Tadhana 15

7 0 0
                                    

Zawn's POV
Pagkaalis ni Xander susundan ko sana siya pero hinawakan ako sa braso ni Tyler.

"Alam ko na ang lahat pero may isa pa. Anong hindi ko alam?"matigas at nanggigil na sabi ni Tyler sa akin.

"This is not the right time to tell you this thing Ty. May tamang panahon para dyan"at pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero lalo niya itong hinigpitan. Hindi nako nag-pumiglas dahil gusto kong marinig ang susunod niyang sasabihin.

"F*ck! Zawn wala tayo sa AlDub para maghintay ng tamang panahon! Kailangan mo ng sabihin sa akin ngayon kung hindi mababaliw ako kakaisip! Wala mo naman kung gaano ko siya kahamal pero umamin ka sa kanya. Natatakot akong maagaw siya sa akin"parang may pakikiusap sa kanyang mga mata. Naaawa ako sa kanya.

"Masasaktan ka lang Ty. Tinuring na kitang kapatid kayya ayokong masaktan ka"parang lalo pa siyang nainis sa sinabi ko.

"D*mnit! Kung tinuturing mo akong kapatid Zawn sasabihin mo na ngayon dahil mahal moko. Mas masasaktan ako kung papatagalin mo pa. For brother's sake Zawn. Please tell me"tinanggal niya ang pagkakahawak sa akin at hinawakan ang dalawang balikat ko para maiharap ng maayos sa kanya.

"We're on relationship. I'm so sorry Ty"sabi ko sa kanya at yumuko. Binitawan niya ang pagkakahawak sa balikat ko at lumuhod.

"Please Zawn. Break up with her. Mahal na mahal ko siya. Nakikiusap ako please. Lulunukin ko ang pride ko para sa kanya. Para sa relasyon namin"umiling ako.

"Tumayo ka. Ayoko siyang bitawan. Ayoko siyang pakawalan. Kung mahal mo siya mas mahal ko siya Ty"tumayo siya at pumatak ang luha niya sa kaliwang mata. Galit na galit na si Tyler. Alam ko kung bakit. Kapag pumatak na ang luha sa kaliwang mata niya. Bigla niya akong sinuntok at gumanti ako hanggang sa tuluyan na kaming nagsuntukan.

Mapaglarong TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon