[ 59 ] Days With Quinn

22.9K 448 14
                                    

Mataas ang sikat ng araw kahit nasa alas-nuwebe pa lang ng umaga. Nasa kwarto pa ako nun at busy sa pag-PPSP nang bigla akong katukin ni mama sa kwarto para utusan ako.

"Anak?" sa boses pa lang eh nanlalambing na. Halatang may ipapagawa.

"Po?" sagot ko dito, "Bakit ma?"

"Pwede ka bang pumuntang National Bookstore? Bilhan mo nga si Kailey ng gamit nya, please?"

Nung binanggit pa lang ni mama na pupunta akong National Bookstore, hindi na ako nagdalawang-isip pa na gawin yung pinapagawa ni mama. I mean, makakagala ako nito plus, may extra money na ibibigay si mama kaya magandang pagkakataon ito! Magkakaroon na rin kasi ng College Ball para sa mga freshmen college na katulad ko by the end of next month.  Baka pwede kong maregaluhan si Quinn kahit as a token of friendship na lang kung magkakasama pa rin sila ni Chester.

Agad naman akong naghanda na kasi mga-10 pa lang ng umaga, nagbubukas ng yung SM. By 10:45, nandun na ako sa SM. Kakaunti pa lang naman ang tao pero ayos na rin yun kasi libreng aircon. Mainit sa bahay kung mapapansin nyo.

Sinadya ko na yung National Bookstore at pinagkukuha na yung mga kailangan ni Kailey sa school nya. Simpleng composition notebook at lapis lang naman. Nung palabas na ako ng NB, bigla kong naaninag ang figure ni Quinn mula sa malayo. Ngiting-ngiti na sana ako nang makita ko sya kaso wag na kasi kasama nya si Chester sa tabi nya.

Hindi ko na napansin na pinapanuod ko na silang dalawa. Mula sa kinatatayuan ko, malapit sa exit ng NB, eh nakikita kong parang nag-aaway na naman silang dalawa. Nag-walk out kaagad si Chester kay Quinn kaya kinuha ko na yung pagkakataon na lapitan sya kaagad at batiin, "Alam mo, Quinn, kung hindi ka na masaya, bumitaw ka na." sabi ko sa kanya.

Tiningnan ako ni Quinn ng masama, "Ano namang alam mo sa akin ha?!" she snapped. Nagulat ako sa reaksyon nya. Nakikita ko na yung mga nangingilid na luha nya. Tinitigan ko sya saglit. Masakit na pinapanuod mo lang ang taong mahal mo na umiiyak dahil sa maling tao.

Gusto ko sana syang yakapin ngayon kaso galit sya sa akin eh kaya may certain distant dapat ako, "I may not know you complete enough to give you a reason why I care, but there's one thing you should know about yourself, Quinn," tinitigan ako ni Quinn sa mata, "You should remember that you don't deserve any of this." dugtong ko pa.

Kahit na medyo mabigat sa akin, iniwan ko na si Quinn dun na nakatayo sa gitna ng mall, naiyak. I should've comforted her. Pero kailangan nya rin minsan masaktan para matutunan nya na dapat pahalagahan nya ang sarili nya.

I'm sorry Quinn. Next time na lang kita mapapatahan.

90 Days With Quinn (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon