Huwag niyo nang tanungin kung paano ako nakarating sa isang mansion dito sa may downtown side ng Pacific Avenue. At huwag niyo na ring tanungin kung bakit ako nakasuot ng black pants at yung V neck shirt na nabili ko sa Artwork sa halagang 250 pesos.
Huwag na.
Huwag nyo nang tanungin kasi kahit ako hindi ko rin alam kung ano ang masasagot ko diyan. Basta ang alam ko lang dito ay tinawagan ako ni Andre sa kalagitnaan ng gabi na sinasabing si Quinn Eliz Arias ay nakatayo na sa harapan ng pintuan namin. Huwag niyo na rin tanungin kung paano ni Quinn nalaman yung address namin kasi hanggang ngayon isang himala pa rin sa akin yun.
Hindi nga lang ako nakapagtanong kasi kasama ko yung mga kaibigan ni Quinn sa sasakyan matapos niya akong pilitin na ako ang isasama niya sa despidida ng mommy nya. Gusto ko sanang sumayaw ng Gentleman ni Psy sa gitna ng kwarto ko kanina kasi makakasama ko si Quinn ngayon kaso hindi man lang ako nainform dito, hindi tuloy handa ang pagkagwapo ko.
"If someone asks you how you are related to this family..." napalingon sya saglit sa bawat sulok ng bahay bago niya itinuon ang tingin niya sa akin, "Just tell them that you're Andre's best bud or whatever... Okay?" Amoy na amoy ko yung bubble gum na kanina pa niya nginunguya. Amoy cherry. Ang bango-bango niya talaga.
Nagiging stalker na yata ako sa ginagawa ko. Pati hininga niya inaamoy ko talaga. Nakakatakot pala kapag ako maiinlove.
I absent-mindedly nodded my head, "S-sige," sagot ko. Sabihin niyo nga sa akin... Halata ba? I mean, halata ba na love at first sight ako sa babaeng ito?
"Good," sabi niya. Napaatras siya ng kaunti papalayo sa akin, "Let's go," hinawakan naman iya ako sa may pulsuhan ko saka hinila ako papasok sa mansion. Nakaramdam kaagad ako ng kilabot nang nagkaroon kami ng first physical contact ni Quinn. Napansin ko yung kamay ni Quinn, ang payat-payat niya.
Okay, okay. Alam ko na ang sagot sa tanong ko kanina. Oo, shet. Halata yata. Lahat na lang ata napapansin ko na at pinapansin ko pa sa kaniya.
Iniling ko yung ulo ko, pushing the thought aside. Ang ginawa ko na lang ay nagpaka-cool sa harap ng mga tao dito sa loob ng mansion by... Uhm, I don't know... Applying the bad boy look. Sana umepekto.
"Quinn!" nakarinig ako ng boses ng babae sa malayo. Napatigil si Quinn sa paghila sa akin tapos binitawan nya na rin yung pulsuhan ko, "Quinn, hija!"
Kumaway naman si Quinn sa palapit na matandang babae, "La," bati nito sa babae. Nagbeso-beso sila saglit sa harapan ko, "Good to see you here, lola!" sabi ulit ni Quinn.
Napahagikgik naman yung matanda, "Ay syempre... Aalis na mama mo eh, kaya kailangan nandito ako!" sabi nito. Biglang nag-tama yung mata namin nung matanda kaya napansin niya ako, "Sino ito, Quinn? Kaibigan mo?"
Tumingin sa akin si Quinn na para bang naghehesitate na sumagot. Ngumiti na lang siya tapos binalikan niya ng tingin yung lola nya, "Kaibigan po ni Andre yan, lola."
Tagos sa bone marrows ang sagot ni Quinn. Parang ayaw niya na may koneksyon kaming dalawa kahit acquaintances man lang.
Nagpakita na lang ako ng isang pilit na ngiti tapos inabot yung kamay ko sa lola ni Quinn para makipagkamay, "Kurt Halinas po... Magandang gabi," magalang na pagbati ko sa matanda.
Lalong napatawa yung lola ni Quinn nung nagsalita ako, "Ah, hello hijo. Tara, kain ka. Samahan kita," matapos akong yayain ng lola ni Quinn, hinila na niya ako papuntang kusina para alukin ako ng kung ano-ano sa hapag-kainan. Matapos nun, hindi ko na nakita si Quinn.
Natapos na yung despidida party umuwi akong mag-isa. Naglalakad lang. Hindi ko pa naman alam kung saang lugar ako at ano sasakyan ko pauwi.
Quinn Eliz Arias, hindi lang kita crush, Ikaw din ang sakay ko pauwi ng bahay.
Author's Note:
12/15/2015. This chapter is edited - Gretell ~

BINABASA MO ANG
90 Days With Quinn (Editing)
Roman pour AdolescentsKurt, an average college student, meets someone who unexpectedly changed him to a better person. But can he change her the way she did with him? Ito ang love life na hindi mo inaasahan.