[ 23 ] Days With Quinn

28.5K 519 12
                                    

"Welcome to my humble abode!" naka-extend pa ang matatabang braso ni Andre nang ipinakita nya sa akin ang loob ng bahay nila. Ito lang ang masasabi ko: WOAH!

Mayayaman din talaga ang pamilya nila Andre. Take Quinn for example.

Napaka-spacious ng bahay nila, yung mga walls eh nakapintura lang ng plain white tapos color black ang maroon ang accent ng room. Yung mga furnitures nga bahay eh napaka-modern. Yung iba, hindi ko na maexplain. Masyado akong na-ooverwhelm sa sobrang ganda ng bahay.

"Ma!" sigaw ni Andre bigla. Napatigil tuloy ako sa pagpapantasya ng bahay nila, "Nandito na si Kurt!"

May narinig akong kalampag ng kitchen utensils sa malayo tapos may tunog ng takong na nag-eecho sa loob ng bahay nila. Galing sa isang parte ng bahay, may matandang babae na lumabas, may ngiti na naka-imprenta sa mukha nito. Kaface to face ko na ang Mrs. Ballesteros, isa sa mga kilalang entrepreneur sa lugar namin.

"Magandang umaga po, Mrs. Ballesteros." magalang na pagbati ko dito. Nginitian lang ako ng mama ni Andre tapos niyakap bigla ako.

"She's a hugger," bulong ni Andre.

"Nako, Kurt!" bati nito sa akin, "Napaka-gwapong binata! Kamusta na mama mo? Si... Dianne, right? How is she?" tanong ni Mrs. Ballesteros.

Medyo nagulat ako sa tanong nya. Hindi ko inaasahan na magkakilala sila ni mama, "Uhm, ayos lang po sila mama, Mrs. Ballesteros--"

"Tita Anna na lang," nginitian nya ako.

"Sige po, tita Anna. Pwede pong magtanong?" sabi ko. Tumango naman si Tita Anna, "Paano nyo po nakilala si mama?"

She chuckled, "She was my buddy-budddy when you and Andre were still a kid!"

It makes more sense. Kaklase ko nung elementary si Andre kaya hindi maiiwasan na ang magulang namin eh magkakakilala. Namamangha lang ako kasi hanggang ngayon, naalala pa rin nya.

"Ay, sige.. May pagkain sa hapag-kainan, kain na kayo," dugtong pa ni tita. Tumango na lang kami ni Andre tapos sumunod na sa kanya.

Maraming handa sa birthday ni Andre. Feeling ko tuloy ako ang may birthday kasi halos ng nakahanda eh paborito. Mula sa flavor ng cake hanggang sa dessert na nakahain sa lamesa! Naku, Andre, salamat talaga sa pag-imbita!

Agad-agad akong kumuha ng plato tapos pinagsasandok na yung iba't-ibang klase ng ulam. Out of nowhere, lumabas si Quinn mula sa isang pintuan. Naging conscious tuloy ako sa kinakain ko kasi tintingnan nya yung plato ko.

"Kurt!" bati nito nang makita nya ako.

"Quinn, ah... Eh... Nandito ka?" utal-utal kong tanong dito.

Tumawa nang medyo malakas si Andre, "Tanga ka ba, Kurt? Syempre, pinsan ko yan. Malamang imbitado yan!"

"Andre! Your words!" sigaw ni tita Anna mula sa likuran naming dalawa ni Andre.

Napasimangot na lang si Andre, "sorry ma."

"Anyways... How about we play the awesome-est game ever?" singit ni Quinn.

Nag-sparkle ang mata ko nang mabanggit ni Quinn na maglalaro kami.

From her hands, pinakita nya sa amin ang isang USB, "Let's play The Walking Dead, dude!"

From that day, simula nang makita ko ang gameplay ng Walking Dead, which by the way matagal ko nang gusto laruin, na nasa kamay nya, mas lalo akong na-inlove kay Quinn. Feels.

90 Days With Quinn (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon