Chapter Eight: Suprise

11.9K 345 12
                                    

Abala si Genesis sa kausap nito kaya naman inabala niyang muli ang sarili sa panonood ng mga tao sa paligid. Nandito sila ngayon sa isang café na malapit sa hotel nila.

Anong nangyari sa issue nila sa kwarto nila? Simple lang naman, nagtalo lang naman sila hanggang sa sumuko sila. Nauwi sila sa pagtulog sa kamang pareho. Hindi naman naging awkward ang pagising niya dahil sa laki ng pasasalamat niya ang nauna na itong magising sa kanya. Doon lang din niya napagtantong baka ganoon din ang nangyari noong malasing siya. She never asked where he slept. Pero baka nga ito na rin ang nangyari.

At nandito naman siya para magliwaliw, hindi ba? Maliban sa pagiging date ng boss niya, hindi naman ito trabaho, 'di ba? Wala namang rules ngayon kaya maganda ng panindigan niya ang mga mangyayari. She's letting herself indulge this moment.

"Serenity." Kuha ni Genesis sa atensyon niya. "I really have to go somewhere. It will be a business meeting and my dad wants me to fill him in. Gusto mo bang sumama?Ayoko sanang masira ang bakasyon ibibigay ko sayo kahit sandali lang."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Kung kailangan mo ako doon, sasama ako. Kung hindi naman masyado, babalik  na lang muna ako."

Mukhang napaisip ang binata.

Kung siya ang tatanungin, sana wala na lang business meeting na pupuntahan ito. Balak pa kasi nilang maglibot bago ang pupuntahan nila at mas gusto talaga niyang maglibot kasama ito kaysa ang mag-isa siya.

Ngumiti din ang binata at umiling. "You should enjoy yourself more while I'm gone. Babalik din ako before lunch. Morris will be with you." As if on cue, nakita na niya ang kotse ni Morris papunta sa kanila. "Don't just stay in bed. 'Di ba bibili ka pa ng pasalubong mo kila Dave at Maria?"

May punto naman doon ang boss niya. Tumango naman siya. "Okay. But just in case you need my help, sabihin mo lang."

Ngumiti ulit ito. "I will. Tell Morris where you would want to go and he'll take you there."

Napabutong hininga na lang siya ng umalis na nga ang binata. Saan naman siya bibili ng pasalubong ng dalawa ngayon?"

"Ma'am Serenity?"

Hinarap niya si Morris at nginitian. "Good morning, Morris."

Ngumiti din ang matanda. "Where do you want me to take you, madame?"

"Somewhere I could buy things for the  most important people in my life, please."

* * * * * * * * * *

Dinala siya ni Morris sa lugar kung saan ka nga makakabili ng pasalubong para sa mga mahal mo. Hindi man siya isang shop ng signature items pero alam niyang isa ito sa nga sikat na souvenir shops. She thanked Morris for taking her here.

Abala siya sa pamimili kung ano nga ba ang bibilin niya para sa dalawa nang mahagip ng mata niya ang pinakahuling taong inaasahang makikita niya ngayong araw.

Troy Diazo.

Para bang huminto ang mundo sa pagkakita niya dito. Bumilis din ang tibok ng puso niya. Maraming tanong at bagay ang gusto niyang gawin lalo na at nandito na lang ito sa iisang lugar kung nasaan siya. Sa dinami-dami ng mga pagkakataon, bakit ngayon lang niya ito nakitang muli?

And then the magic happened. Napalingon na ito sa kanya.

He looked surprised as much as she feels. "Serenity?"

Pinilit niyang ngumiti. "Troy."

Lumapit ang binata sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "God I missed you!" Lumayo din ang binata sa kanya para tignan ang kabuuan niya. "You look amazing. How many years since the last the last we saw each other? Three years? Four?"

Submitted to the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon