5:58 AM
Sa araw-araw kong paggising tuwing umaga, hindi naging sablay sa pagiging alarm clock ang aso ni Aling Fely sa kabilang bahay. Araw-araw kasi ni Aling Fely pinapalabas ang alaga nyang pusa sa labas para pakawalan saglit sa kanilang paradahan. Si Google, ang askal na alaga nila Aling Fely, naman eh hindi na tumigil sa kakatahol dun sa pusa nila. Nonetheless, salamat na lang sa alaga ni Aling Fely sa paggising sa akin tuwing umaga.
Minulat ko ang mata ko at saktong-sakto na nakaharap ako sa may bintana kaya yung sinag ng araw eh sakto rin sa mata ko. Tiningnan ko naman ang orasan, 5:58 na ng umaga. Mas nauna pa ako nagising kesa sa back-up kong alarm clock na tutunog ng saktong 6 AM. Medyo maaga-aga pa pero okay na rin lang para makapaghanda na kaagad ako kaya bumangon na rin ako sa kama saka kinuha ang tuwalya na nakasabit lang sa sandalan ng upuan ko sa may lamesa para makaligo na.
Heto na naman po tayong lahat. Nasa unang araw na naman ng pasukan.
"Kuya Kurt!" bati sa akin ng isang matinis na boses na galing sa hapag-kainan. Lumingon ako kung saan nanggaling ang boses na yun at doon nakita si Kailey, kapatid ko na nasa ika-apat na baitang pa lang. Kumakain na sya ng kanyang umagahan nung nakita ko sya.
"Good morning," bati ko kay Kailey. Nginitian nya muna ako saka pa lang sya sumubo ng isang kutsara ng kanin at itlog. Umupo ako sa harap nya at kumuha na rin ng isang saging sa may fruit basket, "si mama?" tanong ko kay Kailey.
Saktong-sakto, bigla namang sumulpot si mama galing sa kusina. Nakapang-bihis na sya ng pang-opisina nya at medyo basa pa ang buhok nya, "Ay, anak!" tawag nya sa akin nung makita nya akong nakaupo na sa harapan ni Kailey, "Kurt, patawag nga yung tatay mo, malelate na naman yun." Utos nito. Tumango na lang ako saka pinuntahan ang kwarto nila mama at papa.
"Pa?" tawag ko mula sa labas ng kwarto nila. Nag-aantay ako na sagutin ni papa ang tawag ko sa kanya kaso hindi ko pa rin sya naririnig na magsalita kaya pinasok ko na ang kwarto nila. Bumungad sa akin si papa na naka-nganga habang sya ay natutulog pa, "Pa!" sabi ko ng medyo malakas para magising na siya. "Gising na!" Tawag ko pa ulit sa kaniya. Niyugyog ko pa nga siya saglit bago nya minulat ang mata nya.
Humikab sya, "Anong oras na?" Sabay unat ng katawan.
Tiningnan ko phone ko, "6:23 na."
Agad-agad na napabangon si papa mula pagkakahiga. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. "Anak ng tinapa!" Sabi niya, sabay hagis sa kumot at nagmadaling pumasok sa loob ng kubeta. Napailing na lang ako, tapos lumabas na rin ako ng kwarto.
Pagkabalik ko sa hapag-kainan, tapos na si Kailey kumain. Si mama naman eh hinahandaan na si Kailey ng baon. "Kurt, anak?" tawag na naman sa akin ni mama, "Sasabay ka na ba sa amin ng ading mo? Aalis na kami."
Tumango na lang ako at hinantay sila sa labas ng garahe.
~
"Kurt!"
"Kurt!"
Isang mababang boses ang naririnig ko mula sa malayo habang nakapila ako sa admin para kunin yung flowchart ng course ko. First year college pa lang ako sa kursong Communication Arts.
Nilingon ko kung sino yung nagtatawag sa akin. Nakita ko na isang matabang lalaki na tumatalbog papalapit sa akin, "Kurt!" sigaw pa nya ulit sa pangalan ko. Hinihingal na sya nung nakalapit sya sa kinatatayuan ko.
"Uy, pre! Musta na?" bati nito sa akin sabay pakikipag-appear sa kamay ko. Nakipagtitigan muna ako sa kaniya saglit. Hindi ko kasi makilala mukha niya tapos kilala niya ako. Medyo nagulantang ako ng sa presensya niya.
In all honesty, naweirduhan ako sa kaniya. "Uhm, I don't think I ever catch your name," I told him politely.
Napahawak naman sya sa dibdib nya kaagad sabay nag-drama sa harapan ko, "Ouch, pre! Di mo na ako kilala?" Hindi ako nakasagot kaagad, "Iba na talaga kapag nakapunta na ng states! Kinakalimutan na ang mga poorita dito sa Pilipinas!"
Paano nya nalaman na pumunta kaming States? "Look, I'm sorry if I---"
"Ang nanay ko... Bow," Yumuko sya at umasta na para bang tumutula, "Ang nanay ko ay maganda... Mabait at masipag," sabi nya na nasa tuno ng pagtutula. Iniling ko ang ulo ko kasi hindi ko talaga sya kilala o natatandaan. Napansin nya na siguro yun kaya napatigil siya sa pag-aarte sa harapan ko, "Tangina, pre. Si Andre 'to! Magkaklase tayo nung elementary!"
Elementary?
"Andre?" sabi ko nang may naaalala na ako tungkol kay Andre nung elementary pa ako, "Andre Botchog?"
Tumalon naman si Andre sa tuwa sabay tumingin sa itaas, "Lord, thank you po!" Naihampas pa niya balikat ko sa sobrang tuwa niya. Masakit. Ang bigat ng kamay niya.
"Buti naaalala mo pa ako!" Sabi ko. Ngayon ko pa lang naaalala ang mukha ni Andre habang tinititigan ko siya ng matagal. Oo nga, si Andre Botchog nga ito nung elementary. Nag-iba hitsura ng mukha niya... Mas lalong naging bilog yata.
"Oo naman!" Sabi nya habang nagkakamot siya ng tiyan, "Nakita ko ang post mo sa facebook na dito ka papasok sa Galileo Academy," itinaas nya ang kamay nya na para bang ang saya-saya niya na nasa iisang university lang kami. Ang ikinalito ko naman, friend ko pala siya sa Facebook? "Yes! Hindi ako loner dito!" Dugtong pa niya. Natawa na lang ako, "Anong ginagawa mo dito, Kurt?"
Tiningnan ko yung pila na pinipilahan ko, hindi pa rin kami nausad pasulong, "Kukuha ako ng flowchart eh...Ikaw?" tanong ko naman sa kaniya.
Tumingin naman sya sa kaliwa at kanan bago niya sagutin ang tanong ko, "Hinahanap ang canteen,"
~
Saktong-sakto, pagkapasok ko ng room, kakapasok rin lang ng professor. At dahil late na rin ako nakapasok, yung unahan na upuan na lang yung bakante. Dun na lang ako napaupo at hinantay ang sasabihin ng prof sa amin.
"Okay, good morning class," sabi ng prof sabay ngiti sa amin, "Welcome to Management Concept," pagkabitaw niya sa bag nya may kinuha sya sa desk nya saka isang ballpen, "Before I start any further introduction, let me do this quick roll-call."
Medyo nasa kalagitnaan pangalan ko kaya hintay-hintay muna ako.
"Arias, Quinn Eliz?" tawag ng prof.
"Present," isang mahinhin na boses ang narinig ko mula sa gilid ko kaya napalingon ako kung sino.
And I swear, biglang tumugtog ang Treasure ni Bruno Mars as a background music.
AUTHOR'S NOTE:
12/15/2015. This chapter is edited - Gretella~
BINABASA MO ANG
90 Days With Quinn (Editing)
Teen FictionKurt, an average college student, meets someone who unexpectedly changed him to a better person. But can he change her the way she did with him? Ito ang love life na hindi mo inaasahan.