Chapter Ten: Disappointment

10.8K 271 10
                                    

Genesis was all smiles when he entered the conference room. Kaya naman talagang na-weird-uhan na naman ang mga pinsan niya sa kanya.

"Woah! Anong nangyayari?" Bungad iyon ni Zachary. "Kay Kieth ko lang unang nakita ang ganyang ekspresyon sa mukha! Shit, man! You look like someone who's addicted!"

Napangisi si Gabrielle. "First was Kieth and now, our Tita Devine's boy!"

"Iniisa-isa na talaga ba talaga tayo?Magpapari na ba ako?" Sabi naman iyon ni Dylan. "Sino ba 'yang babaeng 'yan at hindi mo man lang ipakilala sa amin?"

Siya naman ay iiling-iling lang. Hindi niya mapigilang mapangisi dahil sa totoo lang ay ayos lang sa kanya ang pang-aasar ng mga ito sa kanya.

It has been a couple of weeks after their trip in Paris and he's liking what's happening until now.

Sa tana ng buhay niya ay ngayon lang niya nasubukang dahan-dahanin ang mga bagay bagay lalo na kapag involve ang isang babaeng gusto niya.

No one has ever said that doing something for someone you like is fun.

Gustong-gusto niya na ring pinag-iisip pa ang mga pinsan niya kaya naman mainam na rin na hindi pa alam ng mga ito ang tungkol kay Serenity.

Bago pa tuluyang mapunta sa kanya lang ang topic ay binuksan na nila ni Lynn ang totoong pinunta ng mga pinsan niya doon.

~ ~ ~

"Nako, Genesis, umayos ka nga! Mukha kang tanga sa ngiti mong 'yan! Naiinis na ako!" Reklamo na iyon ni Lynn.

Nandito na sila ngayon sa club ng pinsan niya. Nag-aya kasing uminom si Lynn dahil sa dahilang hindi niya alam. Dahil mabuti naman siyang kaibigan ay sinamahan na niya ito. Iyon ang gusto niyang sabihin pero sa totoo lang ay wala namang siyang choice.

"Sa susunod ka na lang magmukhang loyal kapag loyal ka na talaga! Gago 'to e ang dami daming side girls diyan! Hahampasin kita e..."

Natawa na lang siya at sininulan ng ilayo ang ilang bote ng alak sa dalaga. "I have my needs, that's why."

Doon napangisi ang dalaga. "Needs that you can't get from Serenity?"

Bigla siyang napahinto doon. Needs he can't get from her. Never that thought has crossed his mind. Masyado nga ba siyang naka-focus sa ibang bagay para hindi man iyon sumagi sa isip niya? Oo, lagi niyang naiisip ang dalaga pero... Damn it. He still needs another woman to fulfill his urges.

How fucked-up could he be?

"I kind of know na seryoso ka naman kay Serenity pero 'yung totoo, Genesis? Why do you still meet up with those women if you truly want Serenity?"

Napapikit siya. Hindi niya alam na mapupunta sa kanya bigla ang usapan nila. Hindi siya handang harapin ang mga real talk ng dalaga.

Si Lynn lang ang nakakaalam na si Serenity ang nililigawan niya. Iyon ay dahil sa hiling ng dalaga na huwag muna nilang ipapaalam sa iba kung ano mang meron sila. Bilang na bilang lang tuloy ang nakakaalam at hindi niya gusto iyon pero wala na siyang magagawa. Napag-usapan na nila ito at kahit walang malinaw na dahilan kung bakit, kailangan niyang pagbigyan si Serenity.

Siya ngayon ang tumungga ng alak na inilayo niya dito kanina.

Oo. Alam niyang gusto niya si Serenity. That's why he is courting her. Pero pagdating sa ibang bagay...

Submitted to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon