Chapter 9: After the Break Up.

1 0 0
                                    

Pat's POV,

It's been hours after I texted him and wala pa akong natatanggap na reply from Jason.

Hindi ako nagsisisi na ginawa ko yun.
Pero narealize ko na ang tanga ko. Ang tanga tanga ko at naniwala ako na seseryosohin niya ako. Sa totoo lang, hindi ko alam kung minahal niya ba talaga ako. Basta ako nagseryoso ako.

*Beep Beep*

*1 new message from Jason"

Kung yan ang gusto mo sige. Mas mabuti pa nga siguro na magbreak tayo. Kasi baka masaktan lang kita. Wala kasi akong kwenta. Sana maging masaya ka at makahanap ka nang lalaking para sayo pangs.
Bye.

*End of message*

. Hindi niya na ako pinigilan. Wala na. Then suddenly I have this urge to cry.
I felt unloved. Parang akong isang inosenteng bata na napaglaruan.

Hindi ako naiiyak dahil sa kanya. Dahil sa katangahan ko mismo.

"Insan, May gagawin ka ba ngayon?" Tanong ko kay Kenneth.
Pinsan ko na dito na nakatira sa bahay .

"Wala naman. Punta lang ako kanila Drake mamaya."
sagot niya sa akin.

"May pera ka ba jan?"

"Uhm. Meron." Sagot niya.

"Inom tayo ng Tanduay Ice. Parang gusto ko makalimot. Nagbreak kami."

O_o.. Mukha niya.

"May mali ba sa sinabi ko?" Tanong ko.

"Sigurado ka? Kasi ikaw yung responsable at matalino kong pinsan tapos iinom ka?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"
kibit balikat na sagot ko nalang.

Pagdating namin sa tindahan wala silang tindang Tanduay Ice.

Emperador Light nalang.
Hmm. Mas nakakalasing. Yun nalang siguro.

Habang shumashot kami katext ko si Kendrian.

Nagsisinungaling ako. Pinipilit na niya akong umuwi kaso gabi na.

6 Shots.

" Kuya Kenneth. Nahihilo na ako." Ako.

"Sige uwi na tayo baka hinahanap na tayo. Gamitin mo na yang mouthwash na dala mo at wag ka magpapahalata" sagot niya.

"Ok ka lang?" Paulit ulit na tanong ni kuya kenneth.

"Hahahaha.. Ok lang ako! Ako pa! hahahaha" sagot ko.

"Kinakabahan ako sayo Pat ehh. Basta matulog ka na agad mamaya ha?" pagpapaalala niya habang nagmomotor kami pauwi.

Pagkauwi ko tinext ko agad si kalog na nakauwi na ako.

*Riiiing riiiing*
Chineck ko cp ko. Hihi.
'Kalog <3 Calling'

"Hello!" hyper na bati ko kay Kendrian.

" Nakauwi ka na kalog?" tanong niya.

" Hehehe! Opo! kanina pa po!"
Sinilip ko si mama. Nasa labas siya.

" Ok ka lang?" Tanong niya.

" Oo! Ok lang po ako." Sagot ko

" Sige kalog. Magpahinga ka na. Sa susunod wag ka ng magpapagabi. " paalala niya.
Halata mong concern talaga siya. Oo alam ko na may gusto siya sa akin. Pero imbes na iwasan ko siya.
Kinaibigan ko pa.
Naawa siguro ako sakanya kasi nasasaktan ko siya. Kaya all I can offer is Friendship.

"Hindi naman ako ginabi Masayado kalog ehh. 8 Palang naman at isa pa kasama ko naman si Kuya Kenneth" ako.

"Kahit na kalog. Hindi maganda sa babae ang lumalabas sa gabi." siya.

"Oo na po kalog. Sige na Goodnight."

"Goodnight"

*Beep beep*

"Uminom ako kalog"- ako

*Riiing Riiing*

"Anong sinabi mo?" Siya

Hindi ko na mapigilan naiyak na ako.

"Kalog. Ang sakit kasi sa pakiramdam *huk *na pinaglalaruan niya ako. Bakit ako pa? Ako na nanahimik *Huk* at walang ginagawang masama. Papasok siya sa *huk* buhay ko para paglaruan at saktan lang ako. *huk huk* T_T"
pagsusumbong ko.

"Kalog. Tama na po. Wag ka na umiyak." siya

Nahihilo na ako pero di parin matigil ang pag-iyak ko. Ganito ba pag lasing? Nailalabas mo ang damdamin mo. Mga hinanakit mo nasasabi mo.

*Kinabukasan.*
Naisip ko agad si Kendrian
*Riiing Riing*

"Kalog? Anong nangyari kagabi?"
Pambungad ko pagkatapos ko mag goodmorning.

"Uhm. Umiyak ka." siya

"Huh? Bakit?" ako. Wala akong masyadong maalala ehh.

" Iniyakan mo yung ex mo." siya.

"Ganun ba? Sorry ha ? Di ko kasi matandaan ehh. Sorry baka kung ano-ano pinagsasabi ko kagabi." Ako

"Ok lang kalog. Basta wag mo na uulitin yung ginawa mong pag-inom" siya.

" Opo, sorry po kuya" ako

"Wag ka na din iiyak dahil sakanya" siya

" Opo kalog."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ano tingin niyo guys? Mahal ba ni Pat yung ex niya o hindi?

Comment and Vote po.^_^

Lovelots,
Bea Grace

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

True Love Waits.( An Epic LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon