Nagising ako na katabi ko si Zach. Akala ko panaginip lang. Oo, biglaan nga ito. Sisiguraduhin ko muna ang nararamdaman ko. Sana hindi ko pagsisisihan. Ang gwapo niya talaga. Ang swerte ko dahil akin na siya, pero hindi ko siya inaangkin ng buong buo dahil hindi pa kami kasal. May limitasyon din kami sa iskwelahan dahil ang alam ng lahat ay kami ni Tyler. Dapat kasi nag-isip muna ako nung gabing yun. Masyado akong padalos dalos sa aking mga desisyon. Tumayo nako para maligo. 5:40 am palang. Hindi pa nagigising si Zach. After 30 minutes natapos nako sa paliligo at nag-aayos na ako. Kinuha ko ang bag ni Zach at binuksan ito. Naku-curious lang ako kung anong laman. Pabango, ilang pirasong notebook, libro. Libro? Nagbabasa siya nito? Binalik ko na agad ang bag niya sa sofa. Naka uniform nako pero hindi pako naka sapatos.
"Baby, gising na"sabi ko sabay halik sa noo niya.
"Good Morning Baby"sabay hila sa akin sa kama at yumakap.
"Naka-uniform nako"sabi ko at linapit niya pa ang mukha niya sa akin. Wala man lang bahid o bakas na bagong gising siya. Amoy strawberry mint ang bibig niya.
"I love you"sabi niya at sinagot ko siya ng halik.
"Tara tayo ka na dyan. Maligo kana papasok na tayo"sabi ko at lumabas na ng kwarto. Pumunta ako sa kusina para maghanda ng makakain.
Nagluto ako ng bacon, itlog, hotdog, atyaka fried rice. Favorite ko mga to eh. Minsan lang kasi ako kumain ng rice sa umaga.
"Ang sarap naman niyan"sabay back hug sa akin ni Zach.
"Tara kain na tayo"umupo ako sa tapat na silya na inupuan ni Zach.
"Alam mo hindi ko aakalaing magiging tayo. Bilib din ako sayo kasi nag take risk ka para sa relasyon natin"tumango ako at sumubo ng pagkain. Rule number 2. Linabag ko ang rule number 2. Wag makikipag relasyon sa iba kung hindi pa tapos ang kontrata. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Tyler. Ilang ring lang sinagot na niya.
"Nasa school nako. Nasaan ka?"bungad ko sa kanya pagkasagot niya ng tawag.
"Papunta pa lang sa inyo. Bakit nauna ka na agad dyan? Hindi mo lang man ako hinintay"medyo may pagkainis sa boses niya. Tinignan ko si Zach at tumango lang siya pagkatapos ay binalik ang atensyon sa pagkain niya.
"Hindi kasi ako sa amin natulog dahil gabi na ako natapos sa ginagawa ko. Dahil malapit lang ang bahay ng kaibigan ko sa school ay sa kanila nako nakitulog. Sorry Tyler"pagsisinungaling ko.
"Oh sige. Hintayin mo ako sa first sub natin. Bye, i love you"guilt. Yan ang nararamdaman ko ngayon.
"Sige, bye"at pinindot ko na ang end call.
"Ngayon ko lang siya nakitang ganyan magmahal ang masaklap nga lang ako ang mahal ng mahal niya"malungkot pero natutuwang sabi ni Zach. Bipolar bato.
"May kapatid ka ba bukod kay Marga?"tanong ko at hindi pagpansin sa sinabi niya.
"Oo, may tatlo pakong kapatid. Hindi naman sa amin nakatira si Marga. May sarili siyang condo kasi ayaw niyang makasama kami. Kasama namin siya nung hanggang second year high school pero ngayon hindi na"aahh. So 4 sila.
"Who is your Mom and Dad?"tanong ko. Hindi ko pa kasi kilala mga magulang niya.
"My Mom is Mirden Jame Mendez and My Dad is Giovanni Mendez"wait? What?!
"Daddy mo si Ninong Van?! And your Mom is Ninang Principal?! Bakit hindi ko alam"grabe ninong at ninang ko mga magulang niya.
"Yes. Gusto mo bang pakilala kita mamaya sa kanila. As my girlfriend"tumango na lang ako. Agad naming tinapos ang pagkain at siya na ang naghugas ng pinggan. Pinauna ko na siyang lumabas ng mini forest tapos sumunod na lang ako. 7:00 am na. Dali dali akong pumunta sa first sub namin. Nakasalubong ko pa sa hagdan si Tyler.
BINABASA MO ANG
Mapaglarong Tadhana
Teen FictionNapaka mapaglaro talaga ng tadhana. Mahal mo siya may mahal siyang iba. Mahal ka niya may mahal kang iba. Pwedeng kung sino na lang ang gusto mo siya na lang din magkagusto sayo