[ 67 ] Days With Quinn

22.8K 462 9
                                    

Matagal-tagal ko ring hindi nakakausap si Quinn kaya kating-kati na ako na makita at makausap sya kahit saglit. Kaya naman, naghanap ako ng mga paraan na pwede syang makita na hindi mahahalata na yun ang intensyon ko. I mean, hindi nya dapat malaman na sabik ko na syang makausap at makita na naman kaya pumunta ako sa bahay nila Andre.

Kunwari makikilaro ng Slenderman pero ang totoo eh nagbabasakali ako na nandito si Quinn sa kanila.

At syempre, dahil minsan malas ako, wala si Quinn dito ngayon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na itanong sya sa pinsan nya, "Andre?" tawag ko sa lalaking katabi ko ngayon. Busy sya sa paghahanap ng ika-apat nyang note sa may forest.

"Hmm?" he mumbled.

"Kamusta na pinsan mo?" I casually asked him, hindi naman nya siguro mahahalata na sabik akong makita si Quinn kasi busy sya sa paglalaro ng Slenderman.

"Minsan na lang pumunta yun dito. Kasama na naman nya yung hinayupak na yun. Jusko, ang gugulo talaga nang mga babae ano? Ngayon, iiyak kasi nasaktan sila ng boyfriend nila. Maya-maya naman eh makikita mong masaya na naman sya kasi kasama nya yung lalaking nakasakit sa kanya. Ano ba talaga? Di ba?" paliwanag ni Andre sa akin. Partida, busy pa yan sa kakalaro kaya namangha ako sa sinabi niya.

Maya-maya na lang eh nakarinig kami ng mga yapak mula sa ibaba. Nang tiningnan namin kung sino, nakita ko si Quinn. Imbis na maging masaya ako kasi nakita ko na sya ngayon, eh medyo na-down pa ako. Di ko rin alam kung bakit pero yun ang naramdaman ko.

Siguro naalala ko na naman ang pag-iwan ko sa kanya sa mall.

"Hi," bati nya sa akin.

Tumango lang ako sa kanya tapos nagtitigan kami saglit. Habang tumatagal ang kakatitig ko kay Quinn, hindi ko maiwasang maikumpara sya sa dating Quinn na nakita ko nung first day of class. Yung Quinn noon eh parang walang pakielam sa kung ano man ang sabihin sa kanya ng iba. Pero yung Quinn ngayon, nawala na yun.

Napailing na lang ako. HIndi ko kayang makita si Quinn ng ganito, "Andre!" tawag ko, "Aalis na ako... Hinahanap na siguro ako ng mama ko," I lied.

Gusto ko lang makalayo saglit sa kanya. Time first ika nga.

90 Days With Quinn (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon