Tadhana 9

12 0 0
                                    

Boni's POV
Pagpasok ko sa room namin ay tulala parin ako. Umupo ako sa upuan ko sa tabi ni Tyler at Zach. Paanong nangyare na gusto mo ang dalawang lalake pero hindi kilala ang isa. Ang hirap naman.

"Hi Ms. Xandra. Naliligaw ka yata?"sabi ng isa sa classmate ko dito sa section 11. Tinignan ko siya. Ngiting ngiti naman siya.

"I'm not Xandra, okay?"at binalik ko sa board ang tingin ko.

"Okay, you are? Ahm,"tapos nag-isip pa siya. Hindi mo bagay, hahajoke"ha-ha! You are Alexander! Ang ganda mo naman. I like you. Pero seryoso kamukha mo si Xandra"tuwang tuwa naman siya oh.

"Malamang ate ko"habang tumatawa ako.

"Hahaha, kaya pala. So nice to meett you Alexander"at inilahad niya ang kamay niya.

"Call me Boni, and you are?"hindi ko pa kasi kilala mga kaklase ko. Is this my chance para dumami friends ko? But no, alam ko namang plastic sila.

"Mark, sige bye Beautiful Boni"at nag wave siya sa akin pati naman ako. Nag bye pa siya nasa kabilang row lang ang upuan niya.

Nagpakilala pa mga kaklase ko sa akin. 23 kami sa klase ako lang ang babae. Section 11 ba naman. Section 2 kasi ako at 5 lang ang lalake doon. Gwapo lahat ng mga nasa section 11. Yung iba basketball player yung iba baseball at iba iba pa. Yung tipong sa sobrang athletic at gwapo nila wala ng natira sa utak nila pero mababait naman sila.

"Hi class"sabi ni Sir Jason pagkapasok niya sa room. Nasabi ko na ba na siya yung pinaka gwapong teacher dito sa Xander High pero balibalita bakla daw siya pero hindi pa confirm.

"Hi sir jason"bati KO. Oo ako lang. Tinignan ko silang lahat pati ittong katabi kong dalawa parang wala sa sarili. Tinignan ko si Sir Jason.

"It's okay. May larong mangyayare sa Xander High pero hindi lahat ng student ay sasale"paninimula ni Sir Jason. Tahimik lang silang nakikinig sa kanya"6 players per section dahil kaunti lang ang mga estudyante dito. Sa section niyo naman na saan may pinaka marami ay kukuha ng 8 players. Bubunot ako ngayon ng 8 na tao at tignan niyo ang LRN niyo (student number). Kasali sa section na ito sina Boni, Tyler, at Zawn. Okay are you ready class?"

"Yes Sir!"masigla nilang sabe. Laro?

"Sir!"taas kamay na sabi ko.

"Yes Boni?"tanong ni Sir.

"Ano pong klaseng laro ang sinasabi niyo?"tanong ko.

"The Hunger Games"nagsigawan naman ang mga kaklase ko. Nagtaas ng kamay si Zawn.

"Edi sir magpapatayan kami?"natahimik naman ako. Ayoko ng ganitong laro. Ano bang iniisip ng school nato? Binabawasan niya yung mga estudyante kasi over papulated na siya.

"Hindi. May kukunin lang kayong limang bags. May number yon. Bale kayo ang district 11 like hunger games. May gun din kayo. Iwasan niyong ma-paint yung damit niyo kung hindi deads na kayo at pwedeng kunin ng ibang players ang mga bags na nakuha niyo. 5 bags per district att dahil section ko kayo may sasabihin ako tips para sa inyo. Sa taas ng puno halos nakalagay ang mga bags pero nakatago sila 60 bags lahat yun. Nagtataka kayo diba dapat 55 lang. Yung 5 bags kasi bonus yon. Nakatago sa likod ng green house sa mga puno doon"what?! Wait!

"Sir! Wala naman pong makakapunta doon diba?" Tanong ni Six.

"Yes, pero may isang tao na nakakapunta doon"tinignan ako saglit ni Sir Jason. Oo, yun yung teritoryo ko. Ako lang ang nakakapasok dun. Why? Nakakandado kasi yung gate at ako lang ang may hawak ng susi kahit principal walang duplicate ng susi ko.

"Sa tingin niyo classmate! Sino kaya yun? Yung principal ba?"sigaw ni Carlo.

"No, student siya. Ang napaka mesteryosong estudyante"sabi ni Zach.

"Alam mo kung sino?"bulong ko. Tumango naman siya at ngumiti.

"Don't tell anyone that mini forest is mine okay?" Bulong ko. Tumango ulit siya. Nakita niya siguro ako dati na pumasok doon o baka siya yung narinig ko dati.

"Okay bubunot nako. LRN 12984"tumayo si Mark at pumunta sa harapan "LRN 32674"tumayo naman si Jerald "LRN 45632" tumayo si Tyler at pumunta sa harapan "LRN 26348" tumayo si Zach at pumunta sa harapan "LRN 54367" tumayo si Six at pumunta din sa harapan "LRN 20905" tumayo si Jeydon at pumunta sa harapan "LRN 10203" tumayo si Klent at pumunta sa harapan "and last but not the least LRN 21349" na shock ako. Seryoso, ako yung kasali. Tumayo ako ng dahan dahan at halata sa mukha ko ang shock.

"Ang rules sa game ay bawal hawakan ang kalaban, bawal mang-agaw ng bag kung buhay pa ang kalaban. What I mean is kung hindi pa siya nababaril. Kailangan munang mapintahan ang damit bago kunin ang bag. Kung natamaan kana you need to surrender. Itong district na ito ang pinaka malakas. Kayo ang may pinaka konti na members. Yung ibang district may kasama silang lower year. Hindi lang 4th year ang kasama. Malakas kayo dahil kasanggan niyo si Boni"na shock silang lahat.

"Pero ako lang ang may karapatan na pumasok sa teritoryo ko"sabi ko sa kanila. Clueless parin sila.

"Don't tell anyone na siya ang may-ari ng mini forest na yun"sabi naman ni Zach. Ngayon naiintindihan na nila.

"Kaya as much as posible siya ng pangalagaan niyo dahil siya ang pag-asa ng district 11. Kung sino ang mananalo sila ang makakatanggap ng surprise prize at kung sino ang matatalo sila ang maglilinis ng buong school. Ayaw niyo namang maglinis diba. Si GO DISTRICT 11!!" Cheer na cheer sa amin si Sir Jason.

"Anong meron sa mini forest mo?"bulong sa akin ni Tyler. Maitatago naman niya yung sasabihin ko diba?

"As usual mga matatas na puno. Hindi basta bastang puno. Alam mo ba yung puno sa mga gubat talaga yung diretso lang sila pero may malalaking sanga tapos sa may dulo ng kagubatan ko ay may kubo tapos sa tabi niya merong lawa pero syempre fake lang yung lawa pero mukha naman siyang totoo. Sa bandang kanan nun may pinto palabas ng Xander High" yung last part binulong ko sa tainga niya para siguraduhin na walang nakakakrinig. Papunta kasi kami ni Tyler sa next subject namin.

Mapaglarong TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon