Sachi's Point Of View
Paglabas ng magkapatid tinulungan ko si Xandra para maglagay ng gamit niya sa kotse niya."Oh, so you are a friend of my sister ha? Infairness you're cute"sabay wink sa akin. Flirt ba yung ginagawa niya kasi kung oo hindi effective.
"Boni, let's go?"Tanong ko at tumango lang si Boni. Pumasok na ako sa kotse dahil ako ang magda drive.
"Ate sunod ka na lang sa amin ha" sigaw ni Boni at nakita kong sumimangot si Xandra. Gusto ata niya dun ako sa kotse niya sumakay. Siguro kung ako pipili si Boni na lang papakasalan ko kasi mabait siya pero yung Xandra-ng yun. Hay, nevermind.
Pagkarating namin sa tutuluyan naming bahay tinulungan ko ulit silang magpasok ng gamit sa loob. May sari-sarili kaming kwarto. Sa tapat ng kwarto ko si Boni tapos sa tabi ng kwarto ni Boni si Xandra. May dalawa pang kwarto sa baba pero lagyanan lang nila ng damit. Tig-isa sila ni Xandra. Closet daw nila. Kumatok ako sa kwarto ni Boni.
"Pasok!!"sigaw niya.
"Aalis lang ako Boni ha? Kukunin ko mga damit ko sa mansyon namin"paalam ko.
"Pwede ka namang umalis kahit kailan mo gusto. Gagamitin mo ba kotse ko?"sabi niya habang nag-aayos siya ng mga gamit niya.
"Hindi. Kukunin ko kasi yung akin. Sige bye"paalam ko.
"Sige. Ingat!"
Dugdug. Dugdug.
Hala? Ano yun? Abnormal na yung puso ko ang bilis tumibok.
Boni's POV
Linagay ko na sa isang kwarto yung mga computer, piano, guitar, drum, etc. Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ko ay pumunta ako sa kusina para magluto. Wala pa palang laman ang ref. Magkano pa ba yung pera sa wallet ko. Gosh. 10,000 pesos. Sana marami akong mabili dito. Lumabas ako ng kusina at nakita ko sa sala si Ate."Mag-go-grocery lang ako"paalam ko at ngumiti lang sa akin si Ate. Bago ako makaalis ay nagsalita si ate.
"Naghirap na ba talaga tayo Boni?"napa stop ako at lumingon. Linapitan ko si ate at tumabi sa kanya.
"Kung mahirap na tayo ate hindi ganito kalaki yung bahay natin. Mas maliit pa dito. Pansamantala lang naman ito. Kung marunong kang magtrabaho sana tulungan mo kami ni Sachi para matustusan natin ang pang-araw-araw natin"at ngumiti ako sa kanya.
"Ayokong magtrabaho no? Masisira image ko. Paano kung nakita ako ng mga classmates ko or schoolmates natin. Bat kasi nangyare pato eh"at padamog siyang umakyat. Aba! Ugali talaga nito.
------
Pagkauwi ko galing grocery ay linagay ko na agad sa ref yung mga pinamili ko. Namimiss ko na sina Dad at Mom. Nasa Europe kasi sila ngayon may business trip. Lagi naman eh. Sakto naman dumating na si Sachi.
"Nagugutom nako. Tara labas tayo?"tanong niya at umupo sa sofa.
"Magluluto palang sana ako eh pero sige mapilit ka eh. Magbibihis lang ako"at umakyat nako.
Nagpalit lang ako ng damit kasi naka uniform parin pala ako. Nagpantalon ako at malaking t-shirt na color white na plain at nag-cup. Nag robber shoes narin ako. Pagbaba ko nasa sala si Ate at Sachi.
"Tara?"tanong sa akin ni Sachi at tumango ako "Bat ganyan suot mo? Para kang tibo. Okay ka lang ba talaga dito Xandra? Hindi ka sasama sa amin?"hindi pala siya sasama. Tumayo na si Sachi.
"Ayoko. Aalis ako mamaya. Sige kayo na lang. Ingat"at umakyat na siya sa taas na padabog.
"Ano problema nun?"tanong ko kay Sachi.
Sachi's POV
Habang nagbibihis sa taas si Boni bumaba mula sa kwarto niya si Xandra at tumabi sa akin."Aalis ka?"tanong niya.
"Oo, kakain kami sa labas ni Boni. Sasama ka?"tanong ko.
"Hindi sige. Ano mo ba talaga si Boni at nandito ka kasama namin?"bakit kaya niya natanong. Ano kaya sasabihin ko.
"Ah. Ahm, bestfriend niya ko at may gusto ako sa kanya kaya sumama ako sa inyo"biglang lumungkot yung mukha niya. Nakita kong bumaba na sa hagdan si Boni.
"Tara?"tanong ko at tumango naman siya. Ganyan naman suot nito. Para siyang lalake "Bat ganyan suot mo. Para kang tibo. Okay ka lang ba talaga dito Xandra?"at tinignan ko siya.
"Ayoko. Aalis ako mamaya. Sige kayo na lang. Ingat"at bigla siyang umakyat sa taas.
"Anong problema nun?"tanong sa akin ni Boni.
"Ewan ko dun. Tara na nga"sabi ko at lumabas na kami ng bahay.
Pagdating namin sa kainan ay pinaupo nako ni Boni kasi siya na lang daw mago order. Maganda siya, mapute, matangos ang ilong, mabait, at sexy. Ay? Ang manyak ko naman. Haha. Pero biro totoo yung sinabi ko kay Xandra kanina na gusto ko si Boni.
Dugdug. Dugdug.
Hay, Ano ba naman yang pusong yan.
"Heto na"nagulat ako kay Boni.
"Nanggugulat?"at tumawa lang siya.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo kaya hindi mo napansin na nandito nako"
Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami ng biglang nagsalita si Boni.
"Feeling ko may gusto sayo Ate ko"kaya pala ganun kinikilos niya. Nagseselos ba siya? Siguro nga.
"Ganun ba. Siguro kaya ganun yung kinikilos niya kanina kasi nagseselos siya"sabay pout ko pa.
"Nagseselos saan? Bakit siya magseselos?"sasabihin ko ba? Ang aga naman para dito.
"Sabi ko lasi gusto kita"at yumuko ako at sinubo ang kinakain ko.
"Hahahahahaha! Abnormal ka talaga. Ininis mo pa siya no?"huh? Hindi man lang nag-react dun sa sinabi kong gusto ko siya.
"He! Gusto nga kita diba?"ngumiti lang siya.
"And so? Ngayong gusto moko ako ba mapapangasawa mo? Hindi naman diba? Atyaka mawawala din yang feelings mo sa akin no? Tropa lang turing ko sayo"ayan na tropa zoned ako. Saklap. Pero kakaiba siya sa lahat ng mga babaeng nakilala ko.
"Ah, okay. Na tropa zoned ako"
"Buti nga hindi ka na colombia zoned eh. Hahahahaa"tawa parin siya ng tawa. Ang cute niya talaga
BINABASA MO ANG
Mapaglarong Tadhana
Teen FictionNapaka mapaglaro talaga ng tadhana. Mahal mo siya may mahal siyang iba. Mahal ka niya may mahal kang iba. Pwedeng kung sino na lang ang gusto mo siya na lang din magkagusto sayo