[ 69 ] Days With Quinn

21.5K 441 13
                                    

Hindi na rin ako nakatulog ng deretso kaya 5:30 pa lang ng umaga, nagluluto na ako ng umagahan. Nandito pa rin ako kina-Quinn. Aantayin ko na lang muna syang magising bago pa ako tuluyang umalis.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag-aayos ng hapag kainan ng makita ko si Quinn, kakababa pa lang ng hagdanan. Nginitian nya ako, "You look hot," sabi nito sa akin.

Nakalimutan kong huminga nung sinabi nya sa akin yun. Tiningnan ko ang sarili ko at nakitang suot-suot ko pala ang hot pink na apron nila dito. "Eto na pala gamot mo oh, masakit siguro ulo mo." Inabot ko naman sa kanya yung gamot tapos isang baso ng tubig. Kinuha naman ni Quinn iyon tapos ininom na.

"Thank you," sabi nito.

"Eto na rin ang breakfast oh, kumain ka na..." Pinaghandaan ko na rin sya ng plato tapos ng kanin at ulam, "Aalis na rin kaagad ako, Quinn, okay ka lang ba?"

Tumango na lang ito, "Kurt?"

"Hmm?" sagot ko.

"We're over..." mahinang sabi niya.

Binigyan ko na lang sya ng matipid na ngiti, "Sige," Inalis ko ang tingin ko kay Quinn, inukit ko na lang ang mga mata ko sa sahig, "... Aalis na ako,"

Hindi ko na inantay pa ang sasabihin ni Quinn. Dere-deretso na akong lumabas ng bahay nila at isinara ang pinto.

For some reason, I find it hard to believe that Quinn and Chester are officially over. Baka nasabi lang nya yun kasi masama pa ang loob nya sa hinayupak na yun. Pero kapag medyo naka-cool off, magbabalikan na naman ang dalawang yun.

Minsan pati ako eh nahihilo na sa kanila. Nahihilo na rin sa sakit na makitang nasa maling tao sya. Hindi ko naman sinasabi na ako ang tamang lalaki para kay Quinn, at least, isa ako sa mga lalaking nakakakita ng halaga ng isang babae. 

Muli, iniiwan ko na naman si Quinn ng mag-isa. Bumibigat na naman ang kabog ng dibdib ko. Lumabas na ako nang tuluyan sa kanila at naghanap na ng masasakyan pauwi nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa bulsa. Kaagad ko naman itong kinuha at binasa.

From: Unknown

Kurt, si Quinn 'to, sorry na po :)

Sa text pa lang ni Quinn napangiti na nya ako. Gusto ko na sana syang balikan ulit sa kanila kaso... nakalayo na yung jeep na sinasakyan ko. Saka na lang.

90 Days With Quinn (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon