90 Days With Quinn

182K 1.9K 109
                                    

{ A SHORT STORY. This story will be written fictitiously but I'll try to write it closely to reality. Don't expect too much though, this will be my first time to write in a guy's point of view. The main character may appear too feminine for you but I really can't help it. I think like a total girl all the time, so forgive me. PHOTO COVER credits thank you }

About: 

               Sabihin na lang natin na hindi ako yung tipong lalaki na kasing astig kumilos ni Daniel Padilla, kasing galing sumayaw ng Teach Me How To Dougie ni Enrique Gil, kasing gwapo ni Enchong Dee at lalong-lalo na, hindi ako yung lalaking madalas na pinapangarap ng mga kababaihan. Yung boyrfriend material kumbaga.

          Ako yung lalaking kadalasan na makikita mo sa library, nagbabasa ng periodicals, gumagawa ng assignment, nakikitropa sa mga taong mahilig maglaro ng video games o online games. Ako yung tipo na makokopyahan mo ng homeworks, maaasahan mo sa projects at bestfriend mo tuwing exams.

                     Marami man akong pinagkaiba sa kahit kaninong lalaki, sigurado akong meron ako pinagkapareho sa kalahati ng populasyon ng mga lalaki sa Pilipinas: Torpe. Nakakabadtrip pakinggan pero ayan ang nakakaasiwang katotohanan.

90 Days With Quinn (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon