Fresh Start

3 0 0
                                    

Patricia's Pov

Nagising ako sa ingay ng mga kapitbahay namin na nagvi-videoke.Lunes ngayon tapos videoke??

Grabe. Pero since mga kamag-anak ko din yang kapitbahay namin. Pagbigyan na sa concert of the year nila.

Marami akong lugar na napuntahan dahil isang pastor ang papa ko at kahit saan siya idistino sumasama kami ni mama at doon ko pinagpapatuloy ang pag-aaral ko.

"Patricia! Bumangon ka na nga. Maaga pa tayong aalis may klase pa ako mamaya"

At yan ang mama ko. Masungit yan minsan pero isang lambing ko lang agad solb na yan.

Wala si papa dito kasi napagdesisiyonan ni mama na isama muna ako dito sa probinsya nila at si papa naman naiwan mag-isa dun sa Aklan.

Ayy, sorry. Nakalimutan kong ipakilala ang sarili ko. I'm Patricia Mendoza anak nang aking mga magulang. De joke. hehe*^▁^*.
Ang name ni papa ay Raphael Mendoza si mama naman ay Christina Mendoza.

Hahaha. Oh kilala niyo na? Isa akong babae na naniniwala sa FOREVER. Kahit na puro bitter ang mga kasama ko. Optimistic lang kasi ako. May nakapagsabi nga "A negative mind would never give you a positive life"
Lahat din nang babae alam kong mahilig sa Fairytale mahilig magpantasya ng mga happy endings nila...

"Patricia ano ba?? Nananaginip ka pa ng gising? Ubusin mo na nga yang pagkain mo at malelate na ako!"

Yown. Nasobrahan ako sa kakakwento. Hahaha. Basta alam niyo na un.

So First day of school ko dito sa San Andres National High School. SANHS for short.

Nakakakaba ibang linguahe ang gamit nila.
Pagpasok ko syempre wala akong kakilala. What do you expect? Transferee ehh. Pero ok lang sanay naman ako na transfer ng transfer. Friendly naman ako kaya walang kaso sakin.

Masaya din naman yata dito . Enjoy ko din ang kaingayan dito kasi naman
Maingay din ako. Haha Hindi ko lang pinapahalata kasi. Perst Day palang haha. Behave daw muna si ako.

Nakilala ko ang kaibigan ko na si Stephanie Perez.
Kasabay ko siya kumain lagi. Haha. Medyo masungit din naman siya.

"Patricia. Bilisan mo ngang bumili? Pili ka ng pili wala ka namang nabibili! Nagwiwindow shopping ka ba? Hindi to mall no"
-Steph

"Hindi ba pwedeng di lang makapili?? Pinapairalan mo ako jan ehh"-Ako

So yun nga . Naging close kami at naging partner in crime.
I'm Enjoying SANHS. Ganito kasi talaga ako. Andali kong masanay sa mga ibat ibang gawi at kultura ng mga tao. Pero madali din akong magsawa.
That's my nature.

*After a Month*

Now reader's I want you to meet my circle of friends.
Si Stephanie ang BESTfriend ko.Payatot, Maldita,maganda hwahaha. Malaki eyebags. Ayy. peace. hehe. Flat chested. Lol. Flat pa si nose. Pero maganda..

Si Cheska ang kaibigan naming napaka puti na maraming freckles sa mukha.
Nagtaka nga kami kay Cheska kasi lahat ng kapatid niya moreno siya lang ang amerikanang hilaw sa kanila.

Si Rendellyn ang pinaka Kikay sa grupo at pinaka maganda na din.Matangos ang Ilong magandang mga kilay. Mahabang mga pilik mata. Cute na ngiti. May lahi siyang Malaysian doon nakatira ang father niya na hindi niya pa alam kung alam na nito na nage-exist siya.

Ang barkada namin ay sobrang puno nang tawanan,dramahan at hindi nauubusan nang kwento. Lahat kami may pagkakaiba pero nagiging isa. Kasabihan namin walang iwanan. pag may nadapa na kaibigan ganito ang eksena.

Steph: nagkwekwento ng biglang nadapa.

Cheska,Rendellyn&Me: Mapapatingin. Magkakatinginan sabay tatawa nga. HAHAHAHAHAHAHA. Katangahan nga naman.

Me: Ano yan PDK?

Sila: Tumatawa at napa'huh'?

Me: Public Display of Katangahan?

*Haha. at syempre tinulungan na namin sa gitna ba naman ng school ground nadapa*

Dun nabuo ang Friendship Dictionary namin. Ang unang word eh PDK.
Motto din namin ang motto ng lahat ng magbabarkada. 'Walang Iwanan' Kahit saan magpunta magkakasama kami hindi kami nag iiwanan. Lalo na sa height. Oo sa height. Mga pandak kami. Lalo na ako. Haha. Pero ayos lang bawing bawi naman kami sa mukha. (A/n:Choss.. wag ng kumontra. hehe)

Ako ang masasabing Medyo matalino sa kanila dahil top 7 ako. Top 10 si Stephanie at wala ng top ung dalawa. Nasa Cream section kami kaya lahat naman kami matalino.

May mga nagsasabi na maganda din naman ako, Chubby, Morena, Cute, Mabait(depende sa ugali ng kausap ko) ,Maldita(Lalo na pag pagod at sa mga bastos na Lalaki). Palangiti ako.

Palatawa in short Mababaw ang kaligayahan. May ibang naiinis sa kakatawa ko mayroon namang nahahawa.

Maingay din ako. Sobrang ingay.

Ang sigaw ng mga kaklase ko. Normal na pagsasalita ko palang. Haha. Hindi ko alam kung nakalunok ako ng amplifier noong bata ako para maging ganun ang boses ko.

Masaya ang pamilya ko,Hindi pa sila nag-aaway na may halong sakitan.
Namumuhay kaming simple.

Mas priority namin ang mga kailangan kaysa sa mga walang kwentang bagay bagay.

Gusto kong ikwento ang pagsisimula ng buhay ko dito sa SANHS.

Kung saan mararanasan kong magmahal, masaktan, matuto, magpatawad, umiyak,tumawa,maging malungkot at maging masaya.

High school life. Kung saan makakaranas ka ng mga pangyayari sa buhay na doon mo lang mararansan. At nagsimula iyon sa araw na to.

And I remembered how it started. When my Single for Life motto ended.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nagustuhan niyo ba ang simula??
Please click vote. Comment na din para naman maganahan ako.*^▁^*

Super thank you sa pagbabasa. Sana subaybayan niyo pa.
Leave a comment↓

Lovelots,
Bea Grace

True Love Waits.( An Epic LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon