Chapter Twenty: Changes

8.4K 215 1
                                    

"God, Serenity, you look amazing!"

Ngiti lang ang naisagot ni Serenity kay Lynn. Ano pa nga bang masasabi niya? She is actually amazed by how she looks right now. Nasobrahan na naman kasi ang kaibigan niyang si Adam sa paggamit ng super powers nito at pati siya ay gandang-ganda sa kinalabasan ng Halloween costume niya.

Ngumisi ang dalaga. "Kaya baliw na baliw sayo si Genesis e."

Her heart is already beating hard with just the mention of his name. Hindi niya pa nakikita ang binata at sa totoo lang ay excited na siyang makita ito. She wanted him to see her like this because for the first time, she's really confident and happy with how she looks. Nakakatuwa nga dahil isang costume ang suot niya at hindi normal na ayos.

Sabi nga ng psychiatrist niyang si Dra. Estrella Leighton, for the weeks they have been meeting and having their sessions, naging magandang improvement daw sa kanya ang pag-aayos para sa sarili niya at hindi para sa pamilya niya. Though she admitted what excites her to dress up to express herself is because of Genesis. He's not the main reason of all her outfits, for example, but he's a part of it. Gustong-gusto kasi niya ang ekspresyon nito tuwing lalabas sila at makikita nitong ang suot niya ay iyong gusto talaga niya. Hindi gaya noong lahat ng isusuot niya ay adjusted sa pamilya niya.

Tonight she is dressed up as Morticia Addams of The Addams Family.

And, of course...

"Sabi ko na nga ba, Miss Valencio! Ikaw talaga ang nagpapabaliw sa magaling kong pinsan!" Sabi iyon nang kadarating lang na si Francis. "Nice costume idea, by the way, nakita mo na ba ang Gomez Addams mo?"

Umiling siya. "Hindi pa nga, Sir Francis. But I'm really looking forward to seeing my Gomez. Nakita niyo na rin po ba si Miss AD? She came as herself daw po kasi being herself is already iconic."

Biglang ngumisi ang binata at gusto niyang matawa dahil namula ang tenga nito!

Lynn chuckles. "I really love this version of you; Serenity. God, our boss is going to drool all over because of you. Oh siya nga pala bago ko makalimutan, Sir Francis we have to talk with..."

Naiwan na siya nakatayo doon. Okay lang naman dahil mas hindi kasi siya mapakali kapag naupo siya. Masaya siyang kinakawayan at nakikipagbatian rin sa mga kapwa niya empleyadong nandoon.

Ngayong gabi ang anniversary ng kompanya nila at mas priority guests ang mga emplayado. The big bosses often reminds them that there will be no anniversaries in the first place kung hindi dahil sa man power ng kompanya. This night is basically for eveyone in the company to enjoy. Hindi man Halloween ngayon, iyon naman ang theme ng buong anniversary celebration kaya naman sobrang nakakatuwang makita ang lahat na naka-costume at halatang enjoy na enjoy sa pag-e-effort ng kanya-kanyang gimmick.

Bigla niyang naalala ang nangyari bago ang gabing ito.

Genesis and Serenity are in a very comfortable cuddling position inside Genesis' pad. Nasa sofa sila at nanonood ng kung ano sa TV. How did they end up cuddling without having Serenity to die because of shyness and embarrassment? Lasing kasi ang dalaga.

It was MC's birthday and 'wasted' is not enough for the women. Basta ang natatandaan lang niya ay syempre kay Genesis siya napunta at si MC naman kay Adam.

Alcohol could do wonders with her. Ibang-iba siya kapag nalalasing at himalang hindi pa siya inaantok kahit na nga wasted na sila kani-kanina lang ng birthday girl.

Maybe it was the shower she took. Okay, it was impossible to take a shower by herself with her state-- she had help. Ang binata ang mismo ang nag-alalay sa kanyang maghubad at mismong tumulong sa kanyang makaligo nang maayos. She was drunk and it boosted her confidence and sassiness. Sinabi niya mismo sa binata na bakit pa sila magkakahiyaan ngayon pang may mangyari na kanila. Genesis laughed with that and said she had a point.

Submitted to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon