Tadhana 16

2 0 0
                                    

Boni's POV
Nakakainis. Wala akong nagawa kanina. Wala akong nasabing tamang salita na sasabihin sa kanila. Tama lang ba na nanahimik ako.

"Uy! Boni yung boyfriend mo nakikipagsuntukan sa hallway"sabi nung isa sa mga classmates ko.

"Sino sa kanila?"hala! Nadulas ako.

"Shunga! Syempre si Tyler! Nakikipag suntukan siya kay Papa Zawn ko"maka papa to ah. Hoy boyfriend ko yun, uy! Oh-wa! Boyfriend ko yung dalawang nag-aaway! Nagmadali akong tumakbo papunta sa hallway at nandun nga sila.

"STOP! STOP THIS!" Awat ng isang teacher. Nagsidatingan na din ang mga guards.

"Bakit ba kayo nag-aaway?!"sigaw ni Sir.

"Sinulot niya kasi yung girlfriend ko sir!"sigaw ni Tyler. Uh-oh ako ba yun?

"Tanga! Ako mahal niya!"sigaw naman ni Zach.

"Walanghiya ka! Parang hindi tayo mag pinsan! Sinulot mo talaga siya!"sigaw ulit ni Tyler at nagpupumiglas siya sa hawak ng mga guards sa kanya.

"Uy! Boni, ang swerte ng pinag-aawayan nila no?"sabi sa akin ni Xandra. Nasa tabi ko na pala siya. Tumango na lang ako.

"Sino ba pinag-aawayan niyo?" Tanong ni sir.

"Si Boni po"sabay nilang sabi. Napapaatras ako. Tawa lang ng tawa si Xandra.

"Wala kang sinasabi ha? Pati pala si Zawn boyfriend mo. Hahahaha. Mas gusto na kita ngayon sister. Hahahaha"wow, ang lupit ng kapatid ko *babalu*

"Boni, come here"nakatingin na pala silang lahat sa akin. Naglakad ako ng dahan dahan.

"Sino bang nauna sa inyo?"tanong ni sir.

"Huh?"tanong ni Zach.

"Sinong unang sumapak?"tanong ulit ni sir.

"Siya po"sabay nilang sabi.

"You! Three! Go to my office! Now!"hala! Pati ako.

"Bakit ba kasi nag-away?"tanong ko habang naglalakad kaming tatlo papunta sa office ni Sir. Nakapagitna ako sa kanila kasi baka mag-away ulit.

"Don't leave me Wifey. I need you"pagmamakawa ni Tyler sa akin. Hinawakan ni Zach ang kamay ko. Kahit hindi niya sabihin alam ko kung ano ang gusto niyang sabihin.

"Tignan natin"sabi ko at pumasok na kami sa office ni Sir.

"Sit down"umupo silang dalawa pero magkaharap. Hindi ako umupo sa tabi ng sinoman. Kumuha ako ng monoblock para dun umupo.

"Bakit ka nandyan?"tanong ni Tyler.

"Sit here beside me"sabi naman ni Zach.

"Stop. Papagitna ako"mataray kong sabi. Natawa naman ng mahina si Sir. Love affair kasi ang peg eh.

"Okay, ikwento niyo ang nangyare sa akin kung bakit kayo nag-away"mahinahong sabi ni Sir. Siya nga pala yung guidance president namin.

Tyler:"kasi siya sir mangaagaw siya!"

Zach:"never in my wildest dream ako nangagaw ng girlfriend. Ang alam ko kasi ako yung totoo niyang mahal"

Tyler:"paki ko sayo. Paki ko sa pag-ibig mo"

Zach:"paki ko rin sayo. Paki ko sa gang mo. Alam ko mas malakas ang black tiger sa red dragon"

Tyler:"hoy! Excuse me! Ang paggkakaalam ko pinakamalakas na gang ang red dragon!"

Zach:"pagkakaalam mo lang yun! Tanga!"sigaw lang sila ng sigaw. Sabay sabay pa silang nagsasalita. Nakakarinde na ah.

"Shut up the both of you! Why don't you give respect to our guidance president! Kapag ako nainis lilipat ako sa Arturio High. Don't dare me"galit kong sigaw sa kaniaa. Nanahimik naman sila.

"Haha, okay, calm down. Ikwento mo sa akin Boni kung sino talaga ang boyfriend mo para maliwanagan"sasabihin ko ba talaga sa kanila. Si sir ang nagutos kaya kinuwento ko na.

"Aba! Nakita mo Tyler? Ako yung tunay na boyfriend"sabi ni Zach.

"But Wifey?"parang may luhang nanggigilid sa mata ni Tyler. Nakikiusap ang kanyang mga mata sa akin.

"Makikipag break na ako" 'yes'sabay naman silang sabi "makikipag break na ako sa inyong dalawa. Alam kong mali ang ginawa ko. Mali ang pinasukan kong gulo. Binoyfriend kita Zach kahit alam kong kami pa ni Tyler kahit fake lang. Sorry din Tyler dahil hindi ko inisip ang mararamdaman mo. Makikipag break na ako sa inyong dalawa. Its over. I need to go. Bye sir. Wag niyo na rin po silang dalhin sa detention room. Bye"at tuluyan na akong umalis sa kwartong yon.

Sana tama ang naging desisyon ko. Sana kahit masakit ngayon mawala din ito. Mahal ko silang pareho pero mas mahal ko si Zach. Guato ko lang maging fair sa kanila.

"I'm here"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mapaglarong TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon