn."

Napanguso ang dalaga ng marinig ang buong pangalan at napairap. "Don't even go there e malay mo nandoon ka na. Remember when I told you that you can't be possibly in love with her? Pero ngayon nga baka iba na. I'm not a hopeless romantic and I don't believe in fairytales but I do know that love exists. Kahit gaano kayo kahayop, tao pa rin naman kayo kaya posible kayong magmahal."

Napabuntong-hininga siya. Hindi, wala pa siya doon at wala siyang balak pumunta doon. "Naniniwala din ako doon. You've seen my parents, right?"

Napahalakhak ang dalaga sa sinabi niya. "Damn I remember that! That was the cheesiest, corniest scene I've ever seen!"

Napangisi na lang siya nang maalala rin iyon. That was his parents' anniversary and the usual thing happened. Daig pa rin ng mga magulang niya ang mga teenager na nagliligawan. To many it would be too much but he loves seeing those moments. Pinalaki siya ng mommy niya na naniniwala sa ganoong bagay kaya naman alam niya ang sinasabi ni Lynn sa kanya. Kung bakit siya naging womanizer at madalas makasakit ng babae ay ibang istorya na.

"Anyway, since you got to point where you have imagined her while on sex, then maybe you should to really do it with her."

Kumunot ang noo niya. "What?"

"Oh please, Montelvaro, we both know your usual deal about this. Once you somehow liked someone, you needed to fuck the heck out of them to remove the affection or feelings you might have for them. Maybe it same goes with Serenity. Pero tangina 'wag pala." Kumunot na rin ang noo ng dalaga. "Hindi nga pala gaya ni Serenity ang nga gagang iyon kaya magtino ka. Find another way remove her out of your system."

Submitted to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon