Zawn's POV
Nakakabanas 'tong pinsan ko. Pati ba naman si Boni aagawin sakin. Wait? Akin ba si Boni. Haha. Feelingero naman ako. Nalaman ko pa na magkaklase sila sa lahat ng subject. Bakit kasi naman ganyan yung Xander High. Iba iba yung pinapasukan mong section. Para naman daw makilala namin yung iba naming school mate kasi ang konti lang daw namin.Pagkauwi ko sa bahay dumiretso ako sa kusina. Nagugutom kasi ako. Nadatnan ko naman si Yaya Lorna nagluluto. Yii. Favorite kong Tortang talong.
"Yaya, ang sarap naman ng linuluto mo"at sumilip pako sa linuluto ni Yaya.
"Oo, tapos na niyan ito anak upo kana don"at umupo nako sa upuan. Sa counter top ako kakain. Ayoko sa dining area. Hindi ko makikita kusina doon. May narinig naman akong boses mula sa taas. Nagtatawanan. Si Traver at Tyler siguro un. Traver Shawn Mendez. Kuya ko. Matanda ng isang taon. Parang kambal ni Tyler kasi magkamukha sila tapos lagi pa silang magkasama. Edi sila na. Parang sila yung magkapatid at ako yung pinsan. Close naman kami ni Traver pero mas close kami ni
"Hi Ashley Hailey Mendez"speaking of my favorite kapatid. Siya yung pinaka close ko. Actually may ate pako eh. Ewan ko nasaan siya. Gumagala siguro. Panganay namin siya. Pinaka makulit naman sa amin. Ako yung pinaka seryoso at gwapo. Hahaha.
"Kuya? Hi Yaya Lorna! Anong linuluto po ninyo?"at sumilip siya dun sa linuluto ni Yaya. Nanlaki naman yung mata niya.
"Wow! Favorite namin ni Kuya"tapos tuwang tuwa parang bata nagtatalon talon pa. Ikaw na.
"Tapos na"at linapag ni Yaya yung linuto niya.
"Wow! Tortang talong. Hoy Zawn! Hindi ka nangaaya ah"sabi ni Traver.
"Eh kasi favorite ko"sabi ko habang ngumunguya na.
"Penge din ako"sabi naman ni Tyler. Ang saya saya naming kumakain.
"Hoy! Hindi niyo ko sinasali ha?"sabi ni ate Shey. Sharina Shey Mendez. Panganay namin. Kumpleto na kaming magpipinsan. Walang kapatid si Tyler ewan ko ba sa mga magulang niya. Kaya nga spoiled eh. Kaming 4 naman ayan loko loko lahat. Pagkatapos naming kumain si Ashley yung naghugas ng pinggan. Kawawa nga eh. Porke bunso siya na yung dakilang utusan namin. Meron naman daw yaya bakit siya pa.
Umakyat nako sa kwarto ko para makapagbihis. Iniisip ko parin ngayon si Boni. Nasaan kaya siya.
Mahal ko na yata siya ♥♥
BINABASA MO ANG
Mapaglarong Tadhana
Teen FictionNapaka mapaglaro talaga ng tadhana. Mahal mo siya may mahal siyang iba. Mahal ka niya may mahal kang iba. Pwedeng kung sino na lang ang gusto mo siya na lang din magkagusto sayo