Boni's POV
Pagpasok ko sa 5th subject namin na science ay umupo nako sa upuan ko. Kaklase ko nanaman si Zach pero ang nakakalungkot si Matt nasa section 3. Naiwan ako dito. Ayoko na. Joke lang. Section 11 mga kaklase ko dito. As usual lalake lahat mga kaklase ko ang masaklap pati si Zach nandito. Ayokong makipag close sa kanya baka lalo akong ma-in love."Tulala?"
"Ay Palaka!"napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Hiningal ako dun ah.
"Mukha bang palaka ang mukhang to?"sabay turo pa niya sa mukha niya. Napataas ang isa kong kilay
"Lagi ka na lang kasing sumusulpot nakakainis ka kaya nga na-in love ako sayo"bulong ko. Napalapit naman siya sa akin. Hala? Narinig niya ba yun
"Ano Xander? Hindi ko narinig eh"umiling na lang ako.
*beep*
From:retarded best friend Matt
Just go with the flow best. Kahit wag mo na siyang iwasan. Hayaan mo na lang kung anong mangyare sa inyo. Wag ka lang pabuntis sa kanya. Peace.Epal talaga to. Hahahaha. Pero gumaan pakiramdam ko dun ah. Kahit kailan he's saving my feelings. Sarap sa pakiramdam.
"Uy? Wala ka bang balak na kausapin ako. Napapansin ko iwas ka ng iwas sakin. May problema ba Xander"umiling ako at ngumiti.
"You know what Zach? Natatakot akong ma-in love"at tinutok ko ang tingin ko sa kanya.
"Huh? But why?"nagtatakang tanong niya.
"I'm scared to fall in love to the person that won't love me back. Hindi ako sanay sa rejection. You know that? I have all things i wanted. But I know this time hindi ko makukuha yung bagay na gustong gusto ko" lumungkot din ang mukha niya.
"I understand your situation. I love a girl but i know she won't love me back. You know that feeling? Yung nakikita mo siyang masaya sa iba. I can't imagine myself with her. She is so damn perfect in my eyes. She's so beautiful as aff"ngumiti siya sa akin"but after all this i want to court her"lumungkot bigla ang mukha ko. May gusto siyang iba "but you know what Boni natotorpe ako. Ang daming babae na nanliligaw sa akin pero kapag ako na ang manliligaw nadu diwag ako"
"Ang swerte naman ng babaeng yan"atyaka ako ngumiti. Ngiti na may halong lungkot.
"Hindi mo lang alam"napakunot ang noo ko "Wala yun Xander"ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. Habang nagdi-discuss yung teacher namin biglang pumasok si Adviser. Ano kayang nanunsiyo nanaman ito?
"Hi class! Sorry ngayon ko lang maipapakilala sa inyo ang bago niyong classmate na si Tyler" pumasok naman ang isang matikas, gwapo at maputing lalake at ang tangkad niya. Yuck! Anong pinagsasabe ko.
"Introduce yourself then"sabi ko na pataray. Ngumiti naman sa akin ang loko. Napakunot naman ang noo ni Zach. Pero medyo mukhang mamamatay tao si Tyler. May pagka emo eh.
"Tyler Madison Traudt"at umupo siya sa tabi ko?! What the?! Napagitna ako.
"Okay thank you class and thank you sir. You may continue your lesson"at tuluyan ng umalis si Ma'am Adviser. Ito namang teacher naming bakla ang lapad ng ngiti. Oh well. Malamang nadagdag nanaman estudyante niyang lalake. Inis nga yata sa akin yan kasi ako lang babae dito eh.
"So you are?"tanong sa akin ni Tyler.
"I'm Alexander Boni Lopez"at inabot ko ang kamay ko sa kanya at nakipag shake hands.
"Nice to meet you Boni"at ngumiti siya. Wow! Boni agad. Hahaha.
"Shut up. Nagdi discuss si sir"suway sa amin ni Zach. Nakinig na lang din ako ulit.
"Okay class dismiss"at tumakbo paalis ang mga kalalakihan pwera lang kayy Zach at Tyler. Naiwan kaming tatlo sa room. Dito rin kasi next subject namin. Hihintayin na lang namin yung teacher at classmates namin.
"So? What brings you here?"pagpuputol ko sa katahimikan. Hindi na kasi ako komportable.
"Ahm, umuwi kami ng family ko from US and gusto kong maranasan ang mag-aral sa pilipinas. You know what? Ikaw palang ang pinaka magandang babaeng nakita ko sa school"sabay ngiti.
"EHEM!!"pagpaparinig ni Zach.
"Nandyan ka pala pre?"natawa naman ako sa reaksyon ni Zach. Nanlaki yung mata niya tapos biglang nanlisik.
"Ay! Wala! Wala ako dito! G*gu"sabay irap. You're sooo gaaayy.
"Really Tyler? Paano kung nakita mo ate ko hindi na ako yung pinaka maganda?"nakasibangot lang si Zach. Anong problema ng lalakeng to.
"I don't think so. Nakilala ko na rin yung mga classmates natin. You know what Boni? Classmates tayo sa lahat ng subject. And you know what? May dalawang subject na hindi natin kaklase si Zawn"and he know his scream name. Medyo magkamukha sila.
"Zach, Tyler, magpinsan kayo no?"natawa lang si Tyler tapos si Zach nakakunot lang ang noo.
"Why did you not tell me? Hmfft!"tapos nagpasukan na yung mga kaklase namin. Tinginan lahat sila sa amin. Ah okay. I don't like attention, really.
Pagkatapos ng klase may biglang tumawag sa akin. Oh so dear Sachi. Tumatawag siya.
"Yes?"with my bored tone voice.
"Kaklase ko ate mo. Naninibago daw classmates namin sa kanya kasi ang tahimik daw niya ngayon"ang saya niya ha.
"I talk to you later Sachi. I'm in a rush. Pupunta pako sa bookstore. Bye"at binaba ko na ang tawag.
BINABASA MO ANG
Mapaglarong Tadhana
Teen FictionNapaka mapaglaro talaga ng tadhana. Mahal mo siya may mahal siyang iba. Mahal ka niya may mahal kang iba. Pwedeng kung sino na lang ang gusto mo siya na lang din magkagusto sayo