[ 68 ] Days With Quinn

24.2K 439 17
                                    

Hindi ko rin paminsan maintindihan ang sarili ko. Ang bigat kasi ng loob ko nung umalis kaagad ako sa bahay nila Andre nung dumating si Quinn kahapon. Napaisip ako kung bakit ko ginawa yun. Siguro kasi medyo malungkot pa rin ako sa nangyari sa aming dalawa dun sa mall. Na para bang itinataboy nya ako. Eh halata namang lagi naman akong nariyan para sa kanya pero pilit pa rin nya akong inilalayo sa sarili nya. O baka naman kasi naduduwag ako? Kung bakit ako naduduwag, hindi ko din alam.

Nakahiga na lang sa kama. Wala sila mama, papa at si Kailey. Binisita nila sina lolo sa probinsya. Ako naman eh nagpaiwan na muna kasi may gagawin kami sa Creative Writing at Philosophy. Di ako pwedeng lumiban ng klase. Kaya naman ngayon eh ako'y isang dakilang tambay sa loob ng 3 araw.

Nakatitig lang ako sa kawalan, iniisip kung ano nga ba ang dapat kong gawin kay Quinn. Dapat bang ilapit ko pa rin ang sarili ko sa kanya? O lumayo na lang kasi yun ata ang gusto nya. Pero hindi ko naman magawa yun. Ba't ba ang gulo-gulo at ang labo-labo ko? Quinn, ano ba kasi ang epekto mo sa akin at parang naloloka na ako.

Nakakatawang isipin na ako yung patay na patay sa kanya, not the other way around. Eh bigla naman akong napaisip, ano naman ang magiging dahilan ni Quinn na maging patay na patay rin sya sa akin? Eh isa lang naman akong lalaki na mahilig sa computer games? Ano naman ang laban ko kay Chester?

Napatigil ako sa pagmumuni-muni, naririnig kong nagriring yung phone ko na naka-charge dun sa gilid ng kwarto ko. Napalingon ako sa nailaw na screen. Sino naman kaya ang tatawag sa akin sa oras na ito? 2 AM na, madilim pa ang langit.

Bumangon ako at inabot ang phone ko. Isang unknown caller ang nakaregister sa screen ko. "Hello?" bati ko dito.

Maingay yung kabilang linya. Malakas na tugtugan saka nag-sisigawan na tao sa background. [K-Kurt?"]


Biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa phone ko nang mamukhaan ko kung kaninong boses yun, "Quinn?"

[Kurt... Haha! Ikaw nga ito! Haha! Ang galing... Ba't meron akong number mo?] lasing na si Quinn. Tsk, ano na naman ang pinag-gagagawa nito?

"Quinn, asan ka? Pupuntahan kita,"

[Kurt... I am so sorry,] napatigil ako nang humihikbi na si Quinn sa kabilang linya, [W-will you... Kurt! Sorry na oh,]

Naguguluhan ako sa sinasabi ni Quinn, "Nasan ka? Pupuntahan kita," sabi ko ulit sa kanya. Agad na akong tumayo at nagpalit ng maisusuot. Wala yung sasakyan nila papa kaya mukhang maglalakad na yata ako papunta sa kung saan man si Quinn ngayon. "Quinn? Quinn?"

[Hello?] biglang naiba ang boses. [Is this Kurt?] boses bakla.

"Oo! Oo, ako nga ito. Asan si Quinn?" tanong ko na naman sa kanya.

Binigay naman sa akin yung lugar kaya nagmamadali rin akong nag-commute papunta sa bar na kung saan si Quinn. Medyo may kalayuan pero kelangan ako ni Quinn. Kahit madaling araw pa lang, pupuntahan ko si Quinn. Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng pag-ibig. Kahit sa ganitong oras, kapag kelangan ka, handa ka namang tumulong para sa kanya.

Nang marating ko na yung bar. Nakita ko si Quinn na nakaakbay dun sa isang bakla na kasama nya, "Anong nangyari sa kanya?"

"Boyfriend problems, eh" sagot naman ng kasama ni Quinn, "You're Kurt right?

Napatango ako sa tanong nya.

"You are one lucky bastard," sabi nya.

Nalito ako sa sinabi nya, "Ha?"

Hindi na nya pinansin yung sinabi ko, inabot na lang nya si Quinn sa akin na napagewang-gewang na kahit nakatayo lang. Inabot ko naman si Quinn at agad kong naamoy sa kanya ang alak at amoy suka rin sya. "Paano ba nakapasok itong si Quinn dito sa bar na ito?" tanong ko dun sa kasama niya.

"Kasama nya ako kaya nakapasok yan..." sabi nya, "Iuwi mo na yan. Salamat," tapos umalis na sya.

Tiningnan ko naman si Quinn, "Asan ang sasakyan mo?"

To my surprise, nasa tamang pag-iisip pa naman si Quinn kahit papaano kasi naibigay nya sa akin yung susi ng sasakyan nya. Kinuha ko naman ito para maiuwi na sa kanya,

Pagdating ko sa bahay nila, dahan-dahan kong inilapag si Quinn sa kama nya. Hindi ko nga alam kung ano ang dapat na gawin sa kanya. Kumuha na lang ako ng maliit na lalagyan na may malamig na tubig saka bimpo at ipinamunas ito sa kanya.

Ano naman ang nangyari sa kaniya nila Chester at nagkakaganito sya? Parang kelan lang eh ang sweet nila tapos ngayon naman eh, wala na.

"Kurt," sabi ni Quinn, pero nakapikit sya.

Hindi ako sumagot, tiningnan ko lang sya.

"You're right... I'm not happy," bulong nya. Matapos nyang sabihin yun, deretso na rin syang nakatulog.

Bumaba na ako sa may sala nila at doon na muna ako nakihiga. Aantayin ko na lang si Quinn hanggang mamayang umaga.

90 Days With Quinn (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon