Chapter Seven: Paris

12.1K 315 8
                                    

"Baka naman lalandiin ka na niya kasi type na type ka na niya? O kaya naman bet na bet na niya 'yang kagandahan mo kaya naman liligawan ka na niya. OMG, be! Baka naman siya na talaga ang Christian Grey mo!"

Napailing na lang si Serenity sa mga pinagsasabi ni MC sa kanya. Ngayon ay hindi pa rin ito maka-move on sa mga nangyari noong dumating ang boss niya. Sa totoo ay pati rin naman siya. Isang Genesis Montelvaro lang naman ang gusto siyang maka-date at out of the country pa. Who would say no? Actually siya dapat kaya lang ang magaling na kaibigan na niya ang um-oo para sa kanya. Talaga naman.

"O kaya naman na-realize na niyang gusto ka na talaga niya." Dagdag pa nito.

Bumuntong hininga na lang siya. "MC, please, date lang iyon. Tsaka ipapaalala kong boss ko siya. Maybe kailangan niya lang ng maisasama at wala siya ngayong girlfriend."

Umikot naman ang mga mata ng kanyang kaibigan. "Oh please. Have you seen the way he looks at you? Sa totoo lang nakaka-intimidate kaharap ang isang Montelvaro pero iba talaga ang paraan ng pagtingin niya sayo."

She didn't want to listen anymore. Para bang nagiging abnormal na naman kasi ang tibok ng puso niya. Sa mga sinasabi ng sarili niyang bestfriend ay ginagatungan lang nito ang mga pantasya niya sa buhay. She would be lying if she would say she doesn't find Genesis very attrative and so damn irrestible that day. Ni pagkabog ng puso niya doon ay hindi niya makalimutan.

Napailing na lang siya. Daig niya pa ang batang kilig na kilig sa crush nito.

"MC? Bunso? Nandito na si Miss Mishima." Tawag na iyon ni Adam sa kanila mula sa living room.

Nagkatinginan naman silang dalawa at mas excited pa talaga si MC sa kanyang lumabas. Nasabi na ng boss niya na wala naman siyang dapat ikabahala dahil ang kung ano mang isusuot niya ay naihanda na nito. Kung paano ay hindi niya alam. At so Mishima Vergara pa talaga ang naghanda ng kung ano man ang gusto ni Genesis para sa kanya.

Sitting on their single sofa is no other than the very sophisticated, beautiful Mishima. Kilala ito sa buong fashion industry. Being a woman, she's a fan.

"Hi!" Bati nito sa kanila. "Your place is very comfy. I like it! Minsan nga makikitulog nga ako sa inyo tapos sleep over naman tayo ah!"

Nagkatinginan na naman silang dalawa. Si Adam naman ay pinagtawanan lang sila.

"Nako, Mishima, wala talagang nasasanay sa pagka-bright ng personality mo." Pang-aasar ni Adam.

Natatawang siniko ng dalaga ang binata. "Binuko mo na naman ako. If being less serious and not being what they expect from me is having a really, really bright personality then I am proud of who I am." Sila naman ang hinarap nito. "Nice to meet you, MC and Serenity! I'm Mishima Vergara and I am sent here to deliver 'the gown' personally! Group hug!"

Ang pagtataka nilang dalawa ay napalitan na lang ng pagtanggap sa kabaliwan din ni Mishima. Natatawa na lang din silang nakiyakap. They never actually realized that the fashion icon would be as crazy as them.

Naupo na din si Serenity sa sofa at kinuha ang box na dala ni Mishima para sa kanya. She feels giddy and excited like any girl would feel when they get to receive new clothes. Pati ang dalawang babae ay akala mo kilig na kilig sa excitement.

"Oh wow..." Singhap niya ng makita ang gown.

It is a very elegant gown with just first look. Its base color is white with the touch of silver. Hindi rin nakawala sa tingin niya ang maliliit at mabusising crystal details sa bandang baywang. Sweetheart cut with a very low v back. Tinitignan niya pa lang ay pakiramdam na niyang hahapitin ng gown ang bawat curves na meron siya.

Submitted to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon