Chapter Three: Unwanted

16.5K 403 5
                                    

"Hindi ko alam pero daig mo talaga ang haharap sa hari at reyna ng kung ano man planeta 'yan tuwing uuwi ka sa inyo. Duh. Pamilya mo lang sila. 'Wag mo naman sila sambahin na akala mo nakasalalay ang buhay mo sa kanila."

Napangiwi sa Serenity sa tinuran ni MC. Oo nga, alam naman niyang pupunta lang siya sa bahay nila dahil Linggo at kailangan niyang magpakita doon. Pero masama bang paghandaan naman niya iyon? After all, nakasalalay naman talaga dito ang buhay niya. 

May kumatok sa pinto at iniluwa noon si Adam. Dala-dala nito ang iPad at sigurado silang trabaho iyon. Napailing na siya at muling tinignan ang sarili sa salamin.

Rinig niya ang buntong hininga ni MC. "Kausapin mo nga 'tong kaibigan natin na kumalma lang siya. Hindi naman katapusan ng mundo kung normal lang ang ayos niya kapag nagpakita siya sa pamilya niya."

Nakita niyang tinignan nga siya si Adam. Umiling ito at tumayo. "'Wag kang mag-dress, bunso. Mag-casual na lang. Puting tshirt, jeans, at 'yung regalo ko sayong Vans. You know tita naman. May masasabi na naman siya sayo."

Siya naman ngayon ang bumuntong hininga at bumalik sa harap ng closet niya. Sa totoo lang ay kahit ano naman ang suot niya, may masasabi ang mommy niya.

"Ayos na?"

Napangiti naman ang dalawa ng sabay na nagpailing sa kanya.

Tumayo naman si Adam at hinayaan laruin ni MC ang iPad nito. "Halika. Ako na ang bahala sa buhok mo."

Kung ang aasahan mong mag-aayos sa kanya ay si Maria Clara, pwes hindi. Simula pa noong napasok ni Adam ang buhay ng pagrampa o pagharap sa mga camera, natuto nitong mag-ayos kahit na sa babae pa. Kaya naman ang resulta ay nagiging instant make-up artist nila ang binata kapag nandito ito. Hair stylist din.

Once a month, ni-require siya ng papa niya na magpakita sa kanila. Sino ba naman siya para tumanggi, 'di ba? Kahit naman ayos lang sa kanya kung hindi na siya pinapupunta sa bahay nila ay hindi rin naman niya pwedeng hindian ang ama. At least her dad still wants to see her.

"Pakisapak 'yang maldita mong kapatid kapag may ginawa na naman siya sayo." Singit ni MC na nakahiga na at enjoy na enjoy sa paglalaro.

Napailing na siya at pinigilan ang sariling mapangiti. Maliban sa kanya ay masama talaga ang pakikisama ng nakababata niyang kapatid sa kahit na sinong kaibigan niya. Dahil dalawa lang naman ang kaibigan niya sa mundo, dalawa din naman kinamumuhian nito. At si MC ay talaga namang pinapatulan ang kapatid niya. Si Adam naman, being himself, tinatawanan na lang ang kapatid niya.

"Patrice will always be a spoiled-brat." Nakangising turan ng binata. "Hayaan mo lang siya nang lalo siyang ma-insecure sayo."

Adam fixed her hair in a messy bun. Hindi niya ba alam pero kapag ang binata na niya ang gumagawa noon para sa kanya ay mas acceptable na tawaging nasa magandang messy bun ang buhok niya. Samantalang kapag sila na ni MC ang gumawa noon ay mukha silang maglalabang pareho.

"Thanks, guys." Paalam niya at umalis na.

Taking a deep breath, she starts driving to her parents'.

* * * * * * * * * *

Linggo ngayon at lahat ng Linggo ay dapat kasama niya ang pamilya dahil iyon lang ang family bonding nila. Wala naman kasing kapatid si Genesis kaya hindi niya pwedeng palampasin ang mga ganitong araw. Abala pa naman sila ng papa niya sa mga trabaho nila.

Pagkaparada niya ng kotse niya ay sumalubong ang mga magulang niyang nagtatawanan sa garden. Napangiti na lang siya at bumaba ng kotse.

"I'm home!" Masayang anunsyo niya at yumakap sa mga magulang niya bago naupo na isang upuan. "Anong meron?"

Submitted to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon