"Hi Ms. Alexander"bati sa akin nung teacher. Nag-bow ako sign ng paggalang. Ginagalang ko ang mga guro pwera lang sa mga estudyante. Pagpasok ko sa room ay umupo ako sa pinaka dulong upuan.
"Uy!"anak ng tokwa! Nagulat ako dun ah. Napahawak ako sa dibdib ko at tumingin sa nang gulat sa akin.
"Punyeta kang Matthew ka! Bat ka nanggugulat?" Sabay batok ko sa kanya. Bestfriend ko magmula nung binugbog namin yung sira ulong leader ng gang sa school namin.
"Sorry naman Boni. Masaya lang talaga ako ngayon"saka siya sumandal sa arm chair niya.
"And so? Kailangan manggulat?"sabay tingin ng masama sa kanya.
"Sinagot na kasi ako ni Marga. You know? Yung cheerleader? Yung Bff ng ate mo? Yung lagi nating nakikita sa cafetiria?"daldal nito. Tumahimik nalang ako. Medyo crush ko kasi si Matthew. Medyo lang naman. Nalungkot ako ng kento. Walang forever.
"Bitter mo bess"sabi ni Matt. Napalakas yata sabi ko sa utak ko. Hahaha.
Pumasok na sa room yung teacher namin/adviser. Katak siya ng katak blah blah blah hanggang sa may bumukas ng pinto na napaka lakas na parang naghahamon ng away. Pagkakita ko kung sino ang nagbukas ay napairap nalang ako. Leader daw siya ng Black Tiger. Pinaka nakakatakot na gang sa Xander High.
"Uy? Bess siya si Shawn Zachary Mendez. Pinaka nakakatakot na Leader ng gang sa campus"bulong sa akin ni Matt. Pinapanood nalang namin siyang umupo. Kahit yung teacher namin natatakot sa kanya. My gawd. Sa kaliwa ko siya umupo. Anong trip nito.
"Pwede naman siguro dito diba?"sabi niya at sumandal sa upuan niya.
"Eh? Pake ko? Upuan mo yan"atyaka ako umirap.
"Sungit"atyaka niya dinukdok ang ulo niya sa armchair niya.
*Cafeteria*
Naupo nako sa may dulong bahagi ng cafeteria at nagsimula ng kumain. May biglang tumabi sa akin. Hindi ko siya tinitignan dahil naka cup ako. Weird na kung weird wala akong pake.
"Hoy! Panget! Bakit mag-isa ka dito" Tinaas ko ng konti ang cup ko para makita ko kung sino ang nagsalita. Tae yung leader nanaman ng Black Tiger.
"Hoy! Mas Panget! Bakit moko sinusundan ha?"atyaka ko pinagpatuloy ang kinakain ko.
"Sinusundan mo mukha mo. Wala ng vacant chair oh"atyaka niya tinuro ang paligid. Diba may kapangyarihan siya dito sa school bat hindi niya paalisin mga pesteng yan? Aish!
Agad kong tinapos ang kinakain ko para makaalis nako sa kinakaupuan ko. Hindi ako sanay na may kasabay. Kahit nga si Matt hindi ko kasabay kumain kasi kasama niya ung mga Chearleeders. Oh! World! Mabilis akong naglakad papunta sa teritoryo ko ng biglang nag text si Lolo Pa.
[Magkita tayo sa office ko ngayon din Boni]from:Lolo Pa
Nagmadali akong pumunta sa parking lot para makapunta nako agad sa office ni Lolo Pa. Pagsakay ko sa kotse ko ay pinaandar ko ng mabilis. Supt supt ko parin ang cup ko at nag shades narin ako para walang makakilala sa akin sa labas. Baka dumugin nanaman ako ng mga reporters. Huhu. Ayoko ng interview.
Tinext ko si Ninang Principal para sabihin na pinapunta ako ni Lolo Pa sa office niya para ma-excuse ako sa mga subjects na naiwan ko. Pagkapasok ko sa elevator may nakasabay ako na lalake. Naka suit siya pero naka shades. Pinindot ko ang 15th floor pero siya hindi pumindot. Tinignan ko siya mula sa peripheral vision ko. Matangkad siya, matikas, maputi, at gwapo. Yuck! Anong pinag-iisip ko. Pagtunog ng elevator lumabas nako.
"Nice suit ha? Uniform, Cup, shades, jacket with combat shoes. Tibo ka ba?" Sabay tawa pa nung lalaking nakasabay ko sa elevator. Aba takte to ah.
BINABASA MO ANG
Mapaglarong Tadhana
Teen FictionNapaka mapaglaro talaga ng tadhana. Mahal mo siya may mahal siyang iba. Mahal ka niya may mahal kang iba. Pwedeng kung sino na lang ang gusto mo siya na lang din magkagusto sayo