Chapter 19: Disneyland Part 1

91.8K 2.7K 261
                                    

Lena woke up feeling refreshed. Hindi niya alam kung anong oras na. Nobody told her about the plan, kung anong oras ba sila gagala. She was so sleepy last night that when an opportunity presented itself, she didn't even hesitate. Alam niyang kahiya-hiya ang ginawa niya kagabi. Who in their right mind would just jump on someone else's bed? But she didn't care. Para na siyang lumulutang kahapon dahil sa ilang gabi na rin siyang hindi makatulog nang maayos. Wala naman siyang intensyong masama at alam niyang hindi naman siya pagsasamantalahan ni Cyrus.

He was kind enough to let her sleep with him (or maybe she just didn't give him a choice). He didn't even move. Kung ano ang posisyon nila kagabi ay ganoon pa rin noong mag-umaga. Nakadantay pa rin ang ulo niya sa braso nito, ang binti niya sa binti nito. Nakayakap pa rin ito sa kanya.

A blush crept on her cheeks. She must have appeared too aggressive and desperate. Ever so carefully, she removed herself from his embrace. Tinungo niya ang bathroom para maghilamos. Tiningnan niyang mabuti ang sarili sa salamin. Her hair's a mess. There's nothing she can do about it. Kapag sinubukan niyang magsuklay, masisira lamang ang suklay na gagamitin niya.

She looked like a kid. She realized that there's no way that he'd think that she was trying to seduce him last night. Really, with the onesie that she's wearing, how can he even consider her as a grown up? Shaking her head in amusement, she went back out there to check on him. Cyrus was already awake. He must have woken up when she got up.

He was sitting on the edge of the bed, massaging his right shoulder. She suddenly felt guilty. She was so concern about her comfort last night that she had forgotten his. She'd gladly offer him a massage, but she doesn't know how.

"I'm okay," Cyrus told her. He must have read the guilt on her face.

"Masakit ba? Sorry ha."

"Kung ganoon pala tayo matutulog, sana nakipagpalit na lang tayo ng kwarto kina Julie. Mas malaki ang kama do'n," he said in amusement. He pointed at her suit. "Hindi ka naiinitan sa suot mo?"

Umiling siya bilang sagot.

Cyrus got up and parted the curtains. Mataas na ang araw. Tanghali na kaya? Nilingon siya nito at tinanong, "Did you sleep well last night?"

"Yes," she readily answered. "You?"

It took him a while to answer a forced yes, so alam niyang hindi ito nakatulog nang mabuti kagabi. His shoulder must be bothering him. Kanina pa ito nakahawak doon.

When he saw that she was looking, he assured her again that he's fine. Kukulitin pa sana niya ito nang may biglang kumatok. Siya na ang nagbukas ng pintuan habang si Cyrus naman ay nagpunta ng banyo to do his morning routine.

Nang buksan niya ang pintuan ay sinalubong siya ni Julie na naka-bathrobe pa.

"Good morning!" Tuloy-tuloy itong pumasok sa kwarto nila. "Si Cy?"

"Nasa CR."

Tumango ito at naupo sa dulo ng kama niya. "Kumusta naman ang tulog nyo?"

"Ayos lang naman," sagot niya habang nakatuon ang tingin sa sahig. It's not that she's ashamed of what she did. Kahit sino naman ang katabi niya, kung papayag ito, yayakapin niya ng ganoon. Pero alam niyang bibigyan iyon ng kahulugan ni Julie.

Cyrus chose that time to come out of the bathroom. He scowled when he saw Julie.

"What are you doing here so early?"

"Ruining your morning, of course," Julie replied chirpily. "And also, to check on you. Baka may ginawa ka nang hindi maganda kay Lena."

Napatingin si Cyrus sa kanya, saka ito muling nag-iwas ng tingin.

The Artist (Aragonza #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon