[ 15 ] Days With Quinn (Edited)

38.3K 572 26
                                    

Sabihin na lang natin na medyo boring. Medyo walang kulay. Walang kathrill-thrill ang buhay ko for these past few days. Siguro na-hassle rin ako dun sa mga requirements ko at saka ibinuhos ko na lahat ng buhay ko sa pag-aaral kaya wala masyadong nangyari sa akin. Except sa mga oras na kasama ko si Andre sa library o di kaya'y sa canteen kapag parehong vacant namin. Si Andre eh nasa business course pero medyo maluwag-luwag ang schedule niya kaysa sa akin.



At ngayon naman, hindi na nakakagulat, nandito ako sa harapan ng klase at kunwaring nakikinig sa professor. Basic math ang tinuturo nya, tsk, wala yan sa akin. Nagawa ko na yun nung fourth year eh. Hindi naman sa pagmamayabang pero sino ba naman ang mahihirapan pa sa polynomials? I mean, naka-graduate ka ng highschool, kahit yung simpleng points lang sa polynomials eh dapat alam mo na.



Bago pa man makapagsulat pa si Sir Plaza ng panibago pang example sa whiteboard, saktong isinigaw ng isa kong kaklae na upper class na tapos na yung oras, kaya malaking pasasalamat ko kay Ate Zac at sinabi nya yun kay Sir Plaza kundi mag-oovertime na naman kami.



Lahat kami eh nagsilabasan na at medyo kakaunti na lang ang tao dito sa hallway. Paano ba naman kasi, yung section lang namin sa Basic Math ang may klase ng 6 PM hanggang 7:30 PM. Nakakabadtrip lang ang schedule. Medyo nagtagal pa ako ng kaunti kasi hinabol ko pa sa library yung hiniram kong libro ng Guinness Book of Records kaninang umaga. 


Late na nga ng uwi tapos nadagdagan pa ng medyo creepy effect yung kabilang wing ng university kasi wala ng ilaw dun tapos naglalakad pa ako mag-isa. 



"Fuck you, Chester!" isang matinis na boses ang narinig ko mula sa pinakadulong lugar ng building. Medyo nagulat pa nga ako eh kasi akala ko ako na lang ang tao tapos may maririnig akong iba pang boses dito.


 "I can't fucking believe it!" sigaw pa nung babae.



"Anong akala mo sa akin?" May narinig akong lagabag sa malayo, "Akala mo mababago mo ako?!" mas lalo pang malakas yung boses nung lalaki dito, I assume na si Chester iyon.



Kung tama ang memory ko, si Chester ay isang engineering na upper classmen na punong-puno ng tattoo tapos matipuno ang katawan, napaka-striking ang buhok dahil naka-ayos ito nang paitaas tapos kulay brown, yung pang-jeje na kulay.


Ano na naman ang meron kay Chester? At sino yung babae na kaaway niya?


"Tangina, Quinn!" napatigil ako sa paghinga nang marinig ko yung pangalan.


 Si Quinn. Si Quinn yung naririnig ko kanina na ngayon eh nahikbi na.



"Layuan mo nga ako! Putangina!" sigaw ulit ni Quinn pero may hagulgol nang kasama.



Wala akong naririnig na sagot mula kay Chester.



"Ano ba?!" sigaw ulit ni Quinn.



Nakaramdam na kaagad ako ng pangamba sa lakas ng iyak ni Quinn. Nung una medyo tulala pa ako kasi hindi ko alam kung ano gagawin ko pero unang pumasok sa isipan ko ay si Quinn.


Hanapin ko dapat si Quinn.




Patakbo akong pumunta sa direksyon kung saan ko naririnig yung ingay hanggang sa nakarating ako sa pinakadulo, sa may locker areas. 


Ikinagulat ko kung ano yung nakikita ko.


Pilit na idinidiin ni Chester ang sarili niya kay Quinn habang tinutulak na siya papalayo ng babae. Halata sa mukha ni Quinn yung takot, halata naman sa mukha ni Chester yung pagnanasa.


Nagtama ang tingin namin ni Quinn. Kitang-kita mo sa mata nya ang pagkadesperado na gusto niyang makawala sa matinding hawak ni Chester, "Kurt!" sabi niya, pero medyo mahina na lang iyon kasi namumuo na yung mga luha sa mga mata niya.


Napatigil sa Chester sa ginagawa niya, "Wag kang mangielam dito, pre, kung ayaw mong masaktan!" Pagkasabi niya nun, tumingin siya ulit kay Quinn, "Siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit?!" sigaw nito kay Quinn.



Walang imik si Quinn, naiyak lang siya. Dahil hindi nasagot si Quinn sa kanya, nainis si Chester at tuluyan nang itinulak si Quinn palayo sa kanya. Then the next thing I knew, tumama ang ulo ni Quinn sa mga lockers.



Uminit bigla ang dugo ko. Anong klaseng hayop to? Nanunulak ng babae? Tangina, mas bakla pa siya kaysa sa pinapanuod kong mga palabas sa TV eh. Wala ng sali-salita pa, wala na akong ginawa kundi sinugod siya at sinuntok ito sa panga niya. Hindi ko na idedeny na nakatanggap rin ako ng ilang mabibigat na suntok mula sa kaniya. Halatang sanay makipagsuntukan itong hayop na to kasi lahat tumatama. Matindi! Sa may tiyan at pisngi ko ako tinatamaan pero nakabawi naman ako kaagad. Nabigyan ko si Chester ng upper cut, left at right hook nang sinugod ko sya kanina.



Napatumba si Chester at tuluyang pa siyang bumagsak sa sahig habang pinaliguan ko pa siya ng suntok sa mga magkabilang pisngi niya hanggang sa nakakita na ako ng dugomula sa bibig at ilong niya pati na rin sa dalawa kong namamagang kamao.


Nanggigigil ako sa galit. Paulit-ulit kong nakikita kung gaano nasaktan si Quinn kanina.



"Kurt! Tama na!" Hinihila na ako ni Quinn papalayo kay Chester.



Habang nakikita ko si Quinn nang ganito, naiyak at nasasaktan, nanlalambot ako. Napatingin ako sa sitwasyon ko ngayon at narealize na I've gone too far. Napaatras na lang ako at niyakap si Quinn nang mahigpit, "Okay ka lang ba?" bulong ko sa kaniya. Hinalikan ko pa siya sa may noo niya, "Dalhin kita sa hospital, Quinn, pacheck kita sa doktor!" sabi ko sa kaniya.



Umiiling-iling lang si Quinn sa dibdib ko, "Iuwi mo na lang ako, Kurt..." hikbi pa nito. Tiningnan ko sya ng deretso sa mata niya, she won't meet my gaze, kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at pinilit na tingnan siya sa mata. "Are you sure?" Tanong ko.



She nodded her head, "Okay lang ako. Please... I just need some rest..."



Hindi na ako umimik pa kasi hinila na ako ni Quinn palabas ng school at ako na ang nag-drive papunta sa bahay nila.



Author's Note:

12/15/2015. This chapter is edited - Gretell ~



90 Days With Quinn (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon